Wednesday, May 10, 2017

Celebrities suportado ang Mental Health Law


Dumalo kami last week sa presscon ng Akbayan Partylist para kay Sen. Risa Hontiveros tungkol sa Health Bill Law na masugid niya na itinataguyod para sa pagpapalawak ng serbisyo publiko tulad sa mental issues and concerns na ma-incorporate sa health system ng bansa sa lahat ng antas na ang serbisyo tulad ng psychiatric, psychosocial at neurological ay maisama at maipatupad sa  lahat ng regional, provincial and tertiary hospitals.


Celebrity advocates for Mental Health Law with Sen. Hontiveros

Sa mga celebrities natin na may ganitong adbokasiya tulad ni Jerika Ejerito (of Be Healed Foundation); na anak ni Manila City Mayor Erap Estrada at dating artista na si Laarni Enriquez ay kasama ni Sen. Hontiveros na maipasa rin sa kongreso ang naturang Mental Health Law.

Jerika Ejercito of Be Healed Foundation

Bukod kay Jerika kasama din sina Antonette Taus at former Miss International 2016 Kylie Verzosa sa nagpu-push at tumutulong sa kampanya. 

Sana, may ilan pa na mga showbiz celebrities na makatulong sa pagpapalaganap ng tulong sa Mental Health Bill at ilang mga isyu na hindi nabigyan ng malinaw na paliwanag lalo pa’t ang Interpretasyon ng nakararami ay saliwa sa tutoong isyu ng mental health.

Sa mga celebritie involved sa Mental Health Law na tumutulong sa pagpapalaganap ng aralin tungkol dito, mabuhay kayo!

No comments:

Post a Comment