Sunday, September 10, 2017

Paulo Avelino nasilipan sa seryeng The Promise of Forever

Nanibago ako kay Paulo Avelino. Medyo masalita na siya. ‘Yung makuwento na kapag tinatanong mo siya ay may nakahanda siyang sagot kumpara noon na pangiti-ngiti lang. Mas relaxed na si Pau ngayon kapag humaharap sa media.

Paulo Avelino
Sa dalawang pagkakataon na na-interview ko siya in a span of a week (isang blog conference at sa launch ng serye niya ) para sa kanyang bagong drama afternoon series for sa Dreamscape Entertainment na “The Promise of Forever” for Kapamilya Gold ng ABS-CBN ay makuwento na ang aktor.
Naikuwento ni Ms. Ethel Espiritu of Dreamscape Entertainment na may isang delicate scene na ginawa ang aktor kung saan nakita ang "puwet (butt) niya habang nasa-shower scene kung saan sa harapan yata niya ay ang aktres na si Ritz Azul ang kanyang kaeksena.
Paulo with Ritz Azul in a scene
Aksidente na nagpasilip yong behind ni Pau na noong una ay nangingiting idine-deny ng aktor.
“Meron ba?  Wala…” sabi niya sa press pero sabi ni Ms. Ethel: “Meron. Kaya hindi ko i-eedit,” say nito sa press launch na napangiti lang áng aktor.
Naikuwento ni Paulo na sa mga locations nila ng taping tulad sa Czech Republic, Belgium, the Netherlands and Poland ay walang chance na makapamasyal sila.
Paulo with co-stars Ritz and Ejay
" Puro trabaho, Si Ejay, lakwatsa ang ginawa. Nasa malls habang andun kami. Short lang ang mga eksena na kinunan sa kanya. Kami ni Ritz ang palaging may taping. After taping niya, maglilibot na yan,” kuwento ni Pau.
“Pero nagdadala naman ako ng food sa inyo,”sabat ni Ejay kay Paulo.
Ejay plays Philip na lover ni Sofia (played by Ritz) habang Si Paulo naman plays Nicolas na isang immortal because of some scientific experiment na ginawa niya sa sarili.
Kasama sa saafternoon serye sina Cherry Pie Picache, Amy Austria,  Susan Africa at Ynna Asistio sa direksyon nina Hannah Espia at Daniel Villaflor.
Bukas na, Monday, September 11 magsisimula i-ere ang TPOF. Sa mga beks na excited masipat ang “butt” ng aktor: “Sa pilot week ‘yong scene na dapat nýo abangan,”say ni Ms. Ethel sa amin.

No comments:

Post a Comment