Thursday, May 18, 2017

Lovi Poe super effort ang role sa Mulawin vs Ravena



Nagtataka ang super sexy na si Lovi Poe kung saan nangaling yong tsimis na ka-live-in na niya ng boyfie niya na na si Chris Johnson na isang Pranses (French).

 Ang tsika ay palagiaan napapagkita si lalaki sa bahay niya gayong nagtataka ang aktres kung papaano mangyayari yun dahil magkalayo sila ng haybols nila  dahil sa Quezon City  siya nakatira, while her boyfriend naman na sa bandang southern part ng Manila.
           
Lovi Poe in Mulawin vs Ravena

“That’s impossible,”natatawang sabi ni Lovi nang pagumpukan siya ng mga reporters during the interview portion sa grand press launch ng bago niyang TV show na Mulawin vs Ravena na sa Lunes na, May 22 magsisimula lumipad pagkatapos ng 24 Oras new program ng GMA Kapuso Network.

           
From being na sexy-drama actress kung saan natin siya nakilala sa mg walang katapusang iyakan scenes sa huling drama-serye niya na “Someone to Watch Over Me” with Tom Rodriguez to a super sexy Lovi in “The Escort” with Derek Ramsay; this time, isang pantaserye naman ang mapapanood ng publiko sa pagsisimula ng ng Mulawin vs Ravena where she plays the role of Magindara na anak ni Sandawa played by Regine Velasquez na tagabantay ng Mt. Apo,
             
Sa katunayan, halos lahat ng genre ng pelikula at television shows ay nagawa na ni Lovi.
           
Aside from her new pantaserye kung saan role ng isang diwata si Lovi, pinasok na rin niya ang comedy sa pelikulang pagsasamahan nila ni Vhong Navarro na  “Woke Up Like This” mula naman sa Regal Films na naghihintay na lang ng playdate.

Lovi as Magindara

Sa bagong show ng ingliserang si Lovi, isang malaking challenge sa kanya ang  role niya  dahil sa malalalim na pananagalog. “It’s not the usual Tagalong na gamit natin sa conversation. Effort talaga,”sabi ng sexy actress.

Dagdag pa  ng sexy-actress super excited siya sa role niya as Magindara." I'm a goddess of the sea n paramg mermaid" kuwento niya.

No comments:

Post a Comment