Sunday, January 14, 2018

Dahil sa pelikulang Mama's Girl Sylvia Sanchez napaiyak

Sylvia Sanchez and Mother Lily Montevere
Eksenang tsikahan nina Mother Lily at Sylvia Sanchez. Sabi ng Regal Matriach Monteverde sa aktres: “It’s about time you produce, I will guide you. Hindi tayo puwedeng magsosyo baka mag-away tayo. You know what you’re doing, you’re a smart girl and you have a good hear."

Sa Regal Films nagsimula si Sylvia at pawang supporting roles lang siya noon o'  kaya ay nadadaanan lang ng camera pero hindi iyon naging dahilan para ma-down ang aktres bagkus ay nagsikap siya kaya naman narating niya kung anuman ang mayroon siya ngayon.

Slyvia is Mama Mina in Mama's Girl
Kaya siguro nasabi ni Mother Lily na panahon na para mag-produce rin ng pelikula ang aktres dahil alam nito ang ginagawa niya. May focus ang aktres sa lahat ng mga ginagawa niya.

Pero si Ibyang (tawag namin sa aktres) mas nagulat sa reaksyon niya nang bigyan siya ng ilang posters ng “Mama’s Girl” para maipamigay at remembrance na rin niya. “Sa wakas, nagkaroon na rin ako ng poster na may pangalan at mukha ko.

"Imagine sa 27 years ko sa showbiz ngayon lang ako nagkaroon (bukod sa indie movie na ‘Nay) nito. Ipapa-frame ko talaga ito.”

Bukas , Januaryn 15 ay premiere night ng pelikulang may hugot at tagos sa puso  sa Trinoma Cinema 8. Reminder ng mga nakapanood na ng pelikula na magdala ng tisue paper para pamahid sa luha,
Regal Film's Mama's Girl official poster

Kasama sa “Mama’s Girl” sina Karen Reyes, Yana Asistio, Allora Sasam, Diego Loyzaga at Jameson Blake mula sa direksyon ni Connie Macatuno at sa panulat ni Gina Marissa Tagasa at mapapanood na sa Wednesday, Jaanuary 17 sa mga sinehan sa buong bansa..

Friday, January 12, 2018

Walang duda at kinumpirma: Judy Ann Santos, sigurado na lalaki si Ryan

Judy Ann Santos is Mrs. Lianne in Ang Dalawang Mrs.Reyes

Ang lakas ng tawanan during the presscon of Judy Ann Santos and Angelica Panganiban’s new film dubbed “Ang Dalawang Mrs. Reyes” na dinirek ni Jun Robles Lana.

Ang kuwento kasi ng pelikula ay tungkol sa dalawang misis na nadiskubre ng dalawang bida na ang mga mister pala nila ay mga beks (bading).

Juday with co-star Angelica Panganiban
During the presscon, may nagtanong kay Juday kung ano ang gagawin niya kung madiskubre niya na beki (bakla) pala ang mister na si Ryan Agoncillo.

“Parang matitigalgal muna ako ng mga 3 days bago ako magsimulang maghalungkat ng mga ebidensya,” reply ni Judy na sinundan ng tawa ng ang mga press na nakarining na nagtawanan.
Paliwanag ng aktres na matagal din nabakate sa mga pelikulang tulad nito (dati kasi puro mabibigat na temang indie movies ang ginagawa niya tulad ng Cine Malaya’s Kusina), this time, ibang timpla ng komedya ang pelikula niya na palbas na sa darating na Wednesday, January 17.

Sagot ni Juday: “Kasi sa reyalidad, parang totoo ba ito? Tatanungin mo ang sarili mo na totoo ba ito o nasa teleserye ba ako? Panaginip lang ba ito?

“Kung sa totoong buhay siyang mangyayari, ipa-punchline mo rin naman talaga ang sarili mo kasi there’s really no way out dun sa situwasyon mo bago ka makawala, masasaktan ka muna,” sabi niya.
Pero paga-assure ng aktres tungkol sa sexuality ng mister niya na walang isyung kabaklaan si Ryan.: “ Walang-wala. Thank God, " sabi niya.

Ang gay themed film ay tumatalakay tungkol sa infidelity ng mga mister ng dalawang misis sa kani-kanilang mga relasyon ay may mga eksena na kinunan sa Taiwan during the celebration ng LGBT Pride March.

Laugh trip ang movie kung saan bukod kay Angelica ay makakasama din nila ang dalawang hunk at pantasya ng bayan na sina JC de Vera and Joross Gamboa.

Ang Dalawang Mrs.Reyes is produced by Star Cinema, Idea First Company and Quantum Films
 

JC Santos and realife girlfriend Teentin Villanueva hiwalay na

Teetin Villanueva and JC Santos
Akala ko for life na. What I mean ay sila na talaga ang tunay na magiging Mr. and Mrs. Santos in real life.  Sayang naman na  nauwi sa “ hiwalayan” ang relasyon ni JC Santos at sa karelasyon niya na theater actress na si Teetin Villanueva na balita nga namin ay nagsimula noong nasa college pa sila sa UP Diliman.

Matagal na magkarelasyon si JC at ang girlfriend niya. Bago pa naman naging JC Santos ng showbiz si JC. Almost four years na ang pagmamahalan nina JC at Teentin na nasira dahil sa tiwalang nawala.

Teetin is a theater actress and college girlfriend of JC eho hails from Davao
Hindi man diretsahan ang pag-amin ng binata tungkol sa split-up nila, inamin niya na may problema sila during the presscon of Mr & Miss Cruz. Parang ganun na rin ang pahayag ni JC sa media.
Nang tanungin tungkol sa problema nila, ayaw ni JC magdetalye.

Are they still on or sila pa rin ba? ”That, I can’t answer that,” sagot ni JC.

Dahil hindi pa showbiz na showbiz ang aktor, hindi niya alam kung ano ang itutugon niya sa mga inuurirat ng press people last night sa grand presscon ng pelikula nila ni Ryza Cenon na dinirek ni Sigrid Andrea Bernardo of the blockbuster movie Kita Kita nina Empoy Marquez at Alessandra de Rossi.

Siguro naman, hindi si Ryza ang dahilan lalo pa’t very passionate daw ang love scenes ng magkapareha sa “hugot” film na ito ng dalawa na kinunan pa sa napakagandang Palawan.
Kung nagustuhan ng mga manonood ang Kita Kita at 100 Tula para kay Stella, malamang magiging super like din itong bagong pelikula ni JC na produced ng Viva Films at Idea First Company nina Direk na showing na sa January 24 sa mga sinehan nationwide.

Monday, January 8, 2018

Sylvia Sanchez may pangaral sa mga millennials


Sylvia Sanchez is Mama Mina in Mama's Girl showing on January 17
 Gusto ng aktres na si Sylvia Sanchez ang kuwento ng bago niyang pelikula na Mama's Girl na unang handog ng Regal Entertainment for  2018.

Ang kaibigang Gina Marissa Tagasa ang sumulat ng script na para kay Ibyang (tawag namin sa aktres) na petfect na perfect ang istorya at role niya sa pelikula as Mama Mina na nanay ni Abby played by Sofia Andres.

Kuwento ni Sylvia about her film: “Relasyon ng mag-nanay na sobrang pagmamahal ang ibinibigay na hindi masyadong pinapansin ng anak. Si Abby na isang millennial so iba ang paniniwala.


“Pero sa huli malalaman niya ang lahat ng sakripisyo ng ina na hindi niya pinapansin. Sa bandang huli saka na lang maiintindihan lahat ni Abby ang sakripisyo ng nanay niya. Kaya sa mga anak, mahalin ninyo ang magulang ninyo dahil nag-iisa lang ‘yan kaya habang buhay pa sila, ipakita ninyo na ina-appreciate ninyo lahat ng paghihirap nila,” kuwento ng aktres sa kanyang role at advise sa mga kabataan na sa panahon ngayon ay tila mga pasaway at may sariling diskarte sa  kani-kanilang buhay.

Oberbasyon nga ni Mother Lily na discoverer ni Ibyang together with directors Peque Gallaga and Lore Reyes :" “Mabait talaga siya, I can feel it. Kapag pumupunta ako sa bahay nila, she will serve us food, ang dami-dami at masarap,” kuwento ni ng Regal Films matriarch.

Malakasama ni Sylvia sa pelikula nbukod kay Sofia sina Jameson Blake, Arlene Mulach at Allan Paule sa direksyon ni Connie Macatuno.

Si Sylvia ay napapanood every afternoon sa Kapamilya Gold sa pinaguusapang serye (kasama niya ang anak na si Arjo Atayde) na Hanggang Saan where she plays another "Nanay" role.

On his viral "birdie" video on IG Live: " It was a mistake" -Diego Loyzaga


Diego Loyzaga with Sofia Andres
Big Mac kumbaga sa burger. Footlong and jumbo kung ikukumpara sa hotdog sandwich and super biggie soda kung softdrinks.

Ang tinutukoy ko ay ang reaksyon ng mga nakasipat ng “birdie” ni Diego Loyzaga na naip-post niya sa kanyang IG Live by accident last January 4.

Ito ang hot topic during the grand presscon ng pelikulang Mama’s Girl ng Regal Entertainment na pinagbibidahan nina Sylvia Sanchez at Sofia Andres kung saan ang binata ang love interest naman ng dalaga sa pelikulang tatagos sa mga puso natin sa darating na January 17.

"It was a mistake."- Diego
Very open si Diego na siya ‘yun. Hindi siya nag-deny.

“It was a mistake,” kuwento niya sa grupo ng mga reporters na nakapalibot sa kanya during the event last Saturday.

Dapat daw ay ise-save niya yong video na ‘yun for his personal consumption pero namali siya ng pindot ng key sa kanyang mobile phone na naging reason para sa mga addict sa social media na babad sa IG, Twitter at FB ay makita at makauna bago niya ito nadelete.

Diego in a scene with Sofia in Mama's Girl from Regal Entertainment
Kuwento niya: ”Kung panonorin niyo po ‘yung mga stories ko on my whole trip, I have it saved there, on the highlights ng buong Europe trip. It shows kung paano nangyari yun,” sabi ng binata.
Pagkukuwento pa ni Diego tungkol sa ”aksidente”: I don’t know why naging problema o issue ‘to, kasi tinanggal ko siya kaagad. Pero talagang accident lang na na-post ko. Na-save ko siya and I didn’t know na nilagay ko siya sa My Story, na hindi naman talaga dapat na-post.”

Ang naturang video na nasipat ang “birdie” ng binata ay sa recent vacation niya sa Amsterdam kung saan he ran naked sa gitna ng snow na para katuwaan lang.

Sa pelikula kung saan he plays the role of Nico, bukod kay Sylvia at Sofia, ay makakasama din niya sina Jameson Blake, Arlene Muchlach, Allan Paule, Alora Sasam, Yana Asistio. Heaven Peralejo at Karen Reyes.

Wish 107. 5 goes Hollywood

Kriss Lawrence for Wish 107.5
Super like ko ang plans ng UNTV’s Wish 107.5 FM on You Tube for the new year 2018.

Kung pinag-uusapan ang kanilang konsepto na ang singer or artist ay nagpe-perform sa loob ng bus with the likes of Martin Nievera, Kris Lawrence, Lani Misalucha at kung sino-sino pa,  this time, mas bongga ang pakulo ng music station onnYou Tube with Wish 107.5 Music Awards for 2018 happening on January 15 at the Smart Araneta  Coliseum.

Noong una, naging curious ang mga nakakakita ng Wish 107.5 bus na kung saan-saan within Metro Manila naka-park sa gilid ng kalye sakay ang isang celebrity singer na kumakanta at ini-interview para sa You Tube music channel nila.

The event to be held at the big dome will be Wish 107.5 3rd year kung saan they started giving awards in 2016.

For 2018 Wish Music Awards, aside from the different major categories this year, they will be including Best WishClusive Performance, Wish Original Song of the Year and Wish Artist of the Year.

Wish will choose the winners through the scores given by the judges (85%) and online voting (15%). For online votes fans can check-out Wish Music Awards website: www.wish107.5.com/wish awards using your Facebook and Twitter accounts.

Online voting ends on January 15 at exactly 12noon so your votes can be  counted.

For 2018, may magandang balita dahil the Wish bus will go international.
Yes, Wish  107.5 will invade Hollywood lang naman at habang sinusulat namin ang item na nito ay malapit na matapos ang sasakyan na gagamitin ng mga artist sa US.

JADINE, mayroong revelation sa Revolution concert


James Reid and Nadin Lustre are lovers for real
Alam nyo ba kung bakit gusto ko ang tambalan nina James Reid at Nadine Lustre? Straight forward sila. Walang paligoy-ligoy. Hindi tulad ng ibang mga love teams na ang galing magpasakay sa mga fans nila.

Madali makausap sa interbyu ang dalawa na di tulad ng ilang mga loveteams ngayon na inuungoy ka pero kamuka’t mukat mo na hindi na virginal ang mga beauties at nakalabing-labing na ang kapareha nila.

Si Nadine. Matured ang pagiisip na tulad sa isyu nila last year (2017) tungkol sa sagot niya sa tanong kung nagli-live in na sila ng boyfie na si James na hindi man diretsahan niya kinumpirma, reading between the lines ay “Yes!” ang tugon ng dalaga.

Si James naman, laking ibang bansa kaya living-in with his partner and having sex is not an issue.
Almost two years na pala magkarelasyon sina James at Nadine come February 11 na both ay ipinagmamalaki nila ang kanilang real loveteam at pagmamahalan.

Kaya sa darating na February 9, sort of a celebration nina JADINE ang concert nila na REVOLUTION na gagawin sa Smart Araneta Coliseum. Pangatlong concert na ito ng tambalaan.
Bongga ang line-up of guests sa show ng dalawa with Sarah Geronimo na co-star ni Jmes sa bago niyang pelikula from Viva Films, ang real loveteams na sina Sam Concepcion at Keana Valenciano; Bret Jackson at ang unkabogable box-office superstar na si Vice Ganda.

 Sa concert nina JADINE ay excited ako sa bagong revelation ng dalawa tungkol sa kanilangn relasyon. Ït’s a surprise. You must be there, ”sabi ni James na dapat abangan.

Revolution (The Jadine Concert) is directed by Paul Basinillo. Dance Director is Teacher Georcelle and produced by Viva Live. Tickets available at Ticketnet at 911-55555 or Viva Live at 687-7336.