Thursday, February 22, 2018

Ria Atayde isang 'Disgrasyada' in Ipaglaban Mo


Ria Atayde plays lead in Ipaglaban Mo's ' Disgrasyada' episode this Saturday

Maganda si Ria Atayde. Unang tingin pa lang, natural na agad ang nakikita mong kagandahan sa feature niyang mistisahin.

Siya ang artistang anak ng aktes na si Sylvia Sanchez at younger sister ng aktor na si Arjo Atayde,
Iba si Ria pag nakita mo siya sa personal. Hindi mo iisipin na Pinay siya. Aakalain mo na modelo siya na nag-land sa isang beauty or fashion magazine sa ibang bansa ang kaharap mo.

Ria at a recent vacation in Hawaii
Pero si Ria, Pinoy na Pinoy. 100% Pinay. Yun nga lang, marunong man siya managalog, aminado ito na nabubulol siya kung minsan pagdating sa mahahabang dialogues sa mga eksena niya sa mga teleserye at drama anthology na nilalabasan niya.

Pero as she goes along ay nasanay na rin siya at nagiging matalas na rin ang pagsasalita niya ng Filipino. Aside from English na bihasa siya, she talks fluent Spanish na siguradong impluwensya ng Papito at Mamita niya na grandparents niya from her dad’s side.

Bilang isa sa mga baguhan sa liga ng mga Star Magic actresses, masasabing for the past three years ay malayo-layo na rin ang nararating niya.

“I believe in patience. If not, I will not be in showbiz,” sabi during an exclusive blogcon for her last Wednesday evening to promote her exposure in the legal drama  Ïpaglaban Mo  na mapapanood na bukas, Saturday at 3:00pm right after It’s Showtime.

“I play a disgrasyada which is the title of the episode which was directed by Direk FM Reyes,” kuwento niya.

Si Direk FM ay nasa bucket list ni Ria na happy siya dahil with her Ipaglaban Mo episode this Saturday, naranasan niya na mapasailalim sa galing ng direktor. Sa two days taping experience niya with Direk FM, she plays the lead role as Gladys Laurena with Enzo Pineda, Cora Wadell and Julio Diaz in the cast.

When asked about her favorite movies: ”May Minamahal and Schindler’s List,” sabi ng dalaga na mas gusto mag-concentrate kanyang career kaysa mag-concentrate sa kanyang lovelife.

Paolo Ballesteros ayaw magpaka-Mark Bautista

 

Hindi isyu kay Paoblo Ballesteros ang kanyang pagiging beki or bading na isa sa mga traits na gusto ko sa kanya. Beking-beki kapag sinasagot niya ang tungkol sa buhay bading niya na kadalasan ay hinahaluan niya ng kakatawanaan.

Very komedyante si Pao na keri niya lusutan ang ang tanong na medyo delicate tungkol sa “personal” life niya, lalo na ang tungkol sa past love niya na for the first time ay openly ibinahagi niya sa mga supporters niya ang kanyang lovelife na ngayon ay natapos na.
Paolo with Yam Concepcion for Amnesia Love
At a recent event for his latest movie “Amnesia Love” na showing this coming  Wednesday, February 28, na pinagbibidahan niya together with Yam Concepcion ay natawa siya nang uriratin ng media ang tungkol sa ka-partner niya na akala nga ng marami ay magkakaroon ng happy ending lalo pa’t for the first time ay nag-out siya to share his lovelife with a male partner. Pero ayaw na niya pagusapan. Parang may bubug pa na naiwanan sa nakaraang pakikipagrelasyon niya.

When asked kung gagayahin din niya ang singer-actor na si Mark Bautista na magsulat ng kanyang autobiography na "tell-all"?

Sabi ni Pao: “Actually, ang gusto kong gawin before pa is yung compilation ng mga makeup transformations ko. Kaya lang, wala pa akong makitang time. Gusto ko, ako lahat ang gagawa, ako ang magpi-picture, uulit ka sa lahat."

Kung sakali, gusto ni Paolo na siya ang gagawa ng pagme-make-up sa sarili at pati pagpi-pictorial. " I need more time if ever .Medyo busy kaya naurong,” kuwento niya.

Paniwala ni Paolo, no need for him para magkaroon ng confession pa about him as a gay man. “Kailangan pa ba na i-reveal?” tanong niya.

Dagdag pa ng aktor: “Ako kasi, lalo kaming mga Dabarkads, araw-araw n’yo kami napapanood sa TV na most of the time, yung araw namin, nasa TV lang. Kumbaga, kung ano ang nakikita nyo, yun na yon.”pahayag ng aktor.

Marion Aunor sings Viva Films' Pambansang Third Wheel OST

Marion Aunor sings 'Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko' for Ang Paambansang Third Wheel
Noong 2016 pa pala natapos ang contract ni Marion Aunor saStar Magic. And only last year (2017)  ay nagpaalam na ang singer-composer sa kanyang management company para bigyan niya ang sarili ng chance to explore wider ang talent niya in composing songs and also as a singe-performer.

Recently  Marion signed a 5 years management contract under Viva Artists Agency( VAA) na talent management arm ng Viva Films and Viva Entertainment last February 13.

But before she signed wioth VAA ay nakagawa pa si Marion ng first music CD album ni Leila Alcasid (anak ni Ogie A.), na kamakailan lang ay nai-release ng Star Music. Bukod sa pagiging record producer ng naturang album ay may ilang mga compositions din si Marion na kabilang sa para music CD ng bagitong singer.

Sa paglipt ng singer-composer sa kampo ng Viva, may assignment na kaagad sa kanyang ang VAA with Viva Films new film "Ang Pambansang Third Wheel "starring Sam Milby and Yassi Pressman  singing the theme song of the film"Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko"na siya din ang nag-compose.

Sa paglisan ni Marion from Star Music, nakapending pa rin ang release ng music cd ni  Sharon Cunenta kung saan may special song siya na ginawa para kay Mega.

Under VAA, Marion will still compose songs sa mga artists ng Viva like Sarah Geronimo and will still continue her career as a singer and as a record producer.

One happy family with mom Maribel "Lala" Aunor and sister Ashley
As of this writing,  zero pa rin ang lovelife ng dalaga. Ï'm okey. I'm busy with my passion kaya. I', happy with my career. My lovelife is my love with mom mand my sister,: sabi niya.

Come February 27, Marion will be performing together with Clique V at the Music Museum to be directed by Joven Tan.



Wednesday, February 14, 2018

On Janella Salvador: "She's my one and only"- Elmo Magalona




Ang sipag-sipag nina Elmo Magalona at Janella Salvador sa promo ng pelikula nilang My Fairy Tail Love Story na showing na simula yesterday, Valentine's Day.

Yesterday, ang aga-aga ay rumatsada na ang ElNella sa kanilang Valentine’s Day scheduled.

Yes, it’s a working Araw ng mga Puso para sa magka-love team na ewan ko lang kung nmay nspecial "something" si Elmo kay Janella after ng promo rounds nila.


 Yesterday morning ay guest ang dalawa sa Umagang Kay Ganda (UKG) na naka-ere sa Kapamilya Network from 5:00 to 8:00AM. 

Bilib ako sa dalawa na kesehodang maaga ang call time nila sa morning show ay maaga sila nagising para mag-promote.
   
At last Monday’s preem ng pelikula nila, naitanong namin kay Elmo kung may regalo na siya para sa kanyang lady love ba si Janella.


Hindi ini-reveal ng binata kung ano angn regalo nya sa dalaga na nakatakda na ibibigay niya yesterday.  “It’s something na para lang sa kanya,”pahayag ni Elmo.

Sa interbyu ng ElNella sa Tonight with Boy Abunda the other night ay ipinahayag ng binata na si Janella :" She's my one and only," na ikinilig sigurado ng mga ElNella fans worldwide.