Monday, September 11, 2017

Si John Lloyd Cruz. Si Popoy na minahal ng publiko, pinatay ni Ellen Adarna.



Nagulat ako sa naglabasan sa social media tungkol kay John Lloyd Cruz.
John Lloyd Cruz-Ellen Adarna
Hindi ko alam na aabot sa ganung sitwasyon ang pagkakagulat ng publiko sa nakaka-shock na mga videos na in-upload ng kaibigan nitong si Ellen Adarna nang magbakasyon sila ni JLC sa Batanyan Island sa Cebu recently. 

Noon pa man ay may tsismis na may namumuong romansa between Lloydie and Ellen.NPero ang dalawa, nagde-deny. Oks lang yun. Normal lang yun sa showbiz para matigil na ang mga reporters sa panguurirat na maiintindihan mo si Ellen at Lloydie, hindi nila pinapatulan ang isyu.  Ngiti lang ang isusukli ng aktor sa media. 

Buhay niya yun. Gusto man niya magwala, bahala siya. Gusto man niya si Ellen, puso at libog niya ang magdidikta at hindi ang publiko.

Lloydie andcEllen
Sa ganang akin, hindi ko alam kung ano ang intensyon ng kaibigan ni Ellen para i-upload ang mga videos yun ni JLC na ikinagulat ng mga netizens.

Mahirap ang buhay ng mga artista. Naiintindihan ko kung papaano nila pinipigilan ang mga sarili nila gawin ang mga bagay na gusto nila pero hindi nila magawa dahil sa imahe at sa ini-expect sa kanila ng publiko.

Alam namin na si Lloydie mahilig uminom. Hindi na bago. Maglasing man siya hanggang sa magsuka, oks lang. Sikmura nya yun as long as pagdating sa trabaho, nagagawa niya ng tama at wasto ang kanyang trabaho na walang inaabala na ibang tao.

Sa kaso naman ni Elle Adarna, what’s new? Sa mga previous news na napapabalita tungkol sa kanya, hindi na ako magugulat.



"diz iz mi lerning. very humbling but i do apologize to the little boys & girls. no regrets babies just life revealing its raw beauty.”
-John lloyd Cruz
 
I don’t know Ellen personally. Hindi ko pa siya nae-encounter in person sa mga events or sa mga presscons kaya hindi ko rin alam kung ano ang dahilan kung bakit ganun siya, I mean kung bakit siya “lasenga” at kung minsan ay nakakatulog na lang sa sobrang kalasingan kung saan-saan.Siya yun. Buhay niya yun. Keber ko. Who cares?

All I care is for is Lloydie na biktima sa pagkakataon na ito. 

Granting na naglasingan sila. Oks na kung “high” sila dahil happy lang  Lunid sa alak siang mode at walang basagan ng trip.

Tao si Lloydie. He deserves to enjoy life sa pamantayan na gusto niya pero bad trip na i-video pa ang ginagawa niya na ia-upload pa a social media para pagpistahan ng publiko.

May pagta-traidor sa kampo ni Ellen na hindi na-protektahan ang aktor mula sa mga kaibigan niya

Sa nangyari  sa aktor si John Lloyd Cruz ang dehado. Siya ang nasira at si Ellen? Keber ko. It’s not new kung lasengga man siya or nagwawala. It's been written so many times. Hindi na bago.

I just don’t know kung papaano maibabalik ng Star Magic ang dating Lloydie na minahal ng publiko.

 Mahal ng sambayanan si “Popoy” lalo pa’t very positive ang imahe ng aktor sa publiko.

I pity Lloydie. I hope makabawi siya kaagad.




No comments:

Post a Comment