Sunday, September 3, 2017

Sharonians, excited sa pelikula ni Sharon sa Wednesday

Sharon with Direk Mes de Guzman


Sa tutoo lang, sa layo ng Cultural Center of the Philippines (CCP) or Ayala Malls sa Makati at napalampas ko ang pelikula ng Megastar Sharon Cuneta na “Ang Pamilya na Hindi Lumuluha” sa nakaraang Cinemamalaya 2017.


Lintik din kasi ang trapik na from Quezon City, maiipit ka kapag bumiyahe ka ng CCP or Makati or even sa malapit na Trinoma basta tatawid ka na ng EDSA.
 
Pero sa Wednesday, happy kami dahil may commercial showing ang pelikula ng aktres na after sometime ay muli umarte sa harap ng kamera (not included ang mga shows ng Kapamilya Network kung saan kabilang siya sa mga judges kasama nina Lea Salonga, Sarah Geronimo at singer Bamboo).
Sharon with Richard Quan

Ang tagal na rin kasi the last time na nakausap namin si Sharon. Kung hindi ako nagkakamali, it was more than a decade or baka higit pa.


Interesado ako sa pagbabalik pelikula niya na for the the first time ay gumawa siya ng film project na isang ïndie” na in-short, less budget na kumbaga “for the love of art”na kadalasan ay barya-batya lang ang budget sa mga big stars like her na dahil sa istorya ay napapayag ang mga artita tulad ng liga ni Shawie para gawin ang mga mga ganitong proyekto.

Sa mga mumunting press releases ng pelikula ng Megastar during CineMalaya recently, nakikita ko sa mga social media posting ang mga pictures niya with Nino Muhlach, Richard Quan at itong si Moi Bien (na personal assistant ni Piolo Pascual ) na artista din  sa pelikula.

Nang mapabalita na showing muli ang pelikula na ire-release ng Star Cinema,  ang mga pinsan ko’na mga taga-Bacolod City na mga solid Sharonian ay excited sa pagpaplabas muli ng “Ang Pamilyang Hindi Lumuluha”. sa darating na Wednesday, September 6 sa mga sinehan nationwide.

Sa tutoo lang, with Star Cinema’s Network worldwide, for sure ay happy atexcited ang mga Sharonians s buong mundo na mapanood ang pelikula ng kanilang idol (correct ako kapatid na Bayani San Diego di ba?)

I admit, Sharonian ako. Noong panahon nila noong 80’s nina Maricel Soriano at Snooky, mas pabor ako sa aktres. In short, fan mode na naman ako

No comments:

Post a Comment