Sunday, May 28, 2017

Gerald Anderson at Arci Munoz mas bagay na magkaibigan



Mukhang buddy-buddy talaga sina Gerald Anderson at Arci Munoz. Mas oks na friends sila kaysa sa maging magkarelasyon.

Akala ko nga noong una ay dumidiskarte ang binata sa dalaga nang magkasama sila sa pelikula na siyang kadalasan na nangyayari sa ang mga artista sa iisang project o’ pelikula na nade-develop sila sa isa’t isa. 

Ang kool na tambalan nina Arci at Gerald

Sa kaso ni Geh at Arci, tila nalampasan nila yun na they remained as friends. Ang hirap kasi i-control kung sakaling may feelings ka sa co-stars mo na sa simula ay professional level lang ang relasyon ninyong dalawa na bago magtapos ang shooting at promotion ng pelikula ninyo ay nahulog na ang loob ninyo sa isa’t isa. 



Sa unang tambalan nina Gerald at Arci, kung tama ang alaala ko, ang dalaga ay kabe-break lang with her boyfriend at si Gerald naman ay tila goodboy nun na walang nililigawan dahil muli siya nali-link ay Bea Alonzo noon. 
 
Swak sina Gerald at Arci sa tema ng pelikula

Kaya nga happy sina Gerald at Arci sa muling pagsasama nila sa pelikulang “Can We Still Be Friends” mula sa Star Cinema mula sa direksyon ni Prime Cruz na palabas na sa June 14.

Sa lumabas na poster ng pelikula ay interesting sa amin ang bagong pelikula ng dalawa. Yong una kasi nila ayn oks na oks sa panlasa ko lalo na sa mga millennial.

No comments:

Post a Comment