Walang favoritism, paniniguro ni Direk Prime Cruz na ibinalanse ang mga roles ng limang bida niya sa
pelikulang “The Debutantes” na produced ng Regal Films na ipapalabas na sa darating na Wednesday,October 4.
Ang hirap kasi na pagsamahin ang
limang mga bida sa pelikula na hindi magkakaroon ng ingitan sa kanilang mga exposures at eksena sa suspense-horror movie tungkol sa mga debutants.
Sa trailer, iba ang dating ng
pelikula. May shock factor na kung matatakutin ka ay baka umatras ka manood na
walang kasama.
“During our shooting, the girls
we’re okey. Walang intrigahan. Lahat nakikisama” kuwento ni Direk Prime sa amin.
Wala ni isa sa kanilang ang nagreklamo sa mga eksena nila. Na enjoy ng lima ang kanilang experience sa pagawa ng pelikula sa pamamahalan ni Direk Prime,
Iikot ang kuwento ng "The Debutantes"
kay Kate played by Sue Ramirez na isang may pagka-wierdo na estudyante na walang
kaibigan sa campus kung saan mae-encounter niya ang pagiging bully nina Jenny
(Jane de Leon); Candice (Michelle Vito) at Shayne (Chanel Morales) pero ang
nagiisang si Lara (Miles Ocampo) lang ang mabait sa kanya.
Ewan kung anong special powers meron
si Kate na pinagsabihan niya ang apat na dapat magingat sila sa pagsapit ng
kanilang 18th birthday na napaniginipan nito.
Ayon kay Direk Prime, hindi
traditional na suspense-horror movie lang ang The Debutantes. “ sa kanilang
lima, hindi mo alam kung sino ang may kagagawan ng death ng bawat isa sa iba’t
ibang paraan. I call it rainbow horror type of movie,”sabi nito na dapat ko nga
panoorin para ma-getz ko ang sinasabing “rainbow” ni Direk Prime .
Bukas, Tuesday October 3 ang red premiere night ng pelikula na gagawin sa Ayala Vertis Mall at sa Wednesday ang regular screening sa mga sinehan nationwide.
Bukas, Tuesday October 3 ang red premiere night ng pelikula na gagawin sa Ayala Vertis Mall at sa Wednesday ang regular screening sa mga sinehan nationwide.
No comments:
Post a Comment