Buo ang pamilya. Kumpleto ang casting from Ibyang to husband Papa Art Atayde to Arjo, Ria (na nagse-celebrate ng kanyang karaawan today March 23), Gela, at bunsong si Xavi.
Sylvia with Papa Art and children (Gela, Ria, Arjo & Xavi |
“Wow, bumalik lahat ng mga ngyari sa akin noong gabing yon pati yong kwento ng steak na yan hahaha.
“Katuwa! Nakabalik kaming mag asawa sa kung saan niya ako pinakilala sa kanyang pamilya. Kasama ng apat naming anank; wow just wow sobrang saya ko kagabi na inaalala ang gabing yon 27yrs ago 27yrs and going strong!! Wow! #thankuLORD sa napakagandang blessing na to,” pagsi-share ni Ibyang sa kanyang FB followers ng isa sa mga magagandang mga pangyayari sa buhay niya.
Sylvia's family minus Gela |
Speaking of kasalan, abangan sa Lunes ang bonggang kasal ni Sylvia as Gloria at Nonie Buencamino as Peter sa “The Greatest Love” na kinunan sa St. Andrews Church sa Silang Cavite.
No comments:
Post a Comment