Sunday, May 21, 2017

Ang demonyo sa katauhan ni Arjo Atyde

Sa itsura pa lang ng picture na ito, demonyo na ang dating ng aktor na si Arjo Atayde
Kuha ang litrato na ito sa isang eksena ng FPJ's "Ang Probinsyano" na napapanood sa Kapamilya Network pagkatapos ng TV Patrol.
 
Ang demonyo na si Joaquin played by Arjo Atayde

Nakakatakot tingnan na ang ngiting aso ng aktor na kahit guwapo, may demonyo within. Si Arjo ay si Joaquin na numero uno na kalaban ni Cardo played by Coco Martin sa aksyon serye.

Si Arjo ang makabagong bad boy, super kontrabida na kinamumuhian ng mga manonood.

Naalala ko si Arjo noon, payat, totoy na totoy na nang sabihin ng ina niyang si Sylvia Sanchez na ang tawag ko ay Ibyang" na magso-showbiz na rin ang panganay nilang anak ni Papa Art Atayde.

Prim and proper pa ang look ni Arjo nun. Kumbaga ang dating Lasalista na  "The Good Son" ang peg pero pagdating sa pag-arte, pwede maging kabaliktaran kung ano man siya.

Sa simula, kung akting din lang naman ang paguusapan, lusot na siya with flying colors sa performance niya sa "Bangka"episode ng MMK noon na nagbigay sa kanya ng pagkakataon na mapansin sa usaping acting. Ang naturang episode na yun ang nagbigay sa kanya ng una niyang acting award noon.

Sa katunayan sa pagsisimula niya; the "the new kid on  the block" in 2011 ay may ibuibuga pala. He is not just guwapo  and super good looking but he is a damn good actor.

A picture of Arjo for E Boy serye

Sa mga kuwento ng mga kasamahan niya, mula sa mga kapwa artista; sa mga production staffs ng mga show na kinabibilangan niya, Arjo is not just your regular actor. Iba siya. Kumbaga sa lenguwaheng kalye, "demonyo" pagdating sa pagarte.

Mamayang gabi, Lunes May 22 ay dapat abangan ng mga manonood ng Ang Probinsiyano sa pagtatagpo nila ni Cardo. Magtutungali ang dalawa. Matira ang matibay. Magpapagaling sila. 

Sa pagtatagpo nila ni Cardo, ito na kaya ang kamatayan ni Joaquin?.


No comments:

Post a Comment