Ejay Falcon |
Sa afternoon serye, makakasama niya sina Paulo Avelino at Ritz Azul na magiging pareho nilang mamahalin ni Paulo.
Sa
bagong serye ni Ejay, it deals about immortality. It’s about love na
para sa binata ay happy siya sa pakikipagrelasyon niya kay Jana at proud
si Ejay na ipagmalaki ang girlfriend.
Kung ang ibang mga taga-showbiz ay inililihim ng mga boyfriend or girlfriend nila, si Ejay iba. “Bakit ko naman itatago? Bakit ko naman hindi ipagmamalaki? Mahal ko siya kaya walang rason na ikahihiya ko siya. Pag masaya ka, ba’t kailangan mong itago?” sabi ng binata.
Paniwala ni Ejay, hindi dapat madaliin ang pag-aasawa nang tanungin siya tungkol sa kasalan nila ni Jana. Hindi dahil sa ayaw niya sa ngayon: “Okay naman, masaya naman kami. Pero syempre hindi namin minamadali ang mga bagay-bagay.
“Pero
alam naman natin na pag tayo’y in love or nasa isang relasyon, alam
naman natin na sana…nandun lagi yung hope mo na sana siya na, pero
siyempre ang hirap magsalita nang patapos, ” sabi ng binata sa media na
gumaganap bilang si Philip na lover ni Ritz playing the role of Sofia
Madrid na makaka-love triangle naman ni Nicolas played by Paulo na dahil
sa isang medical experiment ay magiging isang immortal.
Sa The Promise of Forever, sa iba’t ibang bansa ng Eastern Europe sila nag-taping. Sa full
trailer na napanood namin, akala ko nga isang pelikula ang The Promise
of Forever.
Ang serye ng Dreamscape Entertainment para sa ABS-CBN ay directed nina Darnel Villaflor at Hannah Espia.
No comments:
Post a Comment