Judy Ann Santos is Mrs. Lianne in Ang Dalawang Mrs.Reyes |
Ang lakas ng tawanan during the presscon of Judy Ann Santos and Angelica Panganiban’s new film dubbed “Ang Dalawang Mrs. Reyes” na dinirek ni Jun Robles Lana.
Juday with co-star Angelica Panganiban |
During the
presscon, may nagtanong kay Juday kung ano ang gagawin niya kung
madiskubre niya na beki (bakla) pala ang mister na si Ryan Agoncillo.
“Parang
matitigalgal muna ako ng mga 3 days bago ako magsimulang maghalungkat ng
mga ebidensya,” reply ni Judy na sinundan ng tawa ng ang mga press na
nakarining na nagtawanan.
Paliwanag ng
aktres na matagal din nabakate sa mga pelikulang tulad nito (dati kasi
puro mabibigat na temang indie movies ang ginagawa niya tulad ng Cine
Malaya’s Kusina), this time, ibang timpla ng komedya ang pelikula niya
na palbas na sa darating na Wednesday, January 17.
Sagot ni Juday:
“Kasi sa reyalidad, parang totoo ba ito? Tatanungin mo ang sarili mo na
totoo ba ito o nasa teleserye ba ako? Panaginip lang ba ito?
“Kung sa totoong
buhay siyang mangyayari, ipa-punchline mo rin naman talaga ang sarili
mo kasi there’s really no way out dun sa situwasyon mo bago ka makawala,
masasaktan ka muna,” sabi niya.
Pero paga-assure
ng aktres tungkol sa sexuality ng mister niya na walang isyung
kabaklaan si Ryan.: “ Walang-wala. Thank God, " sabi niya.
Ang gay themed
film ay tumatalakay tungkol sa infidelity ng mga mister ng dalawang
misis sa kani-kanilang mga relasyon ay may mga eksena na kinunan sa
Taiwan during the celebration ng LGBT Pride March.
Ang Dalawang Mrs.Reyes is produced by Star Cinema, Idea First Company and Quantum Films
No comments:
Post a Comment