Sapelikulang “Our Mighty Yaya”, kung saan bida si Ai Ai delas Alas na Mother’s Day Presentation ng Regal Entertainment (showing on May 10), nakaplano talaga kay Megan na subukan na magkaroon ng career doon tulad ng ibang dayong artista na nagkaroon ng pagkakataon na makilala sa Hollywood at sa international scene.
Megan Young |
Alam ng dalaga na magsisimula siya sa wala. In short, nameless siya sa international scene, pero pagtitiyagaan niya.
Megan plays Monique in Our Mighty Yaya |
Sa edad niyang 27, aniya, “I might as well do it now. Bata pa naman ako at hindi pa ako nag-aasawa. Wala na rin naman akong anak at walang obligasyon sa ibang tao, so I might as well try it now and grab the opportunity.”
Sa pelikula ni Direk Joey Reyes, Megan plays Monique na isang beauty queen na napangasawa naman ni Antonio “Tonichi” Sevilla (played by Zoren Legaspi) na ayaw na ayaw ng mga anak ni Tonichi na sina Maria (played by Sofia Andres), Kevin (Lucas Magallano), at Peachy na ginagampanan ni Allyson McBride. In short, bad step-mother ang role ni Megan, while si Virgie, ang “Mighty Yaya” naman ang kakampi ng mga bata.
Megan with Ai Ai , Sofia, Kevin and Zoren |
“It’s a funny film. Masaya kami during shooting lalo na si Ate Ai Ai,” kuwento pa ni Megan.
‘Pag nagkataon na matutuloy this July ang dalaga sa Amerika to find her luck, ito na marahil ang last movie niya sa Pilipinas.Sa pagti-try ng kanyang suwerte sa Hollywood bilang isang artista, magpo-focus muna ang dalaga sa purpose niya kung bakit siya nasa Hollywood tulad ng ibang mga baguhan at bagong salta na nangangarap na makilala internationally.
Who knows, kapag sinuwerte, Megan can be the next Asian to be known in Hollywood tulad ng mga nauna sa kanya like Michelle Yeo, Jackie Chan, Ana May Wong, at marami pang iba.
No comments:
Post a Comment