Mayor Richard Gomez and wife Rep. Lucy Torres-Gomez |
Malaki ang
impluwensya ng aktor na si Ian Veneracion na present last night sa art
event na isa rin visual artist (anak ang aktor ng sikat na artist na si
Roy Veneracion) kay Mayor Goma lalo pa’t kauna-unahan niyang exhibit
ito.
“Before doing
large scale paintings like itong mga murals, padrawing-drawing lang ako
then I’ll do some small art pieces,” kuwento niya sa ilang dumalo na
almost three years na niya ginagawa ang pagpipinta ng mga murals.
Ayon sa aktor
turned public servant ng Lungsod ng Ormoc ay nagsimula ang interest niya
sa visual art sa pamamagitan ng kanyang black and white photography in
the late 80’s reason kung bakit tumawid din siya as a TV Commercial
director nang matuto siya sumipat sa lente.
Sa showbiz, isa
marahil si Goma sa mga showbiz personalities natin na ang mga pinapasok
na bagong mundo kung hindi man siya ang una ay asahan mo na nagta-top
siya sa kanyang ginagawa.
Sa kanyang
bagong passion, ginagawa na rin pala na therapy ni Mayor Goma ang
pagpipinta sa stressful life niya as punong bayan na kanyang
pinaglilingkuran.
“Every morning if I have time, I paint before going to the office,” kuwento niya.
Sa mga gustong makita ang mga obra ng aktor ay magtatagal ang naturang exhibit until January 17.
Sa mga obra ni Mayor Goma, may ilan na bumili noong gabing ‘yun.
Ang
pinaka-paborito niyang gawa ay ang parang buhawi nasa background ng
aktor na nagbigay alaala sa kanya noong panahon ng bagyong Yolanda na
malaki ang pinsalang nagawa sa Tacloban lalo na sa bayan niya na Ormoc.
No comments:
Post a Comment