Monday, May 22, 2017

Daniel Matsunaga nakalimutan na si Erich Gonzales

Sa show ni Kuya Boy Abunda last night (Monday, May 22) na Tonight with Boy Abunda ay special guest si Daniel Matsunaga.

Yes, aminado ang former-boyfiend ni Erich Gonzales na naka-moved on na siya at happy sa buhay niya as a single person (walang girlfriend). 

Daniel Matsunaga with his "Ex"

Matapos ang madugo at madrama (na until now ay hindi alam ng publiko at media kung ano talaga ang tunay na dahilan ng break-up na akala ko ay mauuwi na sa kasalan); si Daniel is enjoying his life with his family na sila ang kabuunan ng kanyang kasiyahan at kaligayahan ngayon.

Noong naghiwalay sila ni Erich, ang pamilya ni Daniel ang kanyang sandalan at pinaghugutan ng lakas ng loob
sa panahon ng hiwalayan.

“I am enjoying the family, I am enjoying our friends right now. Focus ako sa work, so ‘yung puso ko I leave it to God’s hands," kuwento ng binata 

.“I’ve moved on already. Right now work is my priority, family is my priority,” dagdag pa niya.


Daniel is very much single & happy


Sa ngayon ay zero ang laman ng puso niya. Naniniwala ang binata na sa tamang panahon ay matatagpuan din  niya ang sarili niyang tunay na babaeng mamahalin. Kuwento niya kay Kuya Boy: “You know, there’s always the right time, the right person and ‘yun nga kailangan ko maghintay lang. I am not looking for someone right now so hintay-hintay,” paliwanag niya.

Pero, tutoo ba ang tsismis na nagkakamabutihan sila ni Arcy Munoz na ka-partner niya sa isang panghapon na game show sa Kapamilya Network? "We're just friends," tugon niya.

No comments:

Post a Comment