Sunday, May 28, 2017

Chynna Ortaleza katuwang si Kean sa pagaalaga kay Stellar


Isang hands-on mom si Chynna Ortaleza sa anak nila ni Kean Cipriano na si Stellar.   Kahit may yaya ang bata, sila mismo ng mister niya ang nagaalaga.
           
Sa gabi kapag umiiyak si Stellar, isa sa kanila ang babagon sa pagkakatulog just to check Stellar.
     
“Palitan kami (Kean) sa pagbabantay kay Stella,”kuwento ni Chynna sa amin during the launch of Mulawin vs Ravena na nagsimula na i-ere last Monday, May 22 sa GMA-Kapuso Network.
           
Ang maganda ayon sa aktres ay both lola (her mon and Kean’s mom) ay andyan nakasuporta sa kanila ng mister kapag kailangan ng special care ang apo nila.
           
One nice thing na nangyayari sa kanilang pagbubuo ng pamilya at pagpapalaki kay Stellar ay nakikisama ang pagkakataon sa kanila ni Kean na kapag may work ang isa sa kanila, natataon naman na ang isa kanila ay libre at home based lang.
          
“Like sa case ko, ang haba ng taping namin sa Mulawin at Ravena at ang layo ng location, kampante ako at hindi natatakot na wala ako sa tabi ni Stellar dahil andun si Kean.
          
“In case na magkasabay naman kami ng work at pareho na may commitment andyan naman ang mga lola ni Stella who will take care of her" kuwento ni Chynna.
           
Sa pagbabalik ng pantaerye ng Mulawin vs Ravena, Chynna; plays the role of Reyna Rashana.

Ang Mulawin vs Ravena ay napapanood mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng 24 Oras news programa ng GMA.

No comments:

Post a Comment