Thursday, March 23, 2017

Piolo at Iñigo hindi ligtas sa mga bashers at malisyoso

Dahil sa pagiging malisyoso ng netizens, ang isang simpleng pagpapakita ng pagmamahal ng isang anak sa kanyang ama ay naging malaking isyu.

Ang tinutukoy namin, ang video ng mag-amang Piolo Pascual at Iñigo Pascual, kung saan nag-smack sa lips ang anak sa kanyang ama na binigyan ng malisya at iba’t ibang interpretasyon ang ginawang gesture ni Iñigo.

Piolo Pascul & Iñigo Pascul
“To be honest, it’s something that ngayon, parang I just laugh about it. Kasi parang what’s the point of making a story out of something that shouldn’t,” natatawang say ni Iñigo nang mag-guest siya sa “Magandang Buhay” kasama si Papapi.

Paliwanag pa niya, “Parang hindi ko maintindihan bakit kailangan nilang gawin? Hindi ko maintindihan why even it has to be a thing? He is my dad and if they don’t treat their dad the same way, that’s not my problem.”

Maging si Papapi, pareho rin ang punto tulad ng kay Iñigo.



“You know what, ang hirap. You want to get mad at these people, gusto mong mapikon sa kanila.

But if you know what is right, what is positive and what is right in the eyes of God, ‘di ka mag-iisip ng malisya kung nasa tamang pag-iisip ka. Anak ko ito! How dare you tell me what I should do and I shouldn’t do,” pahayag ng aktor na nagpo-promote ng kanyang pelikulang “Northern Lights: A Journey To Love” sa morning show ng Kapamilya Network.

Dagdag ng aktor who plays Charlie Sr. sa pelikulang dinirek ni Dondon Santos, “Ayaw ko kasing mag-isip ng masama sa tao. Pero ‘yung mga namba-bash, siguro naiinggit sila because they don’t get to experience that kind of bond with their parent, or their son. Ayaw ko na lang magsalita, because my relationship with my son is a blessing and I’m going to flaunt whatever we can just as long as we have the time together. Hindi ba?”
 
Piolo & Yen
 Actually, marami ang may inggit sa closeness ng mag-ama. Hindi lang ito ang una beses na nalagay sa pamumula ng publiko ang pagiging close nina Piolo at Iñigo.

Papapi at Iñigo, deadma attitude na lang towards their bashers para tumahimik na ang mga mga naiinggit sa kanila.

Sa Tuesday (March 28), premiere night ng pelikula ni Papapi with Yen Santos at Raikko Mateo sa SM Megamall. Regular showing is on Wednesday (March 29) in theaters nationwide.

Sylvia Sanchez prioridad pa rin ang pamilya

May hugot mode ang aktres na si Sylvia Sanchez ngayong araw nang dumalo silang buong pamilya sa isang kasalan na ang reception ay naganap sa Nielson Tower sa Makati Avenue na dating airport last night.

Buo ang pamilya. Kumpleto ang casting from Ibyang to husband Papa Art Atayde to Arjo, Ria (na nagse-celebrate ng kanyang karaawan today March 23), Gela, at bunsong si Xavi.

Sylvia with Papa Art and children (Gela, Ria, Arjo & Xavi
Sa Facebook post ni Ibyang, sinulat niya: “27yrs ago, dito ako sa lugar na to, the Nielson Tower mkt, dinala ako ni Art para ipakilala nya sa pamilya nya. Wala pang isang taon noon si Arjo at wala pang RIA, Gela at Xavi at kagabi, di ko inasahan na doon ang reception ng kasal ng pinsan naming si @peachatayde at @aabuendia #aperfectaffair.

“Wow, bumalik lahat ng mga ngyari sa akin noong gabing yon pati yong kwento ng steak na yan hahaha.

“Katuwa! Nakabalik kaming mag asawa sa kung saan niya ako pinakilala sa kanyang pamilya. Kasama ng apat naming anank; wow just wow sobrang saya ko kagabi na inaalala ang gabing yon 27yrs ago 27yrs and going strong!! Wow! #thankuLORD sa napakagandang blessing na to,” pagsi-share ni Ibyang sa kanyang FB followers ng isa sa mga magagandang mga pangyayari sa buhay niya.

Sylvia's family minus Gela
Pansin ko, mukhang ang hugot ni Ibyang sa kanyang social media account is about her family. pam-positive vibes ito. Si Ibyang pa na first and foremost, family niya ang kanyang priority.

Speaking of kasalan, abangan sa Lunes ang bonggang kasal ni Sylvia as Gloria at Nonie Buencamino as Peter sa “The Greatest Love” na kinunan sa St. Andrews Church sa Silang Cavite.

Tuesday, March 21, 2017

Gerald Anderson masaya sa karanasan sa LA Marathon

Gerald Anderson at the 2017 LA Marathon
Happy to learn na wala man sa Top 100 finishers sa mga sumali sa Los Angeles Marathon sa California, USA, isang dream come true para sa Kapamilya actor na si Gerald Anderson na mapabilang sa naturang running event na naganap last Sunday, March 19.

Sa pre-event, na-meet ni Gerald ang 2016 Los Angeles Marathron top finisher na si Weldon Kirui na taga-Kenya sa Africa at proud siyang nagpakuha pa ng picture kasama ito.

Out of 18,867 finishers, na ang ilang sumali ay hindi umabot sa finish line dahil hindi na kinaya ang mahabang takbuhan at huminto na sa kalagitnaan, ang aktor ay pinarangalan bilang 4,277th finisher.
Kung maalala pa, noong nakaraang birthday ni Geh ay may paandar siya na mala-duathlon na sinalihan din ng mga kaibigan niya sa showiz tulad nina Jake Cuenca, Matteo Guidicelli, at ng ex-girlfriend niyang si Kim Chiu.

Congrats, Geh! Sa susunod… Boston Marathon na!

Aliw ka Miss Charo Santos-Concio

Last week ay special guest ni Kuya Boy Abunda sa kanyang nightly show na “Tonight With Boy Abunda” si Miss Charo Santos-Concio. Ang prim and proper na dating prexy ng ABS-CBN ay aliw pala kapag very relaxing ang interview sa kanya. Kaswal na kaswal si CSC sa naturang panayam ni Kuya Boy.

Miss Charo Santos with her husband and family
Pagbabalita ng aktres na nagsimula na siyang magbasa ng ilang scripts para sa next film project niya (bilang aktres) after ng “Ang Babeng Humayo” ni Lav Diaz, kung saan si John Lloyd Cruz ang kanyang nakapareha.

Bukod sa pamimili ng scripts na gusto niyang gawing pelikula, she’s into corporate engagements, kung saan sini-share niya sa kanyang audience ang mga natutunan sa pagiging leader ng isa sa pinakamalaking kumpanya sa Pilipinas.

Sa katunayan, ang mga aral na natutunan ni CSC sa kanyang pagiging pinuno ng ABS-CBN ay isinalibro sa “My Book: The Story of An Expected Leader”.

Kuwento niya during the interview, “The stories of my life will only be used as a springboard to share leadership lessons and that’s why I agreed to do the book.”

Miss Charon with her 2 sons
On the lighter side of the interview, sinabi ni Miss Charo that she is more into mature men. Sabi ng aktres, “I go for men who can engage me in a conversation. I mean I go for men with a broad perspective on life; somebody who can excite me and somebody who can open a lot of doors and opportunities as far as seeing the other side of the world. I go for men with mature minds. So, nagkataon lang that there’s this 24-year age gap between Cesar and I.”

Sa playtime ni Kuya Boy sa kanyang “Fast Talk” segment , nang itanong ng host kay CSC kung size does matter (patungkol sa ari ng lalaki), walang kaabug-abog na sinagot ni Miss Charo ng “Of course!”, nang walang pag-aalinlangan. Aliw ka Miss Charo Santos-Concio!

Mother Lily naghintay kay Piolo Pascual para sa Northern Lights A Journey to Love

Piolo Pascual with Miss Roselle Monteverde & Mother Lily
Labing-apat na taon pala ang hinintay ni Mother Lily Monteverde bago muling nakagawa ng pelikula si Piolo Pascual sa Regal Films.

Nakausap naman ang Regal matriarch prior to her welcome speech for Piolo yesterday sa presscon ng “Northern Lights: A Journey To Love” na idinirek ni Dondon Santos para sa Regal Entertainment, Spring Films, at Star Cinema. Kabituin ni Piolo sina Yen Santos at Raikko Mateo sa pelikula na showing na on March 29.

“It took 14 years bago siya bumalik sa Regal. I produced a film for Piolo with Joyce Jimenez before. I love Papa P,” proud na proud na pagkukuwento sa amin ni Mother Lily.

Sa harap ng media, pinaiyak ni Mother Lily si Piolo nang basahin niya ang kanyang message para sa aktor. Hindi nga inaasahan ni Piolo na mauuwi sa pag-iyak niya ang touchiong at very emotional message ni Mother Lily para sa kanya.

Panimula ni Mother Lily, “I want to share with you my personal journey with my good friend Piolo Pascual. “The first time I met Papa P, I knew he was special. Not only do I find him to be a brilliant actor, but also a diligent one as well. His eyes speak of sincerity, his heart is full of compassion for others.
Piolo with Yen Santos
 "Right there and then, I thought this guy would go a long way in his career. And I was right.
Pagpapatuloy pa ng producer ng Regal, “14 years ago, he did ‘I Think I’m in Love’ with us. Now, 14 years later, he did ‘Northern Lights’ and it’s an answered prayer. Our common love and passion for the art led him to a new journey back to Mother Lily and Regal. From the bottom of my heart, thank you, Papa P. I am overjoyed.

“A very generous man, on the last shooting day of ‘Northern Lights’, he shared his talent fee with the staff and crew. Nag-iyakan ang mga taga-production and they love him to death now.”
“As for me and my family, we love you too, Papa P. We will support you all the way!” Pagtatapos ni Mother Lily.

Piolo as Charlie Sr. in Northern Lights A Journey to Love
Habang binabasa ni Mother Lily ang kanyang mensahe para kay Piolo, naiiyak naman ang aktor.
Sabi ni Piolo patungkol sa kanyang pag-iyak, “Sorry I got emotional. Bata pa ako, I’ve been watching na the movies of Regal and I know that Mother Lily and I share the same passion for making movies.
“It now feels so good that I did ‘Northern Lights’ for Regal and we all worked so hard to come up with a movie like this. We should all be grateful to Mother Lily for what she has been doing for us all these years, for her passion to make movies and pure entertainment.”

Mother Lily is Mother Lily. Kahit may ilang kalokahan din siya tulad sa kuwento ng iba niyang nakasama sa trabaho, si Mother Lily, mahal niya ang indsutriya ng pelikulang Pilipino at nakatutulong siya sa mga artista, sa mga manggagawa ng pelikula, at sa mga press people na nagpo-promote at sumusulat ng kanilang balita at kolum tungkol sa projects ng Regal.
 
Basta si Mother, always good vibes ‘yan.

Pelikulang Sharon-Gabby wala muna sa prioridad

Hindi ko alam kung may linaw na ang supposed to be pelikulang muling pagsasamahan ng dating mag-asawa na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion para sa Star Cinema.

Sharon Cuneta & Gabby Concepcion
Wala kasing malinaw na kasagutan tungkol sa project na ito, na maging si Megastar ay tila dismayado na sa nangyayari sa project.

Pero last weekend, may nakarating na hindi magandang balita sa amin, na on hold na muna ang film project nina Sharon at Gabby na ididirek sana ni Olivia Lamasan.

Ang lakas kasi ng usap-usapan ng pelikulang pagtatambalan sana ng dalawa.

Nang lumabas ang balitang may gagawing pelikula si Sharon for Direk Mes de Guzman para sa 2017 Cinemalaya Independent Film Festival, tila nawalan na ng pag-asa ang Sharon-Gabby fans na nag-aabang sa reunion movie ng dalawa.

We left a DM (direct message) sa Instagram account ng manager ni Gabby na si Popoy Caritativo last week asking him kung may linaw na ang pelikulang pagsasamahan ng dalawa. To no avail ay walang reply si Popoy sa amin.

Malamang, isa sa mga nanghihinayang sa hindi pagkatuloy ng project ay si Sharon mismo na gustung-gusto pa namang pagbigyan ang fans nila na matagal nang naghihintay sa muli nilang pagtatambal sa pelikula.

Kung walang aberya, malamang na mas matutuloy ang kauna-unahang indie film project ni Megastar Sharon para sa Cinemalaya.

Saturday, March 11, 2017

Pelikulang Pwera Usog Graded A na, hit pa sa takilya!

Exciting ang pelikulang “Pwera Usog” na first horror film ng direktor na si Jason Paul Laxamana na mas kilala sa mga obrang seryoso at romcom.
Nakatatakot ang pelikula na hindi pangkaraniwan tulad ng mga pelikulang idinadaan sa background music at gugulatin ka na lang basta-basta.
 
Albie, Clarise, Joseph, Sofia, Kiko and Devon
Sa mga pelikulang horror natin, malalaman mo kung may gulat factor ang isang eksena kapag alam mo sa pagpihit sa kaliwa o kanan ng biktima na sasabayan ng “kiyemeng” scared mode ng artista on-cam ay nandun na ang killer o ang salarin at kung wala man doon ay aakalain mo na nakaligtas na ang biktima pero ‘yun pala nasa likuran lang niya ang multo, killer, o ang kinatatakutan.
 
Bagong istilo itong ginawa ni Direk Jason sa pelikula kung saan bida ang mga bagets na mag-partner on screen na sina Sofia Andres at Joseph Marco, Devon Seron at Kiko Estrada, at ang baguhan na si Charise Castro (bagong Regal Baby nina Mother Lily at Roselle Monteverde) na ang kapareha ay si Albie Casiño.
 
The stars of Pwera Usog with Direck Jason Paul Laxamana
“It’s nice working with them. Wala silang kapaguran. Very active ang mga artista ko na sa mga eksenang takbuhan, game na game sila,” pagmamalaki ng direktor ng pelikula.
 
Napanood namin ang pelikula na aaminin ko, naka-limang tili yata ako sa mga nakakatakot na mga eksena.
 
Bongga ang role ni Devon sa movie. Siya ang sinapian ng kaluluwa ni Eula Valdez na sa official movie poster ay siya ‘yong parang taong grasa na nakatayo sa gitna.
 
Magaling si Aiko Melendez as the mangagamot pero mas agaw eksena si Joseph Marco na nagbibigay comic relief in between terrifying sciences.
 
Maganda ang feedback ng mga nakapanood na ng pelikula. Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB)  ang Pwera Usog na ibig sabihin at maganda ang pagkakagawa istorya at kabuunan ng pelikula rated PG-13 ng MTRCB dahil sa "Extreme Horror" ng mga eksena.
 
Sa hilig ko sa mga horror at suspense film, na enjoy ko ang “Pwera Usog”.
 

Piolo Pascual bagong Ambassador ng OMB

Bongga naman ni Piolo Pascual (aka Papapi) dahil sa pagkatalaga sa kanya bilang Ambassador ng Optical Media Board (OMB) kamakailan.    
Bilang isang ambassador ng OMB, isang pribilehiyo ito para sa aktor na mapabilang sa ahensiya na may responsibilidad sa anti-piracy na kampanya ng naturang opisina.
 
Piolo Pascual
Paliwanag ng aktor sa presscon ng bago niyang pelikulang “Northern Lights: A Journey to Love”, “It’s a privilege. It’s an opportunity to exercise your status and use it for the right reasons.”
 
Dagdag pa niya tungkol sa bagong akong responsibilidad, “You belong to the cinema, you belong to the entertainment industry, so best foot forward. And at the same time, you can use your influence to spread the cause, ‘di ba? So, malaking karangalan sa ‘kin ‘yun bilang artista.”


Bilang ambassador ng OMB, katungkulan niyang magbuo ng awareness sa publiko.
“I believe in what the agency stands for which is anti-piracy, be it for TV, music, and cinema. So, ‘yun lang ang pinaka-battle cry natin,” sabi niya.
 
Si Papapi, kapag may inakong responsibilidad, makikita mo ang pagiging agresibo niya sa objective o adhikain ng kung ano mang pinaniniwalaan niya.
 
Sa bagong pelikula niya with Yen Santos at Raikko Mateo sa direksyon ni Dondon Santos, isa sa mga adhikain ni Piolo bilang ambassador ng OMB ay pangalagaan ang pelikula niya na hindi ma-pirata.
Ang “Northern Lights: A Journey to Love” kasi ay napakamahal ng cost ng pagpo-produce ayon sa supervising producer ng pelikula na si Manny Valera.
 
Piolo with Yen Santos
Airfare pa lang flying to New Zealand ay ta-tumbling ka na sa presyo. “Very expensive talaga. Pati food, working time, international standard. Eight working hours lang talaga. At ang travel time from your hotel to the location and back ay counted at binibilang nila,” kuwento sa amin ni Direk Manny V.
 
Ang pelikula ay co-production ng Regal Entertainment, Spring Films, at Star Cinema at showing na sa March 29.

Nora Aunor "supalpal" kay Vice Ganda

May hugot si Nora Aunor laban kay Vice Ganda na rason kung bakit mas pinili niya na mag-guest sa Eat Bulaga yesterday (Saturday March 11, 2017) at nakipaglaro ng jackpot n' poy kay Raizza Mae at sa ibang cast ng show sa GMA Kapuso Network kaysa maging head judge ng Tawag ng Tanghalan at sa pagbibigay ng tribute sa kanya ng noontime show ng Kapamilya  Network kung saan isa sa mga main host ang komedyante.
Vice Ganda and Nora Aunor
Sa pagiging straight forward ni Vice, simple lang ang sagot niya nang may magtanong sa reaksyon niya sa sinabi ng dating superstar na mas madaming mahalagang bagay ang dapat pagukulan ng pansin tulad sa isyu ni DENR Sec. Gina Lopez at ng kalikasan at illegal minining. Tama!