Sunday, September 10, 2017

Kisses Delavin at Marco Gallo, pwedeng-pwede na

Ang ganda tingnan ng tambalang Kisses Delavin at Marco Gallo na mas kilala sa tawag na KissMarc. Parang tutoo. Parang sila. Parang meron "something".
  
Kisses Delavin and Marco Gallo
Major support ang dalawa sa pelikula ni na May May Entrata at Edward Barber na mas kilala sa tawag na MayWard ng mga fans ng dalawa.

Pansin lang ng press people na mas sweeter yata ang KissMarc compared kina MayWard dahil sina Kisses at Marc ay mas closer sa pagkakaupo compare kina MayWard.

Sa katunayan, palagi naka-angkla ang braso ni Kisses sa binata at si Marco naman ay kaswal lang na palaging nakapatong ang kaliwang  kamay sa tuhod or kung minsan sa legs ng dalaga.

KissMarc are future "lovers"?

Aminado si Kisses na hindi pa siya nagkaka-boyfriend since birth na ang tawag ng mga millennials na tulad nila ay NBSB (No Boyfriend Since Birth) at si Marco naman ay nasa “healing stage” until now pero nagmu-move on na sa nakaraang relationship niya sa dating girlfriend sa isang babae (tomboy kaya ang ipinalit sa kanya or may realization ang kanyang girlfriend na lesbian pala siya); kaya at the moment, oks na sa binata sa status nila ni Kisses.

Marco who is only 16 years old is not in a hurry but told us na masaya siya sa “friendship” nilang dalawa ni Kisses.


Both are not in a hurry to get into a relationship lalo na si Kisses na if ever ay first time magkaka-boyfriend.


Who knows, sa frequent na pagkikita ng dalawa during the promotion of their movie ay lalo sila maging close at mahulog lalo ang mga sarili nila sa isa’t isa. Kisses and Marco entering into a relationship is not a bad idea. Kaya let’s just wait and see.

Sa movie, Marco plays Tope na half-brother of Luke (Edward) while Kisses naman is the best friend Jayzel of Shine played by Maymay.

Sayang, hindui matutuloy ang red carpet premiere night ng pelikula na dapat magaganap ngayong gabi dahil sa bagyong si "Maring".  Showing na ang “Loving in Tandem” bukas,Wednesday, September 13 sa mga sinehan nationwide mula sa Star Cinema.

No comments:

Post a Comment