Thursday, March 29, 2018

Fans ni Maricel Soriano excited sa kanyang pagbabalik pelikula


Add caption
Super  excited ang mga fans ng the one and only Diaond Star Ms. Maricel Soriano at muli ay humarap siya sa kamera at sa pagiging aktibo niya sa pag-arte.

Yes, back na back muyli sa showbiz si Marya dahil nagsimula na ang shooting ng pelikula ng ng aktre sa Regal Films sa direksyon ng kaibigan niya na si Eric Quizon  for  My 2 Mommies with Paolo Ballesteros and Dianne Medina.

As of writing ay wala pa masyadong impormasyon na ibinabahagi ang Regal Films sa media tungkol sa pagbabalik aktibo sa pelikula ni Marya.

Sa first shooting day ay dinalaw nina Mother Lily at Miss Roselle Monteverde ang shooting ni
Marya na isa sa mgan original babies ng Regal Films ni  Mother Lily.

Ang picture lang ni Marya ang ipinu-push muna ng Regal Entertainment na for sure malamang sa hindi ay pang Mother’s Day Presentation ito ng film outfit.


The last social media info na nabasa namin tungkol sa aktred ay during her birthday celebration with her family last month.

Sa pagbabalik pelikula ng The Diamond Star, sana tuloy-tuloy na ito. Welcome back Marya.

Friday, March 23, 2018

Inungusan ang iba: James and Nadine "matured"na sa Never Not Love You



Iba ang pagiging daring nina James Reid at Nadine Lustre nang mapanood ko ang ko ang full trailer ng pelikulang Never Not Love You na isang level-up romcom ni Direk Antoinette Jadaone at produced ng Viva Films at Project 8 corner San Joaquin Projects.

It’s not the usual pa-tweetums romcom tulad ng ibang mga pelikula ng mga loveteams na katemporaryo nila.

Mas matured ang JADINE sa portrayal ngbpelikuka nilang ito. Not the usual romcom.

Pahayag ni James: “I think it’s time for us to take them to the next level. I’m sure they will see it around the corner, sharing with them something different, something more from JADINE.”

Paniwala ng binata na ready na ang mga fans nila kung sakaling masaksihan man nila ang kanilang mga love scenes na sahog sa NNLY kung saan sa London, Manila at Zambales kinunan ang mga eksena sa movie where James plays the role of Gio na isang graphic artist at si Nadine naman plays Joanne na isang trainee sa isang ad agency.

Level up na ang mga karakter ng dalawa sa pelikulang ito. Sa katunayan, sahog ang umaapaw nilang kissing scenes na sabi ng mga production insiders ay hindi nagiinarte ang dalawa during the shoot.

Sabi nga nga dalaga : “Not necessarily comparing to other loveteams, but it’s something more real, something more raw and more true to life for us. I believe din po sa generation now, na it’s time to be more aware din about the love that we are giving, I think it’s time to embrace what is happening now, fearless na din naman po kasi sila ngayon eh,” pagpapaliwanag niya.

Sa pelikula na ito nina JADINE, parang eye-opener na rin ito sa mg fans nila na iba na ang estado nila bilang mga artista na hindi na sila mga pa-tweetums.

May isyu na tinatalakay ang sex at mga torrid kissing scenes sa pelikula nila ba showing na nationwide sa Black Sarurday, March 31.

Wednesday, March 21, 2018

Umapaw na halikan in Never Not Love You: "It’s too many to count!”-James Reid

James Reid and Nadine Lustre in Viva Films Never Not Love You
'Sa bagong pelikula nina James Reid at Nadine Lustre malamang ang pelikula na magsasawa ka sa pagbibilang sa mga kissing scenes nila sa Never Not Love You na produced ng Viva Films sa direksyon ni Antoinette Jadaone.

Bongga ang mga eksena sa pelikula na sa makakapanood, sasabihin mo na matured na nga ang JADINE sa klase ng projects na tinatanggap nila.

Nadine and James plays Joanne and Gio in Antoinette Jadaone's latest film
Panis na o ’pase’  ang pa-tweetums at pa-holding-holding hands nila kumpara sa mga kasabayan nilang mga loveteams sa liga nila.

Sa launch ng pelikula nila, sila mismo (James at Nadine) ay hindi na nila mabilang kung ilan ang kissing scenes nila na makailang beses kinunan ng kamera.

Ilang beses inulit-ulit ang kissing scenes na walang reklamo ang dalawa lalo pa’t normal din lang naman.
 
Sa kuwento, nagmahalan sila. Nag-live in na hindi pa ginagawa ng ibang mga loveteams sa mga pelikula nila.

Kissing pa more...
Basta ang statement ni James about their kissing scenes: It’s too many to count, too many to count!”
Pero si Nadine, may favorite kissing scene sa pelikula nila ng boyfie: “Favorite kissing scene ko po yóng sa condo,” sabi ng dalaga.

Sa Sabado de Gloria, March 31 na ang showing ng pelikula nina JADINE.

My Perfect You nina Gerald at Pia may kakaibang twist ng pag-ibig

 
Gerald and Pia plays Burn  & Abi in Star Cinema's My Perfect You

Had then chance to watched Gerald Anderson and Pia Wurstbach's My Perfect You last Tuesdy night at nagustuhan ko ang bagong obra ni Direk Cathy Garcia-Molina,'.

Sa tutoo lang ay hindi ko ini-expect ang kakaibang twist ng pelikula na kayom na hindi pa nakakapanood ayn malamangnayn magugulat.

Naawa ako kay Burn played by Ge sa ibang klase ng pagibig niya kay Abi. Si Pia may promise. Oks na oks sa role niya. Pwede siya sa mala-Gloria Diaz roles in the future. 

Si Gerald as expected palagi naman as always ay ginagalingan niya ang kanyang paganap sa mga pelikula niya. 


This film of Direk Cathy is better than a Big Mac, Large Float and Fries. 

Monday, March 5, 2018

Bumubuo sila ng lovelife: Sam Milby and Yassi Pressman magkakatuluyan kaya?

Yassi Pressman and Sam  Milby
Nagkasama sina Sam Milby at Yassi Pressman sa unang movie nila na Camp Sawi pero hindi sila nagkaroon ng chance na magkaeksena sa hugot movie na ito ng Viva Films.

Pero this time, sa pangalawang pagkakataon, sina Sam at Yassi ay muling magsasama sa mas romantikong pelikula na pinamagatang “Ang Pambasang Third Wheel” na nasa direksyon ni Direk Ivan Andrew Payawal kung saan Sam and Yassi plays Neo and Trina (an advertising agency art director and a copy writer) sa bagong hugot + kilig movie ng Viva Films na showing na come Wednesday, March 7.

At the grand press launch ng pelikula  nila, ang torpeng si Sam ay may deklarasyon sa dalaga na ikinagulat mismo ni Yassi at ng media.

Inamin ni Sam na crush niya si Yassi at ito ang tipo ng babae na gusto niya maging girlfriend.

Sam and Yassi gives "free hug" during their campus promo tour
Nang i-shout out ni Sam ng harap-harapan sa media ang pagkagusto niya kay Yassi ay nagulat ito at hindi alam ang gagawin. Tila nataranta ang dalaga kung ano ang isasagot sa pahayag ni Sam.

Kaya pala maasikaso ang binata at maalaga kay Yassi during their shooting ay dahil mas personal ang intention ni Sam kay Yassi.

Mabuti na lang at na keri ng binata ang instant reaction ng dalaga na tila nagulat sa ipinahayag ng leading man na gusto siya ng binata na habang isinusulat namin ito ay zero ang lovelife.

Kaso straight forward si Yassi, no time for love. Si Sam naman ay almost two years ago pa ang last relationship.

Habang tinitingnan namin ang dalawa, tila bagay naman sika kung sakaling magustuhan ni Yassi ang binata and they're pretty tovlook at kung sakali man na magkatuluyan, bagay sina Sam at Yassi.

This coming Wednesday, March 7 ipapalabas ang pelikula nina Sam at Yassi sa mga sinehan nationwide na produced ng Viva Films and The Idea First Company nina Direk Perci Intalan and Direk Jun Lana.

Sunday, March 4, 2018

Biktima din siya ng tsismis: "Nakakainis din kung walang katotohanan."- Sam MIlby

Sam Milby plays Neo in "Ang Pambansang Third Wheel'
Ayaw makisawsaw o'mag-komento ni Sam Milby sa pa-blind item ng singer-actor na si Mark Bautista sa isang chapter ng libro niya na sa pagka-present niya ng kanyang personal encounter with a co-actor, iisipin mo na si Piolo Pascual ang naka-bromance niya.

Walang pagpapangalan na pakiwari ko’y unfair ito kay Papa P.

Sa kaso ni Sam na kaibigan ni Piolo,  ayaw niya makisawsaw sa isyu na minsan din tsinismis sila na diumano’ý may ”bromance” din sila na walang pagpapatunay at para sa akin, unfair kina Sam at Piolo ‘yun.

Sam with leading lady Yassi Pressman
Sa launch ng bagong romance movie ng Viva Films at ng The Idea First Company nina Direk Perci Intalan at Jun Lana na ”Ang Pambansang Third Wheel”, nilinaw ni Sam ang kanyang stand sa isyu.
Sabi niya: “I’d rather not give a comment because I’m not part of the isyu. I don’t know, I just feel na giving a comment will only make the issue bigger.

“I’m not a part of it. I feel like I shouldn’t give a comment. I don’t know,” paliwanag ni Sam sa grupo ng media na kausap niya after the open forum portion during the presscon ng pelikula nila ni Yassi Pressman na showing na sa darating na Wednesday, March 7.

Pagpapaliwanag pa ni Sam tungkol sa mga isyus tulad nito sa showbiz, may opinyon si Sam."Ako, when it comes to issues kasi, there’s always issues that come up in showbiz. Pero ‘pag walang proof, ‘di ba? It’s always gonna be rumor. It’s always gonna be tsismis.“
 Paniwala niya na kahit anong issue at walang proof or patunay ay mahirap patunayan. “If you don’t have the proof, it’s hard to really say. There’s always gonna be tsismis in showbiz. That’s a part of showbiz,” page-explain niya about showbiz tsismis.

Dagdag ni Sam: “When it comes to close friends and they have this issue na walang katotohanan talaga, parang nakakaawa na nakakainis din kung walang katotohanan,” pagtatapos niya.

Sa Ang Pambansang Third Wheel, he plays the role of Neo na isang art director na makaktrabaho ni Yassi sa kuwento ng pelikula na gumaganap naman as Trina na isang copy writer sa advertising agency na pinagtatrabahuan nila.

May nakatagong 'sex video' siya tulad ng iba: " I'm sure, none at all" -Bruno Gabriel

Bruno Gabriel plays Benjie in GMA's "Ang Forever Koý Ikaw"
Hindi isyu ang pagpapaseksi ng baguhan na si Bruno Gabriel sa telebisyon, lalo na sa mga pictorials niya.

Walang  arte si Bruno kung sakali may love scene or underwear scene man siya sa kanyang mga projects.

Paniwala ng baguhan na lahat ay trabaho lang. “It’s part of a job. There’s nothing wrong if you go sexy in a scene or in an underwear,” sabi nito sa amin during the grand presscon ng bago niyang morning kilig serye na “Ang Forever Ko’y Ikaw na magsisimula na mapanood sa March 12 bago ang Eat Bulaga.

Hindi naaasiwa si Bruno if ever his scenes requires him na mag-underwear sa eksena. Sabi ng manager niya na si Neil de Guia: “Sa Bench show nga maga-underwear siya. Not a big issue for him,” paliwanag ng manager ng binata sa amin.

Sa bagong kilig serye ng GMA-Kapuso Network ay muli  magka-loveteam sina Bruno at Ayra Mariano na gumaganap as Marione na anak naman ni Ginny played by Camille Prats. 

From the late night show na G.R.I.N.D., sila ni Ayra ay may mga followers na kung saan madaming mga millennial ang mga viewers ng palabas.

Sa serye, Bruno portrays the role of Benjie na anak ng single dad na si Neil Ryan Sese. “I enjoyed working with the casts. Ökey si Ayra. Good vibes kami,” pagkukuwento pa ng binata.

Nang  tanungin kung may inililihim siyang “sex video” tulad nina Joross Gamboa, Michael Pangilinan at ang latest ay ang basketbolista at commercial model na boyfriend ng seksi na si Kim Domingo na si Mike Acuna.

Panigurado ni Bruno: " I'm sure, none at all."

Saturday, March 3, 2018

With her Viva project: Marion Aunor masaya sa ginawang OST for the romcom 'Ang Pambansang Third Wheel'

Marion Aunor

Kung talagang talented ka, madali para sa iyo na makapag-compose ng isang work of art.
Ang tinutukoy namin ay ang magaling na singer na si Marion Aunor na siyang composer-singer ng theme song ng bagong romance-comedy film na “Ang Pambansang Third Wheel” na pinagbibidahan nina Sam Milby at Yassi Pressman.

Ang bilis niya naisulat ang OST matapos niyang mapanood ang ilang eksenan ng pelikula directed by Ivan Andrew Payawal na ipapalabas na this coming Wednesday, March 7 na produced ng Viva Films and The Idea First Company nina Direk Perci Intalan at Direk Jun Lana.

At the grand presscon ay kinanta ni Marion ang theme song ng live at marami sa media na dumalo ang nasorpresa sa istilo ng pag-awit ng dalaga.

As expected, some press people compared her style and voice sa ibang local singers pero sabi nga ng marami, ibang-iba si Marion. Iba siya sa iba.

Personally, feeling ko, parang huni ng whispering bird sa gitna ng kagubatan at bulong ng calming wind ang naririnig ko when Marion performed her composition “Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko.”
 
Sa new management contract where she signed a 5-year contract, aside from composing songs for VAA with the likes of Sarah Geronimo and theme songs for Viva Films movies ay gagawa rin siya ng music CD for herself. Goodluck Girl!

Best Actor RS Francisco maghuhubad sa stage play


Actor RS Francisco of Frontrow International
Tuloy pa rin sa kanyang career bilang isang artista sa telebisyon, pelikula at entablado ang PMPC Star Awards for Movies Best Actor na si RS Francisco kahit he owns a multi-million pesos business na Frontrow International na isang networking business.

“S’yempre, I’m still an actor,” kuwento niya sa amin sa first day event ng Frontrow Universe na ginanap sa MOA grounds last week kung saan sort of a thanksgiving and pasasalamat ang naturang two-day event (the following day ay sa SMX MOA naman ginanap ang launching nina Daniel Padilla and Kathryn Bernardo as the latest celebrity endorsers ng kompanya) with branches nationwide at ngayon ay international na rin with offices in Dubai, Singapore and Canada.

Bongga ang first day ng event na mostly, ang mga bagets na agents nina RS at ng business partner niya na si Sam Versoza na bestie na niya during their college days sa UP Diliman.

RS with  and business partner Sam  Versoza
“After Boy Intsik (na nagbigay sa kanya ng ng Star Award), I’ll be doing another film with Direk Joel Lamangan this year,” kuwento ni RS sa amin.

Just to prove na mahal niya ang pag-arte, in between business meetings, aarte muli siya sa entabldo via M. Butterfly kung saan he stripped para sa isang nude scene sa naturang stage play a couple of years back. 

Kuwento ni RS sa amin:“I’m going back to stage acting and I’m doing it for free.""

Dahil may best actor award na siya, hindi kaya tataas na rin ang talent fee niya?

Natawa lang si RS: ”No. Ang dali ko kausap. Basta okey ang role, no problem ang talent fee ko.

“I remember, doon sa serye namin nina Daniel, Kathryn at Gretchen (Barretto), nag-stale pa nga ‘yong mga cheques ko na hindi ko nakuha,” sabi ng actor-businessman.

Sa kanyang pagbabago: More projects para kay Nora Aunor

Actress Nora Aunor
Bongga at  tila positibo ang feedback sa pagbabalik telebisyon ni Nora Aunor.
Kung maaalala pa, ang naging attitude problem niya at pagiging unprofessional sa kanyang trabaho ang rason kung bakit hindi siya kinukuha sa mga teleserye.

May mga pagkakataon noon during taping ng isang show sa Kapamilya Network na hindi niya sinisipot kahit kumpirmado na ang taping at nakakasa na ang lahat.
May insidente na sa during breaks (like lunch or dinner at mas malala ay mage-emergency paalam) ay aalis ito at hindi na babalik sa set na isa sa dahilan kung bakit na cut short ang isang show. Siya ang naging dahilan.
Mabuti at muli ay may nagtiwala na kunin ang serbisyo niya with Eat Bulaga’s Lenten Drama Presentation na during Holy Week, imbes na magpalabas ng usual EB noontime show concept, ang mga hosts at artista nila ay gumaganap sa mga drama anthology na akmang-akma sa tema ng Semana Santa.

Sa naturang episode ni Nora, nakasama niya si Ricky Davao as her director at sina Pia Guanio at Ryzza Mae Dizon ang mga co-stars ng aktres.

I’m sure, matutuwa ang mga fans ni Nora dahil maganda ang work feedback sa kanya ng mga production staff.
Kung dati ay may isyu siya sa pagiging unprofessional (late na dumarating sa set at kung minsan ay nawawala), this time, may pagbabago sa imahe ng isang Nora na nakatrabaho nila dahil very professional na ito which is a good sign sa mga future  projects niya if ever may kasunod ang naturang EB Lenten Season presentation.

Viva's new kilig boy group #FBOIS

Viva Films' #FBOIS
Kapag sinabing FBOI (read: F**k Boy) sa linguwaheng millennials, alam mo na ang ibig sabihin nito.

Yes, iniba lang ang spelling ng makabagong mga teenagers na ang tinutukoy ay pagiging chickboy or player na ang habol lang ay sex.

Iba’t iba pa ang spelling at kung bakit pati spelling ng English word na boy (lalaki) at naging boi.

Sa bagong grupo na ipinakilala ng Viva Films, ang bansag ngayon kina Julian Trono (na nili-link kay Ella Cruz), Vitto Marquez (anak nina Joey Marquez at Alma Moreno), Andrew Muhlach (brother ni Aga Muhlach), Jack Reid (younger brother ni James Reid), Dan Hushcka (from the boy group Sugar High in 2013 na half Pinoy and half German cutie) ay mga FBoi na mga bida sa summer movie na Squad Goals ni Direk Meily na showing in late April or in mid-May.

Yes, tila balik na naman ang mga youth oriented films kung saan almost two years sa pre-production dumaan ang pagbubuo ng pelikula ayon kay Direk Mark na dumaan pa sa isang rigid audition ang I
Sa totoo lang, interesting ang limang boys.