Kahit noon pa man, gusto ko na ang pagiging out spoken ni Vice Ganda.
Hindi naman kasi naka-kahon si Vice kumpra sa ibang artista na kahit matalino at madiskarte ay takot ng mg mangers nila at publicist tuwing bumubuka na sila ng bibig para magbigay ng kanilang opinyon sa kanilang mga paniniwala at kuro-kuro sa iba’y ibang usapin.
Vice Ganda in politics? |
Kaya nga saludo ko sa mga showbiz celebrities na may opinion at paninindigan. Hindi porke’t sikat ay keri na ng isang tulad ni Vice ang maging prangka. Hindi porke’t box-office superstar ang beki ay keri niya lusutan ang kahit na anong isyu dahil siya si Vice Ganda
Pero sa mga hindi nakakapanood sa kanya noon as a stand-up comedian bago pa man siya sumikat as Vice Ganda ngayon ay siyang-siya ang Vice na napapanood natin sa noontime show niya na It’s Showtime at ang Sunday talkshow niya na Gandang Gabi Vice.
Sa stand-up comedy bars circle, si Vice ay si Vice. Matabil. Mapaglaro. Straightforward. Diretso kausap na siyang ugali na gusto ko sa isang tao.
Kaya sa isang pagtitipon kamakailan, sa isang usapan tungkol sa mga bobitong mga nasa kongreso at senado na sa kabila ng katotohanan na kitang-kita na kung sino ang salarin at may sabit ay pilit pa rin pinagtatakpan ng ilan (na karamihan sa kanila ay ganito); para lang i-cover-up ang kanilang amo, hindi na bago na maiirita ka sa mga naihalal ng taumbayan.
What if kung si Vice Ganda kaya ang maupo sa kongeso (or sensdo) na isang diretso, prangka at walang paligoy-ligoy na tao; mate-take kaya siya ng mga ‘corrupt” na mga nasa puwesto na binoto natin na mula sa buwis natin ang pinapampa-suweldo?
“I’m not closing my doors to public
service. Sa ngayon, wala ako interest,” sabi niya sa media.
Basta ang sabi lang ng komedyante: "Kung magpapatawa ako sa isang comedy show kesa magpatawa ako sa Senado."
Getz na ngetz ko. Nakuha naman kaya ng mga payaso sa karnbal ng senado at kongreso ang mensahe?
Ako, getz na getz ko dahil hindi naman kasi ako bobito.
No comments:
Post a Comment