Ria Atayde plays lead in Ipaglaban Mo's ' Disgrasyada' episode this Saturday |
Maganda si Ria Atayde. Unang tingin pa lang, natural na agad ang nakikita mong kagandahan sa feature niyang mistisahin.
Siya ang artistang anak ng aktes na si Sylvia Sanchez at younger sister ng aktor na si Arjo Atayde,
Iba si Ria pag
nakita mo siya sa personal. Hindi mo iisipin na Pinay siya. Aakalain mo
na modelo siya na nag-land sa isang beauty or fashion magazine sa ibang
bansa ang kaharap mo.
Ria at a recent vacation in Hawaii |
Pero si Ria,
Pinoy na Pinoy. 100% Pinay. Yun nga lang, marunong man siya managalog,
aminado ito na nabubulol siya kung minsan pagdating sa mahahabang
dialogues sa mga eksena niya sa mga teleserye at drama anthology na
nilalabasan niya.
Pero as she goes along ay nasanay na rin siya at nagiging matalas na rin ang pagsasalita niya ng Filipino. Aside from
English na bihasa siya, she talks fluent Spanish na siguradong
impluwensya ng Papito at Mamita niya na grandparents niya from her dad’s
side.
Bilang isa sa
mga baguhan sa liga ng mga Star Magic actresses, masasabing for the past
three years ay malayo-layo na rin ang nararating niya.
“I believe in
patience. If not, I will not be in showbiz,” sabi during an exclusive
blogcon for her last Wednesday evening to promote her exposure in the
legal drama Ïpaglaban Mo na mapapanood na bukas, Saturday at 3:00pm right after
It’s Showtime.
“I play a disgrasyada which is the title of the episode which was directed by Direk FM Reyes,” kuwento niya.
Si Direk FM ay
nasa bucket list ni Ria na happy siya dahil with her Ipaglaban Mo episode
this Saturday, naranasan niya na mapasailalim sa galing ng direktor. Sa two days
taping experience niya with Direk FM, she plays the lead role as Gladys
Laurena with Enzo Pineda, Cora Wadell and Julio Diaz in the cast.
When asked about
her favorite movies: ”May Minamahal and Schindler’s List,” sabi ng
dalaga na mas gusto mag-concentrate kanyang career kaysa mag-concentrate
sa kanyang lovelife.
No comments:
Post a Comment