Sunday, May 7, 2017

Vice Ganda may pelikula with Pia Wurtzbach at Daniel Padilla


Kapag may pagkakataon, hindi nakakalimutan ni Vice Ganda na makasama ang mga enbtertinment writers na alam niya na naniniwala at nakakatulo ng sa kanya.
             
Noong huling tsikahan namin ni VG noon with his friends sa media was a couple of months ago.
         
Vice Ganda
Last Friday night, nakasingit sa kanyang hectic schedules humarap muli ang unkabogable box-office superstar for his Tsikahan Night with Vice Ganda sa isang resto sa Tomas Morato.
 
Daming tsika ni Vice. Ang tungkol sa colored hair niya, ang klase ng pananamit niya na isang fashion statement; ang tungkol sa pagpapakasal ng naging boyfie niya na basketbolista, ang isyu ng komedeyanteng “senator” sa senate at ang film project na niluluto ng Star Cinema na pagsasamahan nila ni former Miss Universe Pia Wurtzbach at  Daniel Padilla. 


Ayon sa komedyante ay wala pa ibinibigay na title sa pelikula na pagsasamahan nilang tatlo kung saan bukod sa pagiging artista sa naturang project (baka maihabol sa MMFF 2016) ay creative consultant din siya sa proyekto.

Free of charge ang role niya as creative consultant. ““Hindi ko pinapabayaran yon as part of the creative team. Kasi I feel it’s my obligation kasi it’s my movie na kailangan yung inputs ko.”
 
Panigurado ni Vice na maaalagaan ang role ni Pia sa movie kaya hindi kailangan magalala ang mga fans ni Pia. Ngayon pa lang ay marami ang excited sa film project na iyo ng tatlo.

No comments:

Post a Comment