Thursday, February 22, 2018

Paolo Ballesteros ayaw magpaka-Mark Bautista

 

Hindi isyu kay Paoblo Ballesteros ang kanyang pagiging beki or bading na isa sa mga traits na gusto ko sa kanya. Beking-beki kapag sinasagot niya ang tungkol sa buhay bading niya na kadalasan ay hinahaluan niya ng kakatawanaan.

Very komedyante si Pao na keri niya lusutan ang ang tanong na medyo delicate tungkol sa “personal” life niya, lalo na ang tungkol sa past love niya na for the first time ay openly ibinahagi niya sa mga supporters niya ang kanyang lovelife na ngayon ay natapos na.
Paolo with Yam Concepcion for Amnesia Love
At a recent event for his latest movie “Amnesia Love” na showing this coming  Wednesday, February 28, na pinagbibidahan niya together with Yam Concepcion ay natawa siya nang uriratin ng media ang tungkol sa ka-partner niya na akala nga ng marami ay magkakaroon ng happy ending lalo pa’t for the first time ay nag-out siya to share his lovelife with a male partner. Pero ayaw na niya pagusapan. Parang may bubug pa na naiwanan sa nakaraang pakikipagrelasyon niya.

When asked kung gagayahin din niya ang singer-actor na si Mark Bautista na magsulat ng kanyang autobiography na "tell-all"?

Sabi ni Pao: “Actually, ang gusto kong gawin before pa is yung compilation ng mga makeup transformations ko. Kaya lang, wala pa akong makitang time. Gusto ko, ako lahat ang gagawa, ako ang magpi-picture, uulit ka sa lahat."

Kung sakali, gusto ni Paolo na siya ang gagawa ng pagme-make-up sa sarili at pati pagpi-pictorial. " I need more time if ever .Medyo busy kaya naurong,” kuwento niya.

Paniwala ni Paolo, no need for him para magkaroon ng confession pa about him as a gay man. “Kailangan pa ba na i-reveal?” tanong niya.

Dagdag pa ng aktor: “Ako kasi, lalo kaming mga Dabarkads, araw-araw n’yo kami napapanood sa TV na most of the time, yung araw namin, nasa TV lang. Kumbaga, kung ano ang nakikita nyo, yun na yon.”pahayag ng aktor.

No comments:

Post a Comment