Empoy Marquez |
Nang
tanunging si Empoy kung siya din ba ay may balak magpa-cosmetic surgery
para mas maging “pogi”; tahasang sinabi ng box-office comedian ng “Kita
Kita” na: “Hindi. Kung ano ang bigay ni Lord, nagpapasalamat ako,” simpleng sagot niya.
Yes,
love his answer. Mapagkumbaba sa kabila ng inaning tagumpay niya via
the hugot film na sinuportahan ng mga millennials na naglukluk sa kanya
sa estado kung ano at sino man siya ngayon.
Andun ang humility ni Empoy na sinasahugan niya ng biro ang mga sagot niya.
Pagbibiro
nga nya tungkol sa sinasabing siya ang “Bagong Pogi” ng makabagong
panahon: “Bagong ligo lang!” at natatawa pa siya sa nabanggit.
Sa totoo lang ay happy kami sa tinatamong tagumpay niya na suwerte naman at sunod-sunod ang mga projects niya.
Sa
katunayan, after ng mala-Johnny English movie niya na “The Barker” with
Shy Carlos na showing na sa darating na Wednesday, October 25, ang
balita namin ay hindi na daw ito pwede tumanggap ng ibang projects
outside of Star Cinema at ABS-CBN.
Yes,
dahil sa pagiging mapagkumbaba, hindi inaasahan ni Empoy na isa na siya
ABS-CBN and Star Cinema talent sa hanay nina Piolo Pascual, Daniel
Padilla, Enrique Gil at mga aktor na kasing lakas din ng sex appeal
tulad niya.
Sa
kanyang Instagram account na @empoy, nagpost ang komedyante ng picture
nila ni Papa P with a caption: “Good morning back to work w/ Kuya PJ.”
Masuwerte ka Empoy. Hindi ka kasi mayabang. Mabuhay ka.
No comments:
Post a Comment