Saturday, September 9, 2017

Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan, hindi hiwalay


“May pinagdadaanan lang. Hindi ba, sometimes, you have to work kapag may pinagdadaanan ka? Personal ‘yan 'o ano,” pahayag ng Megastar Sharon Cuneta sa presscon ng kanyang Cinemalaya 2017 movie na  "Ang Pamilyang Hindi Lumuluha"  noong Lunes.
Sharon Cuneta
Hindi tinutukoy ni Mega kung ano ang pinagdadaan niya. Sa relasyon kaya nila ng asawa niya na si Sen. Kiko na nood pa ay madaming mga tsismis na may ibang babae ang mister?

Hindi kami nasanay noong humarap si Mega sa press na kahit masama ang pakiramdam, raratsada siya sa Question and Answer portion ng presscon niya. 

Nanibago ang press people. Tila malungkot ang aktres at may iniindang emosyonal at personal na problema. May hinugugot ika nga.

Sharon with Direk Mes de Guzman
 Aminado si Mega na may pinagdadaanan siyang personal. Tahasang sinabi niya: “I mean, whatever it is, nagbibigay sa ‘yo ng sakit ng ulo, ke anak ‘yan, ke kamag-anak ‘yan…you know, parang it’s just one of those things. One of those days.

“Yung puso ko, parang may sariling opinion,” sabi ng aktres.
                 
Sa TV guesting niya recently sa nightly show ni Kuya Boy Abunda na “Tonight with Boy Abunda” ay may rebelasyon na naman si Mega. Sinabi ng aktres na “existing” pa rin ang pagsasama nila ng mister.

Nag-elaborate ang aktres: “Last time I slept with him was last night (Monday). Slept, did not do anything,” na ibig itawid na mensahe ni Mega ay hindi sila nag-make-love.

No comments:

Post a Comment