Sunday, May 7, 2017

Vice Ganda ayaw na ibalandra ang boyfriend sa publiko

Happy ngayon si Vice Ganda. Alam mo na may "laman"ang puso niya.

Alam mo naman na masaya siya, lalo na ang lovelife niya kung tahimik ang unkabogable box-office superstar.

Vice Ganda in Love?
Kung maingay siya at emote ng emote, basa ko kay Vice, wala lang. Laugh trip lang siya sa estado ng love life niya. in shiort, zero.

Pero this time, nang humarap siya sa ilang mga press peopla sa thanksgiving dinner and tsikahan with him last Friday night, hinuhuli siya ng mga kaibigang press tungkol sa napapabalitang tatlo-tatlo ang laman ng puso niya.

Sinu-sino?

Una si Axel Torres (tall at ang tipo ng lalaki ng komedyante) at dating houemate na kasama sa bahay ni Kuya ay natsi-tsismis sa kanya.

" Friends kami," pauna na ni Vice. Kung sino ang kasama ng bakla, yun ang dyowa niya.

Axel Torres
Kayo, pagnakita kayo na kasama ko, sasabihin nila, dyowa ko kayo," natatawang paliwanag ni Vice. Ikinumpara niya si Axel sa relasyon at barkadahan nila ni Ronnie Alonte na mnatsi-tsismis din sa kanya noong simula.

Anjo Damiles

Pangalawa na natsi-tsimis sa komedyante ay si Anjo Damiles, Hunk na hunk, " Alaga yan ni Ogie (Diaz). Ang dami naman. dalawa na ang boyfie ko kaagad? Kung sabagay, ganda lang," halakhak ng beki.

Pangatlo na tsismis na isa sa mga boys ni Vice ay Si Ervic Vijandre na isang dating basketbolista turned artista ay isa sa mga lalaking nali-link din sa komedyante.

"Barkada lang kami," sabi ng komedyante. Lagi kasi sila napapagkita ni Ervic na magkasama sa gimikan lalo na sa Tipsy Pig bar kung saan pareho sila mga share holders.

Ervic Vijandre
Kung hindi sa tatlong mga lalaking nabangit ang current boyfriend ni Vice, sino? Ayaw bumigay ng clue ni Vice.

"Ngayon hindi n’yo na talaga mabubuking. Ngayon hindi na ako magsasalita talaga. Ayoko na talaga.”

Dahil maluwag ang schedule niya, pwede siya pumag-ibig. Oks lang na magkaroon siya ng love life. “Wala naman akong ginawa lately.  Ang pinagkabisihan ko lang pagpasok  ng taon yung concert lang. Pagtapos ng concert wala na. Yung movie (with Miss Univerese Pia at Daniel Padilla) ko sa last quarter naman kaya marami-rami na rin akong time after Showtime na humarot-harot. Nagpapakababae lang din minsan," sabay laugh ng beks.

No comments:

Post a Comment