Dahil
“Single” pa rin officially si Quezon City Mayor Herbert Bautista, tila ang
nakakabatang kapatid niya ang maituturing na “First lady” ng lunsod sa
katauhan ni Harlene Bautista.
Kaya nga kapag may commitment si
Mayor Bistik at nakataon na hindi niya masisipot, ang kapatid na si Harlene ang
nagiging proxy ni Mayor Herbert.
Sa mga pa-birthday treat ni Mayor
Bistik sa mga kaibigan niya sa entertainment media (every quarter ito ginagawa);
noong pa-birthday blow-out niya sa amin (July born kami), dahil hindi pwede sa hectic schedule niya si Mayor Bistik, ang kapatid na si Harlene ang naging host namin kasama ang miste na si Romick Sarmienta sa kanilang very Pinoy
restaurant na Salu na matatagpuan along Scout Torillo cor. Scout Fernandez sa may Kyusi malapit sa Kamuning.
Kaya nga biro kay Harlene, if she
is planning for a political career in the near future lalo pa’t last term na ni
Mayor Herbert sa Quezon City sa kanyang panunungkulan reason kung bakit ang dami niyang kaganapan na trabaho ng isang lingkod bayan.
“Tumutulong lang ako kay Kuya. Andito
lang ako to support my brother in any way I can, sa mga gusto pa niyang idagdag
sa Quezon City ganun lang” paliwanag ni Harlene.
Ang
current project ngayon ni Harlene ay ang "Project Ganda” na isang
beautification project ng lunsod at ng City Lady Foundation na pinamumunuan niya.
“Kung saan ako makakatulong at kailangan ni
Kuya ay all-out kami,” sabi ng dating aktres, restaurateur at film producer ng Heaven's Best Production.
No comments:
Post a Comment