Monday, May 29, 2017

Ogie Diaz on Liza Soberano as Darna



Until now, ayaw pa rin matapos-tapos angn tungkol sa isyu na si Liza Soberano na ang gaganap bilang si Darna sa pelikulang ipo-produce ng Star Cinema sa direksyon ni Erik Matti.
Liza Soberano as Darna
Nang lumabas ang balita na hindi pwede si Angel Locsin dahil sa aksidente na kanyang natamo noon, naglabasan ang iba’t ibang mga pangalan na.
           
Andyan ang pop princess Sarah Geronimo, Kathryn Bernardo at maging si Pia Wurstbach ay kinu-consider.
           
Kaysa maniwala sa mga tsismis at kumakallat na mga bali-balita, mas direkta naman kinausap ang kaibigang Ogie Diaz, ang manager ni Liza para sure na.
          
 Kuwento ni Ogie sa amin: “Teh sa totoo lang, isa lang ang sinasabi ko, hintayin nating mag-announce ang Star Cinema, ayaw ko pong umepal. Ayaw ko sa akin manggaling kung ano ang desisyon nila, kung si Liza ba o ibang aktres ang gaganap na Darna," kuwento niya.

Sa katunayan siya msmo ay kinausap niya ang Star Cinema tungkol sa “Darna”role kung kay Liza nga ba talaga mapupunta. 

Liza as Pia Wurztbach in MMK


Kuwento pa ni Ogie:”Tinanong ko nga ang Star Cinema, bakit di pa ninyo in-announce na ang sabi sa akin ay ia-announce nila. Hintayinnlngn daw namin.
           
Pero aminado ang manager ni Liza na interesado ang “alaga”niya na gumanap ng isa sa pinakasikat na Pinoy Super Hero character na ginampanan na nga mga maraming sikat na mga artista noon.
        
“Gustong-gusto ni Liza maging Darna. Totoo yan. Siyempre sino ba naman ang ayaw maging Darna. Kahit nga Captain Barbell siguro mae-excite si Liza,”pagbibiro niya.
        

Dugtong pa ni Ogie: “Pero siyempre, isa lang ang tinuturo diyan kung si Liza nga ba ang gaganap na Darna,”nasabi nito sa amin.
           
Para sa exclusive interview namin kay Ogie tungkol sa Darna role at sa MMK guesting ni Liza playing the role of Pia Wurstbach this coming Saturday, June 3 please check our Instagram account @rkvillacorta.

No comments:

Post a Comment