Yassi Pressman and Sam Milby |
Nagkasama sina Sam Milby at Yassi Pressman sa unang movie nila na Camp Sawi pero hindi sila nagkaroon ng chance na magkaeksena sa hugot movie na ito ng Viva Films.
Pero this time, sa pangalawang pagkakataon, sina Sam at Yassi ay muling magsasama sa mas romantikong pelikula na pinamagatang “Ang Pambasang Third Wheel”
na nasa direksyon ni Direk Ivan Andrew Payawal kung saan Sam and Yassi
plays Neo and Trina (an advertising agency art director and a copy
writer) sa bagong hugot + kilig movie ng Viva Films na showing na come
Wednesday, March 7.
At the grand press
launch ng pelikula nila, ang torpeng si Sam ay may deklarasyon sa
dalaga na ikinagulat mismo ni Yassi at ng media.
Inamin ni Sam na crush niya si Yassi at ito ang tipo ng babae na gusto niya maging girlfriend.
Nang i-shout out ni Sam ng harap-harapan sa media ang pagkagusto niya kay Yassi ay nagulat ito at hindi alam ang gagawin. Tila nataranta ang dalaga kung ano ang isasagot sa pahayag ni Sam.
Kaya pala maasikaso ang binata at maalaga kay Yassi during their shooting ay dahil mas personal ang intention ni Sam kay Yassi.
Mabuti na lang at na keri ng binata ang instant reaction ng dalaga na tila nagulat sa ipinahayag ng leading man na gusto siya ng binata na habang isinusulat namin ito ay zero ang lovelife.
Habang tinitingnan namin ang dalawa, tila bagay naman sika kung sakaling magustuhan ni Yassi ang binata and they're pretty tovlook at kung sakali man na magkatuluyan, bagay sina Sam at Yassi.
This coming Wednesday, March 7 ipapalabas ang pelikula nina Sam at Yassi sa mga sinehan nationwide na produced ng Viva Films and The Idea First Company nina Direk Perci Intalan and Direk Jun Lana.
No comments:
Post a Comment