Paulo Avelino is Tony Javier in Ang Larawan |
Mula sa libro
hanggang sa page-stage ng istorya hanggang sa pagsasapelikula na
produced ng Culturtrain Musicat Productions, na-enjoy namin ang pelikula
na dinirek ni Loy Arcenas.
Na-late kasi ang
aktor sa napakagandang screening. Kaya nga tuwang-tuwa si Paulo sa
positibong reaksyon ng mga nakapanood sa performance niya.
Nag-audition
pala si Pau sa role niya. Mula sa “teleseryeng” karir niya, he told his
manager na gusto niya gumawa ng iba at ang iba nga na ito ay ang gumawa
ng isang musical film.
Timing nga lang marahil na nang magpatawag ng audition ang produksyon, Nakuha ang aktor.
Kasabay ng ng
mga rehearsals ng pelikula ay may ginagawa na teleserye si Paulo na
mabuti na lang ay hindi nakabala sa kanyang paggawa ng Ang Larawan.
“I’m thankful sa pagkasali ko sa movie. It’s a classic,” pagmamalaki niya.
Sa naturang
musical film, bukod kay Rachel, makakasama ng aktor ang mga de-kalibreng
mga singer-performers tulad ng West End (London) sensation na si Joanna
Ampil na hindi nakarating sa special screening ang presscon dahil on
tour pala ang aktres sa stage musical na Cats, Celeste Legaspi, Dulce,
Bernardo Benardo, Nanette Inventor, Robert Arevalo, Nonie Buencamino,
Aicelle Santos, Cris Villionco, Cara Manglupus, Jojit Lorenzo, Ogie
Alcasid na mga kilala as stage singers-performers.
At si Paulo? “Proud ako na nakasama ako sa musical film na ito. Proud din ako at inalalayan nila ako,” sabi niya.
Nang i-promote
ng produksyon ang pelikula sa iba’t ibang schools, matapos nila mapanood
ang full trailer, kinilig ang ang students dahil nakita nila si Paulo.
Personally, isa
ang pelikulang Ang Larawan sa first 5 movies na panonoorin ko sa
darating na MMFF 2017 na magsisimula sa December 25.
No comments:
Post a Comment