Exciting ang pelikulang “Pwera Usog” na first horror film ng direktor na si Jason Paul Laxamana na mas kilala sa mga obrang seryoso at romcom.
Nakatatakot ang pelikula na hindi pangkaraniwan tulad ng mga pelikulang idinadaan sa background music at gugulatin ka na lang basta-basta.
Albie, Clarise, Joseph, Sofia, Kiko and Devon |
Sa mga pelikulang horror natin, malalaman mo kung may gulat factor ang isang eksena kapag alam mo sa pagpihit sa kaliwa o kanan ng biktima na sasabayan ng “kiyemeng” scared mode ng artista on-cam ay nandun na ang killer o ang salarin at kung wala man doon ay aakalain mo na nakaligtas na ang biktima pero ‘yun pala nasa likuran lang niya ang multo, killer, o ang kinatatakutan.
Bagong istilo itong ginawa ni Direk Jason sa pelikula kung saan bida ang mga bagets na mag-partner on screen na sina Sofia Andres at Joseph Marco, Devon Seron at Kiko Estrada, at ang baguhan na si Charise Castro (bagong Regal Baby nina Mother Lily at Roselle Monteverde) na ang kapareha ay si Albie Casiño.
The stars of Pwera Usog with Direck Jason Paul Laxamana |
“It’s nice working with them. Wala silang kapaguran. Very active ang mga artista ko na sa mga eksenang takbuhan, game na game sila,” pagmamalaki ng direktor ng pelikula.
Napanood namin ang pelikula na aaminin ko, naka-limang tili yata ako sa mga nakakatakot na mga eksena.
Bongga ang role ni Devon sa movie. Siya ang sinapian ng kaluluwa ni Eula Valdez na sa official movie poster ay siya ‘yong parang taong grasa na nakatayo sa gitna.
Magaling si Aiko Melendez as the mangagamot pero mas agaw eksena si Joseph Marco na nagbibigay comic relief in between terrifying sciences.
Maganda ang feedback ng mga nakapanood na ng pelikula. Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang Pwera Usog na ibig sabihin at maganda ang pagkakagawa istorya at kabuunan ng pelikula rated PG-13 ng MTRCB dahil sa "Extreme Horror" ng mga eksena.
Sa hilig ko sa mga horror at suspense film, na enjoy ko ang “Pwera Usog”.
No comments:
Post a Comment