Saturday, May 20, 2017

Ai Ai delas Alas malaki ang pasasalamat kina Mother Lily at Roselle Monteverde

Isa ako sa mga entertainment writers na naimbitahan ng mag-inang Mother Lily Monteverde at Miss Roselle Monteverde ng Regal Films (Regal Multi Media, Inc.) para sa kanilang thanksgiving lunch para sa mga press at bloggers na malaki ang nakaitulong para maging isang box-office hit ang pelikulang "Our Mighty Yaya" na star ang komedyanteng si Ai Ai delas Alas na ginawa sa Valencia Events Place last week.

Ai Ai delas Alas nagpasalamat kay  Mother Lily at Ms. Roselle
Present ang buong cast sa pasasalalamat ng mag-inang Mother at Ms. Roselle para sa mga artista nila tulad nina Ai Ai, former Miss World Megan Young ( na magaling sa role niya as Monique); ang ndalawang mga bata na sina Lukas at  Beverly Salviejo.


Sayang at absent sina Zoren  Legaspi at Sofia Andres at maging si Direk Joey Javier Reyes na may prior commitment.


Nakaka-touch ang pasasalamat ni Ai Ai sa mga taong nagtitiwala pa rin sa kanya sa muntik-muntikan niya na plano na talikuran ang showbiz noong lugmok na lugmok siya sa  buhay.'


Kuwento ng komednyante": Dumaan ako sa maraming pagsubok. Namatay ‘yung nanay ko. Flop ‘yung movie namin, mahirap tanggapin ‘yun. Tapos, nahiwalay ako sa asawa ko, lahat ‘yon sunud-sunod na nangyari. So, sabi ko sa sarili ko, may nagawa ba akong hindi maganda?"

The cast of Our Mighty Yaya with Mother Lily & Miss Roselle

Dugtong pa ng Best Actress Awardee ng 3rd AIFFA 2017 na isinagawa sa Kuching (State of Sarawak in Malaysia) at sa hugot niya: " Masamang kwestyunin si Lord, di ba? Pero pag nasasaktan ako nang time na ‘yun, natanong ko siya, “Lord bakit? Ano’ng nagawa kong masama, ba’t nangyayari sa akin ‘to?"

Alam natin kung gaano katindi ang pananampalataya ng comedienne-actress sa Panginoon na magtataka ka na umabot pa sa ganun ang estado ng paniniwala niya.

"Pagkatapos ng stage na yun ng buhay ko; ito na yong sagot.. kaya emosyonal, eto ‘yung sagot – ‘Anak, maghintay ka lang, kasi lahat ibabalik ko sa ‘yo sa tamang panahon,"paliwanag niya.

After the storm sa buhay ni Ai Ai, a P40 Million box-office result (and still counting) ng "Our Mighty Yaya" ang isa sa mga sagot sa katanungan niya kung bakit siya nawalan ng gana at gusto na iwanan ang showbiz.

Ang planong pagku-quit ni Ai Ai sa showbiz noon ay alam ng manager niya na si Kuya Boy Abunda. Pero ayon sa kuwento ni Ai Ai:" Sabi ni Äma (tawag niya kay Kuya Boy): "Naniniwala ako sa kakayahan mo. Ayokong huminto ka muna kasi marami ka pang ilalabas,"kuwento ni Ai Ai na teary eye.



Ai Ai with the press na sumumporta sa kanya

 “Nawalan na ako ng kompiyansa sa sarili ko, pero may mga taong naniniwala pa rin sa akin – si Boy, si Mother (Lily Monteverde), si Roselle. Sabi ni Roselle, naniniwala kami sa yo," sabi pa ng komedyante.

Natawa si Ai Ai sa sinabi ni Mother Lily:" Dahil sa kinita ng Our Mighty Yaya ni Ai-Ai ay naging rich ulit siya.

To Quote Mother Lily sa pahayag niya during the thanksgiving luncheon at pasasalamt sa mga artista ng pelikula at sa mga press at bloggers: “You know what, Ai-Ai? Thank you for making me rich again,” "natatawang pahagay ng Regal Films Matriarch.

Congratulations Ai Ai and more power.

No comments:

Post a Comment