Nakakabilib
itong si Coco Martin. Hindi ko alam kung saan niya kinukuha ang energy nya para
pagsabayin ang multi-tasking job niya bilang isang artista at director ng MMFF
2017 entry niya na "Ang Panday".
As actor, very physical ang ginagawa
niya sa FPJ's Ang Probinsiyano at bilang si Flavio sa "Ang Panday".
Aside from acting sa aksyon serye niya at sa ginagawang pelikula ay malaki din
ang responsibilidad niya as actor-director na ginagawa niya.Sabi sa amin na isang betereno na taga-pelikula ay dapat may passion ka sa ginagawa mo para hindi mo maramdaman ang stress sa ginagawa mo.
Bilib kami kay Coco na kahit stressful ang ginagawa niya as film director ay naitatawid niya pareho ang commitment niya bilang atista-direktor.
Coco with actor Jake Cuenca playing the role of Lizardo |
Kaloka ka Coco at keri mo pagsabayin ang mga ito. I just don't know kung may weekend rest ka pa.
As of writing ay natapos na ni Coco ang 1/3 part ng Ang Panday (The Movie) kung saan napabalita na mayroon 80 na mga artista ang nag-volunteer para mag-guest sa 1st directorial film niya.
Si
Mariel de Leon ang leading lady niya sa pelikula na kinabibilangan din ni Jake
Cuenca playing the kontrabida karakter na si Lizardo kay Flavio.
Ayon
sa kuwento ng Dreamscape Entertainment publicist na si Eric John Salut na nakapanood
na sa isinagawang preview ng rough edit last Friday evening ng pelikulang “Ang
Panday: “Susme, may gustong patunayan si Coco bilang direktor! Amazing camera
works! Ang ganda ng tahi ng story, malinis! At di ko kaya yung dami ng artists
na nakita ko!
"Makapigil-hininga yung action scenes! At yung puso ng movie,
grabe yung kurot. At ang sakit ng tiyan ko kakatawa sa mga funny scenes! Rough
edit pa lang, pero dama mo agad yung journey and experience! Isa lang
sasabihin, mahusay na direktor si Coco,"reaksyon niya.
Sa tutoo lang ay excited kami na mapanood kabuunan ng pelikula.
No comments:
Post a Comment