Bilib pa rin kami sa humility ni Dennis Trillo.
Hindi ko alam kung dahil sa mahiyain
siya as a person kaya tahimik lang siya o’ baka kasi si Dennis, mababa lang ang
loob na sa estado niya ay pwede naman pero ayaw niya ipagsabi dahil paniwala
niya, it’s a collective effort ang ginawa niya kasama ang mga co-stars niya sa
pagbabalik sa ere ng Mulawin with a new title na “Mulawin vs Ravena” na
nagsimula na lumipad sa ere tonight Monday May 22 pagkatapos ng 24 Oras news
program ng GMA Kapuso Network.
After 12 years mula nang matapos ang
seryeng Mulawin na pinagsamahan nila noon nina Richard Gutierrez at Angel
Locsin; muli nagbabalik ang karakter ni Gabriel (played by Dennis) bilang Hari
ng mga Ravena at tagabantay ng Halconia na teritoryo nila.
Ang tagal na rin yun at mabuti
at nag-decide ang GMA management na ibalik ang pantaserye na isa sa super hit
television show noong panahon na yun na maging ang kalababang palabas ng
kabilang istasyon ay may tulog sa pantaserye nila.
“Hindi ito bagong kuwento.
Magkarutong ito sa kuwento ng Mulawin. But this time mas matindi. Mas siksik sa
action scenes.
“May mga Mulawin na nahuluan. May
mga Mulawin at Ravena na mga ispiya ,” kuwento ni Dennis tungkol sa sacbago
niyanhg palabas sa telebisyon.
Mas magaganda ang stunts this time. “ Si Heart
(Evangelista) nag-practice talaga kung paano lumipad at ibang mga bagong mga
karakter ng serye,” kuwento ni Dennis.
Mas exciting ngayon ang palabas lalo
pa’t sa mga special effects na idadagdag sa mga karakter nila lalo na ang mga
pakpak nila at stunts ng paglipad.
Sa serye halos mga bago ang mga
kasama ni Dennis; at isa na ang karakter ni Regine Velasquez whom plays the role of Sandawa ; si Lovi Poe
plays Magindara; si Carla Abellana naman
ay si Aviona na isang well loved Mulawin; Ariel Rivera as Panabon at
si Heart nga in a very special role as Alwina.
Sabi nga namin kay Dennis na siya
ang pinaka-bida ng palabas. “ Hindi naman. Pero kaming lahat. May kanya-kanya kaming ambag
at tulong sa bagong show. I cannot claim the credits,” sabi ng aktor.
Sa pagsisimula ng pantaserye ngayong gabi ay
magkakasabay ipapalabas ang action-serye
naman ni Coco Martin na “Ang Probinsiyano”.
“It’s
a healthy competition. Magkaiba naman kami ng genre kaya nothing to
worry,”pahayag niya.
No comments:
Post a Comment