Tuesday, May 30, 2017

Gandang Sylvia Sanchez para sa mga nanay at edad 40's



Hindi isyu na kung magaling man na aktres si Sylvia Sanchez o’ hindi.
            
Doon sa mga hindi kumbinsido na isa siya sa maibilang mo na tunay na artista na pinanday ng panahon,bahala kayo at hindi pa rin naniniwala sa sinasabi ko keber.
        

Gandang Sylvia Sanchez at 46
Oo nga’t natapos na ang pinakamalaking television project ni Ibyang (tawag naming sa aktres) na "The Greatest Love"; na naging bukambibig ang pangalan ni Nanay Gloria, until now ay may hang-over pa rin ang publiko sa katatapos na afternoon serye.
           
Hindi pa man nahimasmasahan sa isyu ng pagkamatay ni Nanay Gloria, heto’t sinundan na naman ng isa pa rin breakthrough ang pagiging celebrity endorser ng aktres ng Beautederm Soap kung saan for the first time in her entire career in showbiz at the age of 46, hindi makapaniwala ang aktres na siya ang pinili ng owner ng naturang beauty soap company na pampakinis at pampaputi para maging modelo nila.
           
Sabi ni Sylvia: ” Hindi pa rin ako makapaniwala na ngayong 46 na ako, eh, meron pa akong ganito, may endorsement pa ako at isang beauty soap pa."
          
Bago humarap sa grand launch, super exercise si Sylvia so she would look fit at tama at akma lang sa produkto na ini-endorse niya.
          
Kuwento pa niya: “Lumiit na ako dahil nagdyi-gym ako araw-araw!”
           
Sa kanyang social media account sa Instagram at Facebook ay regular nagpo-post si Sylvia ng mga photos niya during her mala- cross-fit training.
           
Sa mga nakaraang mga araw kung follower ka niya sa kanyang Instagram at FB account ay makikita mo ang mga training niya.           

Last Tuesday morning, kasama ang panganay na anak na si Arjo Atayde tila nagja-jo-jogging pa sa parang track oval ng ULTRA ang mag-ina.
           
Sylvia is the new celebrity endorser for BEAUTe'DERM Soap
Bye the way, after ng The Greatest Love ay baka sa late June ay may malaking sorpresa ang aktres sa mga followers niya lalo pa’t si Arjo ay natapos na ang role sa "Ang Probinsiyano" at si Ria Atayde naman ay magtatapos na next week ang serye niyang “My Dear Heart” kung saan gumaganap naman angn dalaga as Dra. Gia ay may panahon na sila na magsama sa isang project.

An MMK episode kaya na silang tatlong mag-ina ang mga bida na matagal na pangarap ng tatlo at mga fans nila? Let’s wait and see.

No comments:

Post a Comment