Sylvia Sanchez is Mama Mina in Mama's Girl showing on January 17 |
Ang kaibigang Gina Marissa Tagasa ang sumulat ng script na para kay Ibyang (tawag namin sa aktres) na petfect na perfect ang istorya at role niya sa pelikula as Mama Mina na nanay ni Abby played by Sofia Andres.
Kuwento ni Sylvia about her film: “Relasyon ng mag-nanay na sobrang pagmamahal ang ibinibigay na hindi masyadong pinapansin ng anak. Si Abby na isang millennial so iba ang paniniwala.
“Pero sa huli malalaman niya ang lahat ng sakripisyo ng ina na hindi niya pinapansin. Sa bandang huli saka na lang maiintindihan lahat ni Abby ang sakripisyo ng nanay niya. Kaya sa mga anak, mahalin ninyo ang magulang ninyo dahil nag-iisa lang ‘yan kaya habang buhay pa sila, ipakita ninyo na ina-appreciate ninyo lahat ng paghihirap nila,” kuwento ng aktres sa kanyang role at advise sa mga kabataan na sa panahon ngayon ay tila mga pasaway at may sariling diskarte sa kani-kanilang buhay.
Oberbasyon nga ni Mother Lily na discoverer ni Ibyang together with directors Peque Gallaga and Lore Reyes :" “Mabait talaga siya, I can feel it. Kapag pumupunta ako sa bahay nila, she will serve us food, ang dami-dami at masarap,” kuwento ni ng Regal Films matriarch.
Malakasama ni Sylvia sa pelikula nbukod kay Sofia sina Jameson Blake, Arlene Mulach at Allan Paule sa direksyon ni Connie Macatuno.
Si Sylvia ay napapanood every afternoon sa Kapamilya Gold sa pinaguusapang serye (kasama niya ang anak na si Arjo Atayde) na Hanggang Saan where she plays another "Nanay" role.
No comments:
Post a Comment