Saturday, May 27, 2017

JC Tiuseco thankful sa pagkasama sa Mulawin at Ravena



Napansin ko sa grand media launch ng pantaseryeng Mulawin vs Ravena ay  wala ang streamer ng sexy hunk na si JC Tiuseco.

JC Tiuseco as "Tangos"
 “During the story conference po yan kinunan yong pictorial. Wala pa ako sa cast nun,”kuwento niya sa amin.
            
JC plays the role of ”Tangos” sa muling paglipad ng mga Mulawin at Ravena sa ere na nagsimula last Monday, May 22 pagkatapos ng 24 Oras na balita ng GMA-Kapuso Network.

Happy si JC dahil sa dinami-dami mng mga male stars ng GMA ay napili siya para gumana  as one of the important supporting roles sa serye na almost12 years na nawala sa ere at ngayon nga ay nagbalik sa telebisyon.

JC is managed by Popoy Caritativo of Luminary Artist Management na nagha-handle din ng mga careers nina Dennis(playing the role of Gabriel na Hari ng mga Ravena at taga-bantay ng Halconia sa pantaserye); Janice de Belen, Tom Rodriguez (na may special role sa serye as Rodrigo); Inah de Belen, Rafael Rosell at marami pang iba. 

No comments:

Post a Comment