Tuesday, May 9, 2017

Beverly Salviejo napabilib kay Ai Ai delas Alas sa pelikukang Our Mighty Yaya

Aliw ang karakter ng koemdyante na si Beverly Salviejo sa pelikulang "Our Mighty Yaya"kung saan bida ang  Reyna ng Komedya na si Ai Ai delas Alas.

 

Akala ko noong una, si Beverly ang magiging kontrabida sa buhay ni Ai Ai as Yaya Virgie sa pelikula sa pagpasok niya sa tahanan ni Antonio "Tonichi" Sevilla played by Zoren Legaspi para maging yaya ng tatlong mga anak nito. 

 
Yun pala, magiging buddy-buddy ni Beverly si Yaya Virgie at malalaman ninyo ang dahilan kung bakit imbis na  sila ang magaway as the "mayordoma" ng tahanan ni Sir Tonichi ay mas naging close pa ang silang dalawa sa kuwento ng pelikula na dinirek ni Joey Javier Reyes.


 

Kaya nga after mapanood ni Beverly ang kabuunan ng pelikula last Monday sa red carpet premiere na ginagawa sa SM Megamall Cinema 1 ay mas napabilib  siya kay Ai Ai na para sa kanya ay akma lang ang titulo na Reyna ng Komedya.

No comments:

Post a Comment