Sunday, May 7, 2017

Ang good karma ni Ai Ai delas Alas


Good news ang pagkapanalo ni Ai Ai delas Alas last Saturday as Best Actress sa 3rd AIFFA (Asean Interntional Film Festival); na isinagawa sa Kuching (State of Sarawak, Malaysia) sa role niya as a “laos”na prostitute sa pelikulang Area.

Ai Ai with supporters

Magandang regalo for Mother’s Day sa darating na May 14 ang pagkapanalo ni Yaya Virgie; ang karakter ng komedyante sa bagong niyang pelikula na Our Mighty Yaya na ipapalabas na nationwide sa mga sinehan sa darating na Wednesday, May 10 na Mother’s Day Presentation ng Regal Films sa obra ng Veteran film direktor na si Joey Javier Reyes.

Bukod sa Best Actress Award na ito ni Ai Ai, regalong bongga rin ang pelikulang Our Mighty Yaya  na alay ng komedyante sa lahat ng mga yaya kung saan she plays the yaya of Zoren Legaspi’s children sa movie played by Sofia Andres, Lucas Magallano and Alyson Mcbride. 

Pero walang kakabog  sa mas bongang pa-andar ni Ai Ai at walang tatalo ang saya na dulot nang nalalapit niyang kasal sa kanyang boyfriend (na ngayon ay fiancĂ©e na dahil nag-propose na) na si Gerald Sibayan. 

Happy ang kasalang paandar dahil dalawang wedding ang magaganap para kina Ai Ai at Gerald. Isa sa Amerika (in November) at ang pangalawa ay dito magaganap sa Pilipinas in 2018.
 
Our Mighty Yaya showing on May 10

Congrats Ai Ai. Sa wakas, heto na talaga ang tama at swerte sa buhay ni Yaya Virgie. Good karma ka kasi kaya yumaabong ang career at lovelife.

Tonight, Monday May 8 ang premiere night ng pelikula na gagawin sa SM Megamall. Kitakitz. 
 
.
 

No comments:

Post a Comment