Thursday, December 21, 2017

Call NYC Chairperson Aiza Seguerra " Ice " as a transman

Call Aiza "Ice" from now on
May hugot ang kaibigang Aiza Seguerra sa kanyang Facebook Account Wesnesday morning.
Tungkol ito sa kanyang pagiging transgender man na until now ay hindi pa rin naiintindihan ng karamihan.

Ayon sa singer-composer and now Chairperson ng NYC (National Youth Commission) sa kanyang open letter sa lahat ng makakabasa,  may malinaw na paliwanag siya sa lahat para maintindihan kung ano ang sexuality niya.
Ice with with Liza Dino
Isinulat niya ang kanyang open letter sa sariling Facebook account:

“I am a TRANSGENDER MAN. Ibig sabihin, pinanganak man akong may vagina, I identify myself as a man. Gets? TRANSMAN po yun.

“May ilang taon na rin ang nakakalipas when I first came out. Yes, I came out as transman 3 times already. May iba siguro sa inyo ang hindi pa nakakaalam but mas maraming alam na ‘to.

“This is just a reminder. PLEASE REFRAIN from calling me ATE, MISS, TITA, SIS, NINANG (mga inaanak, subukan niyong tawagin akong ninang, I swear wala kayong regalo sa pasko), SENYORA, MA’AM, at ang favorite ko sa lahat MADAME. Huwag din po gamitin ang she, her, at kung ano pa.
“This is how I see myself and I would appreciate if people around me, especially family and friends, will respect that. If you do not understand kung ano ang transman, PM me and I will gladly explain,”paliwanag ni Ice,”paliwanag ni Ice.

Dugtong pa niya: “Also, please CALL ME ICE. Yes. ICE.

Yun lang po. Maraming salamat!”

Clear po, Ninong Ice.

McCoy de Leon at Elisse Joson, muntik-muntikan na...

McCoy de Leon and Elisse Joson for Ang Panday
Kaloka! Panay ang holding hands nina McCoy de Leon at Elisse Joson mula sa press preview ng Ang Panday hanggang sa Christmas Party ni Coco Martin for the press.
 
Ano yata ang pinaguusapan ng dalawa at mtila gigil si Elisse kay McCoy?

During our short interview sa dalawa ayaw nila maghiwalay. Gusto palaging magkatabi sa upuan.

Dioskopo! Akala ng press "bagong kasal" sina McLisse. Ang dalawa pampakilig sa mga fans sa mga manonood ng Ang Panday na official entry ng CCM Productions ni Coco para sa MMFF 2017 showing on Dec. 25 sa mga sinehan

Biniro ko ang dalawa ng humarap sa amin for a short tsikahan dahil kulang sa space at nagiisa ang upuan na kalungin na lang ni McCoy si Elisse.

Sagot ng binata "Oo" daw na ngumiti lang si Elisse. Pero nabitin ang pagkalung ni McCoy sa dalaga Hindi natuloy dahil dumating yong 1 chair na dala-dala ng waiter.

Nabulilyaso. Ha ha ha...

Walang problema sa kanila ni Toni: Direk Paul Soriano 100% loyal sa misis


Direk Paul Soriano and Erich Gonzales
 Noong nasa isla ng Siargao si Direk Paul Soriano sa lalawigan ng Surigao ay pumutok ang balita tungkol sa “relasyon ” nila diumano ng artista niya na si  Erich Gonzales.

Super sexy kasi ni Erich sa mga pictorials na ginamit ng mga intrigera para matsismis si Direk Paul at Erich.

Sa halos dalawang linggong pananatili ni Direk Paul sa isla kasama ng mga artista niya bukod kay Erich; si Jasmine Curtis-Smith at Jericho Rosales reason na umabot sa Manila ang tsika.

Natawa lang si Direk Paul sa tsismis. Bago pa nakarating ang balita tungkol sa “relasyon” niya with Erich, naiparating na niya sa misis na si Toni Gonzaga ang tungkol dito.

Erich is Laura in MMFF 2017 entry in "Siargao"
Dahil mahal nila at may tiwala sila ng misis niya sa relasyon nila, hindi daw dali-dali mabatikan ang relasyon nilang mag-asawa.
 
Hindi lang si Erich ang natsimis kay Direk Paul. Maging si Maja Salvador ay naging biktima rin na sinasabing “illicit affair” ni Direk sa aktres nang gawin nila ni Maja ang pelikulang “Thelma”.
Sa kabila ng mga kaliwa’t kanang tsismis tungkol sa “extra-curricular activities” ni Direk Paul ay buo ang tiwala ng misis niya sa kanya.

 Sa isang panayam recently, pahayag ni Direk Paul na “It’s never been broken,” na tinutukoy ay ang loyalty niya sa kanyang misis. It is there, even the way I feel about Toni is very secure, and the trust is there. 

 “We know each other well enough to feel anything out. If there is anything we try to do a lot is we communicate? We talk, we text and all that. We try to talk like, when Seve is sleeping. We try to talk.
Direk Paul Soriano giving instructions to Jericho Rosales and Jasmine Curtis-Smith in Siargao

Toni Gonzaga
Sabi pa ni Direk tungkol sa relasyon nila ng misis niya: “Celestine (Toni) is more of the quiet type, but I know when something’s wrong. I know when something’s bothering her, so I just have to say, ‘What’s up?’ And then, she’ll tell me,  “kuwento pa ni Direk during the media launch ng pelikula niyang “Siargao” na produced ng Ten17 Productions na pinamumununo niya.

Sa pelikula, Erich plays  a vlogger na dumayo sa Siargao in search for peace and calmness sa buhay niya, while Jasmine is a local island girl at si Jericho naman ay isang surfer enjoying the island lifestyle.

Tuesday, December 19, 2017

Richard Gomez: Artista, Public Servant and now a certified Visual Artist

Mayor Richard Gomez and wife Rep. Lucy Torres-Gomez
Naging very successful ang first visual art exhibit ni Ormoc City Mayor Richard Gomez last night (Sunday, Dec. 17) na “Surface” na ginanap sa Pinto Gallery and Museum sa Antipolo na magtatagal for a month.

Dahil una ni Mayor Goma, all out ang suporta ng kanyang misis na si Congresswoman Lucy Torres. Si Lucy nga raw ang nagbi-video sa kanya kapag nagpe-paint siya na pino-post ni Mayor Goma sa kanyang Instagram account.

Goma the visual artist with his favorite  piece "Yolanda"
Dahil una ni Mayor Goma, all out ang suporta ng kanyang misis na si Congresswoman Lucy Torres. Si Lucy nga raw ang nagbi-video sa kanya kapag nagpe-paint siya na pino-post ni Mayor Goma sa kanyang Instagram account.

Malaki ang impluwensya ng aktor na si Ian Veneracion na present last night sa art event na isa rin visual artist (anak ang aktor ng sikat na artist na si Roy Veneracion) kay Mayor Goma lalo pa’t kauna-unahan niyang exhibit ito.

“Before doing large scale paintings like itong mga murals, padrawing-drawing lang ako then I’ll do some small art pieces,” kuwento niya sa ilang dumalo na almost three years na niya ginagawa ang pagpipinta ng mga murals.

Ayon sa aktor turned public servant ng Lungsod ng Ormoc ay nagsimula ang interest niya sa visual art sa pamamagitan ng kanyang black and white photography in the late 80’s reason kung bakit tumawid din siya as a TV Commercial director nang matuto siya sumipat sa lente.
Mayor Goma with guest Ian Veneracion
Sa showbiz, isa marahil si Goma sa mga showbiz personalities natin na ang mga pinapasok na bagong mundo kung hindi man siya ang una ay asahan mo na nagta-top siya sa kanyang ginagawa.
Sa kanyang bagong passion, ginagawa na rin pala na therapy ni Mayor Goma ang pagpipinta sa stressful life niya as punong bayan na kanyang pinaglilingkuran.

“Every morning if I have time, I paint before going to the office,” kuwento niya.
Sa mga gustong makita ang mga obra ng aktor ay magtatagal ang naturang exhibit until January 17.
Goma’s favorite work reminding him of super typhoon Yolanda
Sa mga obra ni Mayor Goma, may ilan na bumili noong gabing ‘yun.
Ang pinaka-paborito niyang gawa ay ang parang buhawi nasa background ng aktor na nagbigay alaala sa kanya noong panahon ng bagyong Yolanda na malaki ang pinsalang nagawa sa Tacloban lalo na sa bayan niya na Ormoc.

Dawn Zulueta, excited sa balik tambalan nila ni Bossing Vic Sotto

Dawm Zulueta and Vic Sotto in "Meant to Beh"

Hindi na bago  ang “loveteam” nina Bossing Vic Sotto at Dawn Zulueta sa showbiz. Sa mga hindi nakakaalam, matagal na naging magkasama ang dalawa sa telebisyon via “Okay Ka, Fairy ko” na almost two decades ago na yata.

 Ang last movie ni Dawn was in 2016 kung saan magkapareha sila ni Piolo Pascual na isang drama-romance film under Direk Gino Santos para sa Star Cinema.

Pero nang i-offer sa kanya ni Bossing Vic ang MMFF 2017 movie na “Meant to Beh”, na isa sa walong official entries ay hindi na nagdalawang isip pa ang aktres.

Dawn with Dorek Chris Martinez, JC Santos and Bossing Vic
 Pahayag  niya: “I really welcome the chance to do comedy naman with Vic Sotto,” na super bagets pa rin ang itsura ng aktres

Para maiba naman ang timpla, for a change ay comedy naman ang latest movie ni Dawn. 
“Maski sa teleseryes, puro iyakan ang ginagawa ko, so gusto ko naman sumubok ng comedy, lalo na si Bossing Vic ang kapareha ko na sa TV ko pa lang nakatrabaho before ages ago. I’m grateful naalala nga ako ni Bossing dahil na-miss ko rin siya.”

Dahil open si Dawn sa mga pagbabago sa paggawa ng pelikula, maging ang director niya sa pelikula ay nagustuhan niya ang karanasan working with Direk Chris Martinez na kung nasusundan mo ang career path ni Direk ay iba ang approach niya for a comedy movie in the past.

Kuwento ni Dawn with her experience with Direk Chris: “First time ko ring makatrabaho ang director namin si Direk Chris and he’s definitely one of our more talented young filmmakers today.
“Wholesome and heartwarming ang buong movie na puwedeng panoorin ng buong pamilya. First time ko ring makasama ang stars ng both two top networks dito, with JC Santos, Gabbi Garcia and Baeby Baste as our children. Kasama din namin si Andrea Torres (who plays the “other woman”), Daniel Matsunaga, Sue Ramirez, and Ruru Madrid na first time napagsama-sama sa movie.
“They’re all very professional and very talented kaya ang wish ko, maging blockbuster sana itong ‘Meant to Beh’ para magkaroon ng Part 2 at makasali uli kami next year,” pagkukuwento ng aktres tungkol sa pelikula niya with Bossing Vic.

Sa katunayan, with Dawn’s experience in doing this film na ang mga artista ay mula sa magkaibang television network na hindi maiiwasan na bunga ng network wars ay hindi niya naransan sinasabing “network wars” between the stars ng pelikula.

Meant to Beh for the MMFF 2017
Paniwala ni Dawn: “Dati naman, walang boundaries ang mga artista because of network affiliations. Ako, I used to work with everyone. I worked with Viva, with Regal, with all companies and all co-stars, walang problema to be paired with anyone,” kuwento ng aktres.

Pero malaki ang paniwala ni Dawn na ang network wars ay bunga din ng social media. “Sabagay, I come from a different era na wala pang social media. Today, the fans and almost everyone feel they have the right para panghimasukan ang careers and private lives ng mga artista because of Instagram or Twitter.

“Everyone can bash anyone and they’re all very negative, which is sad kasi it’s not really helping the industry. Before, we’re just one big family.

“Ngayon, kanya-kanya na, kampo-kampo na. So please support our movie, ‘Meant to Beh’, kasi bihira magkasama-sama ang mga artista from different networks. Let’s have unity, not division,”pakiusap ni Dawn sa mga fans.

Monday, December 18, 2017

Para walang away: Jennylyn Mercado's topless scene in All of You ayaw ipanood kay Dennis Trillo

Jennylyn Mercado with screen partner Derek Ramsay for All of You
Para wala na isyu na kesyo nag-react si Jennylyn Mercado 0’si Dennis Trillo sa mga eksena ng isa’t isa sa pelikula nila, mabuti na rin yong ganun policy na pina-practice ng dalawa na kapag may intense at mga eksena na pwede ika-selos nila, much better ay hindi na pinapayagan ng isa sa kanila na panoorin ang pelikula nila.

I’m sure, sa tadtad na mga hot scenes ng aktres sa pelikulang “All of You” with Derek Ramsay na isa sa walong officialmentry para sa darating na Metro Manila Film Festival 2017, mas minabuti ni Jen na huwag na lang nila panoorin ni Dennis ang pelikula. 

Jennylyn with boyfriend Dennis Trillo
Usap-usapan kasi na very very hot ang mga eksena ng dalawa na kung hindi matibay-tibay ang pondasyon ninyo as”lovers and partrs” ay baka mapa-react ka na mauuwi lang sa selosan at away kahit sabihin na borth are professional actors at role lang ang kanilang ginagampanan.

Sa pelikula ay may topless scene si Jen (for the first time) na kita ang likod niya na walang saplot na nakikipag-lovescene kay Derek.

 Kuwento ng aktres: “Never naman ‘yang nakapanood ng movie ko, eh. Siguro, ayaw lang niyang mailang. Kahit ako, kapag may mga ganu’n, ayoko ring nanonood. Pareho kami,” kuwento ni Jen.

Based sa kuwentuhan duing the grand media launch, mga 5 to 6 hot love scenes daw ang ginawa nina Jen at Derek na kung seloso kang boyfriend, better na hindi mo na lang ito panonoorin para wala nang pagseselos at panimulan ng away.
 
Jennylyn with Derek and Direk Dan Villegas
Sa darating na December 25 na magsisimula mapanood ang All of You na produced ng Quantum Films, MJM Productions, Globe Studios at Planet Media Production

Bukod sa mga bida, kasali din sa casts sina Via Antonio, Hannah Ledesma, Kean Cipriano, Solenn Heussaff, Nico Antonio, Milo Elmido sa obra ng original romance director na si Dan Villegas.

Loveteam nina JaneSon sa Haunted Forest cool at chill lang


Jameson Blake and Jane Oineza for Regal Films' Haunted Forest

Sa tutoo lang, hindi ko alam na malakas pala ang bagong tambalan nina Jane Oineza at Jameson Blake.

Noong contract singing ng mga casts ng nagiisang horror-suspense MMFF 2017 entry na Haunted Forest ng Regal Films kung saan bukod kina Jane at Jameson, sila nina Mariz Racal at Jon Lucas ang magbubuo ng main cast ng pelikula; wala pa sa hinagap ng dalawa na magkakaroon pala sila  ng fan based following..

Jane and Jameson with co-stars Jon Lucas and Mariz Racal

Sa katunyan, kung sina Liza Soberano at Enrique Gil, ang tawag sa kanila ay LizQuen sina Jane at Jameson naman ang tawag sa loveteam ng dalawa ay JaneSon.

Noong contract signing, ngingiti-ngiti lang si Jameson noong kinakantiyawan siya ng press na kung okey ba na si Jane ang bagong niyang ka-loveteam lalo pa’t yong mga nauna at dati ay iniwanan nila sa ere ang dalaga. “It’s okey po,” maikling reply ni Jameson sa amin

Hindi na masyado nag-elaborate si Jameson lalo pa’t wala pa naman kaganapan na masasabing  na nagpapatibay sa “bagong friendship” nilang dalawa.

Nagsimula ang shooting ng pelikula. Nagsimula na maging regular na sila nagkakasama sa shooting, lalo na sa mga promo activities para sa pelikula kung saan halos 3 to 4  times on weekends kapag may mall shows sila for the film; hindi maiwasan na mas marami na mga magagandang kuwento ang binata sa sinasabing “Special Friendship” ng dalawa.
 
Jane and Jameson waiting for their cue in a scene

Aminado si James na may boyfriend si Jane na dating kasama niya sa PBB Teens pero ang pakikipagkaibigan nina Jane at Jameson ay hindi naman mapanira sa relasyon ni Jane sa kanyang real life boyfie.

Ang mga fans naman marahil ng dalawa ay hindi ganun kababaw para porke’t ang screen partnership ng dalawa ay hindi pwede itawid sa totoohan ay super react sila at sisirain yong isa na wala naman rason ang dahilan.

Coco Martin, mahal talaga ang mga bata

Coco Martin is Flavio in Ang Panday

Sa tutoo lang, ang sipag ni Coco Martin sa promotion ng kanyang MMFF 2017 entry na “Ang Panday”.

Ang kanyang provincial promo ay sumusugod talaga ang actor-director sa iba’t ibang panig ng pilipinas.

Unang ratsada ng actor-director-producer ay nasa Legaspi City siya sa Bicol na kinabukasan naman ay sinugod naman niya ang Pangasinan with two cities na pinuntahan.

Bumisita din ang aktor sa GenSan sa Mindanao kasama si Awra Bringuela at nagperform kasama si Mommy Dionisia Paquiao  sa short program after the motorcade.

Dinalaw din niya ang Davao kasama si #Hastag McCoy de Leon na isa sa mga kasama niya sa pelikula (syempre mawawala ba si Elisse Joson.

Coco with McCoy de Leon

Iba si Coco mag-alaga ng kanyang project. Alagang-alaga. Super effort.

Napanood nýo na ba ng full trailer ng pelikula? Hindi mo iisipin na gawa or
obra ito ng isang baguhan (as in first time director niya ang pelikula) ang aktor na ang trabaho ay makinis na hindi mo iisipin na kakayanin pala niya na pakiwari koý dapat noon pa niya sinimulan ang pagdi-direk ng pelikula. 



I've seen the whole film. Pak na Pak ika nga. Hindi maghihinayang ang mga nanay at tatay na ngayong Christmas Holidays ay i-treat ng mga magulang nila mga anak nila.

I’m sure super happy ang mga bata ngayong Kapaskuhan sa paglakhok ng Ang Panday dahil alay ng aktor ito para sa kanila na mapapanood nila simula December 25.