Bilib kami sa loyalty ng young actor na si Arjo Atayde. Simple lang pero marunong siya magpahalaga sa mga bagay-bagay at sa mga taong nagbibigay sa kanya ng importansya noong panahon na hindi pa siya kilala.
Ang
tinutukoy namin ay ang pagiging loyal endorser ni Arjo sa clothing brand na Hammerhead
kung saan siya ang current endorser.
For the past two years, siya ang celebrity endorser na dati ay pinaghaharian nina Zoren Legaspi at Piolo Pascual na ngayon ay iba na ang ini-endorso.
Sa
renewal of contract signing ni Arjo for the said brand, may nagtanong: what if
mayroon nag-offer sa kanya na ibang clothing brand na mas malaki (mas doble)
ang offer sa kanya, tatanggapin niya kaya?
Hindi
na nagdalawang-isip ang aktor: No, I won’t. I told them I will support them.
It’s just money. They have my word,” pahayag ng aktor na ang ugali ay mana sa
inang si Sylvia Sanchez at businessman Art Atayde na naniniwala na sa ibabaw ng
mundo, hindi lang pera ang magtatali sa ‘yo sa isang bagay o relasyon kundi ang
tiwala at word of honor.
Arjo in a pictorial for Star Studio Magazine |
“Even my non-showbiz friends (and barkada na mga sosy) they wear it. I like the comfort of their shirt,” pagmamalaki niya.
Sa katunayan, kuwento ni Dada Cruz sa amin na promo manager ng naturang clothing brand na kapag naga-out of town tour sila, imbes Arjo ay Joaquin ang tawag sa kanya.
“It helps our sales,” kuwento ng isa sa mga owners ng naturang clothing brand.
Sa ngayon, after ng much needed rest ni Arjo ay balik-telebisyon siya sa bagong serye sa Kapamilya Network with no less than her mom Sylvia Sanchez ang makakasama niyaLovelife?
Meron syempre. The girl on Arjo’s heart ay isa sa mga Girl Trends ng noontime show na It’s Showtime. Pakiusap ng binata:” I want my private life out of showbiz. Hayaan na natin siya,” pangiting pakiusap ng binata.
No comments:
Post a Comment