Wednesday, October 25, 2017

Vice Ganda, ikaw na!



One down ika nga. Mayroon pa isa na aabangan ng publiko.
Nairaos ni Vice Ganda ang pabolosong launch last Sunday, October 22 ng kanyang bagong ”baby” –  ang kanyang Vice Ganda Cosmetics na nagkaroon ng paandar sa Smart Araneta Coliseum.
In fairness, even on a Sunday, ang mga fans at supporters ng “unkaboggable” box-office superstar ay lumabas, dumayo at niragasa ang weekend traffic para saksihan ang launch cum concert ni Vice.
Uma-aura si VG
Sa launch ay ipinakilala ang iba’t ibang products ng kanyang Vice Ganda Cosmetics na sa kasalukuyan ay una muna inilabas ang walong iba’t ibang mga shades ng Vice Ganda lipstick.
Sa katunayan, noong araw na in-announce na pwede na umorder ng naturang produkto online, nag-down ang site dahil ayon sa isang fashion blogger, first time nangyari yun na halos sabay-sabay ang mga umorder online na hindi na ma-keri ang bigat ng online traffic ng Vice Ganda Cosmetics just to avail that lipstick.
Sa Araneta launch, bongga ang pandar ni Vice para sa kasiyahan ng mga supporters niya dahil madami sa mga showbiz personalities friends ni VG ang present at the event namely: Maymay Entrata, Kisses Delavin, Karla Estrada, Frenchie Dy at Bituin Escalante.
 
Vice with his guests
As expected y very adult ang klse ng entertainment ng unkaboggable mbox-office superstar. Sabi nga niya sa crowd: " Yan naman ang gusto niyo, kabastusan. Pero, ‘pag ako ang napahamak, wala akong kasama, mag-isa lang ako".

 Sa concert-launch ay may hugot si VG para sa lahat: " “Don’t be a prison of society’s standards. Free urself. Define urself. Believe that you are beautiful. And don’t let other people’s bullshit tell you otherwise. @vicecosmeticsph!”

Sa almost end of the show ay bigla sumingit sina Edward Barber, Karylle, Kyla at KZ Tandingan.
Ngayon na nai-launch na ang Vice Ganda lipstick, isa na lang ang iluluwal ni VG. Ang kanyang MMFF 2017 entry na “The Revenger Squad” with Daniel Padilla at Pia Wurtzbach mula sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal para sa Star Cinema.

Happy "Love Anniversary" to Liza Soberano and Enrique Gil

Lizquen celebrating their "Love Anniversary"?

Nagkagulo ng mga LizQuen Fans nang makita nila sa Instagram account ni Liza Soberano na nagpost ito ng picture ng “love” niya na si Enrique Gil.
Last night (Oct. 24) yun sa sosyaling Antonio’s sa Tagaytay kung saan dun nage-emote ang ilang mga showbiz celebrities natin na nagse-celebrate ng kanilang monthsary or anniversary ng kanilang pagmamahalan.

Liza, ang gandang pakakasalan ni Enrique
Nang ma-post ang dalaga, pakiwari ng mga LizQuen fans that both stars are celebrating the anniversary of their love. Anniversary of being as one kaya? October 24 ba ang anniversary nila na until now ay hindi pa rin inaamin ng dalawa.

 Sa mga IG photo posting ni Liza, walang text or caption na kasama kundi isang rose icon lang na madami ang mga natuwa na umabot ng 248,010 likes (as of today) at kabilang ang mga celebrity friends ng dalawa tulad nina Zanjoe Marudo, Bea Binene, Karylle, Anne Curtis, Jane Oineza at marami pang iba na masaya sa paramdam na ito ng dalaga.
Sa IG naman ng binata, he posted a picture nila nila ni Liza  na tila they’re waiting for their dinner na umabot ng 148,929 likes at kabilang din ang mga celebrities na nag-like sa picture ng dalawa ay sina Dingdong Dantes, Matteo Guidicelli, Yassi Pressman, Angeline Quinto, Fourth Solomon, Jed Madela, Rodjun Cruz, Michelle Vito, etc.
As of this writing, hindi pa nasusundan ang naturang IG posting nina LizQuen pertaining to “something romantic”.
May sorpresa sina Liza at Quen very soon
 Sa mga fans ang supporters ng dalawa, abangan na lang ang bagong TV serye nila na “Bagani”.
Balita namin ay next year pa ang panimula ng shooting ng dalaga for Darna.

Tuesday, October 24, 2017

ON HIS OWN: Ken Chan minus his Tatay German Moreno

 
Ken Chan

 Hindi pa rin pala nakaka-move on si Ken Chan sa death ng kanyang “Tatay”na si German Moreno na namatay last January 2016. 

Si Kuya Germs kasi ang nagbigay ng biggest break kay Ken nang mag-showbiz siya via the midnight show na “Walang Tulugan”, kung saan frontliner ang binata sa sandamakmak na mga newbies sa showbiz na gustong sumikat at magkapangalan. 

Kung hindi pa nag-trim down at nagbawas ng members ng “Walang Tulugan” talent show ang Master Showman, ewan ko na lang kung magkakasya sila sa maliit na entablado kapag nagsabay-sabay sila na dumadalo sa show na past midnight ng Saturday. 

Sa nakaraang birthday ni Kuya Germs last October 4, ay  84 years old na siya kung hindi ito pumanaw. 

I remember Kuya Germs na tuwing kaarawan niya ay magpapa-birthday party siya sa mga entertainment press.

Ken with Barbie Forteza
Si Kuya Germs ang nagpapasimula taon-taon na nagpapasimula sa showbiz na mumudmod ng regalo sa mga entertainment writers bilang pamasko. Kumbaga, siya ang Buena Mano. 

Since pumanaw na ito, tuwing kaarawan niya, imbis i-celebrate ni Ken ang birthday ng isa sa mga “Tatay” niya sa showbiz ay ipinagdarasal na lang niya ito. 

Kuwento niya during the grand launch ng movie nila ni Barbie Forteza na ”This Time I’ll Be Sweeter” ay malungkot pa rin ang binata. “Until now, kahit ako, malungkot pa din. Yung tipong gusto ko man siyang bisitahin sa puntod niya, hindi ko kaya. 

“Hindi ko magawa, kasi parang ayoko siyang makita na nandoon. Hindi pa rin po ako makapaniwala,” kuwento ni Ken. 

Kung hindi dahil kay Kuya Germs, wala sanang Ken Chan ang showbiz na sa pagpupursige ng isang German Moreno ay baka hindi mararating ang estado niya ngayon. 

 Pagbabalik-alaala ni Ken sa Showbiz Tatay niya: “Noong nabubuhay pa si Kuya Germs, isang buwan ang itinatakbo ng selebrasyon sa dating show nitong Walang Tulugan With The Mastershowman sa GMA-7,” pagse-share ng binata.

KenBie with Mother Lily
Sa katunayan, ang mahaba-haba na rin ang in inilakbay ni Ken sa showbiz. Sa telebisyon ay naging successful ang loveteam nila ni Barbie. Para sa first movie team-up ng dalawa para sa "This Time I'll Be Sweeter" na pelikula under Direk Joel Lamangan, dahan-dahan ay itinatawid niya ang pangarap niya sa showbiz.

Sa November 8 na ang showing ng pelikula na siksik sa kilig kung saan bukod kay Ken  at Barbie ay makakasama din  nila si Kim Rodriguez, Akihiro Blanco, Yayo Aguila at Ara Mina.

Monday, October 23, 2017

TAKOT SA "THE GHOST BRIDE": Kim Chiu, kinakabahan sa sariling pelikula

 
Kim Chiu in Kathmandu, Nepal

Pina-practice pa rin pala ng pamilya ni Kim Chiu ang nakaugalian ng lola niya na isang Chinese.
Mayrooon din pala silang Chinese altar kung saan andun nakalagay ang mga litrato ng mga deceased relatives nila with matching incense burning at pag-alay ng pagkain na sa ating mga Pinoy, ang tawag natin ay “atang”. 

Sa bahay nila sa Cebu, pina-pratice pa rin ng pamilya ng dalaga ang nakamulatan niya noon. “Pero dito sa bahay ko sa Manila hindi na. Kung hindi namin ipa-practice magagalit ang Lola ko,” kuwento ni Kim sa grand media launch ng pelikulang “The Ghost Bride” ni Direk Chito Rono na tungkol sa sikreto ng mga Chinese beliefs and customs na ang isang buhay na tao ay ipinapakasal sa isang patay.

Kim with Matteo Guidicelli
Kilala ang Chinese sa practice ng kasalang ina-arrange. Yong iba nga, hindi pa ipinapanganak ay may asawa na at pinagkasunduan ng dalawang pamilya kahit nasa sinapupunan pa ang mga bata.
Sa katunayan ay inamiin ni Kim na may distant relative siya na isang “Ghost Bride”. Kamag-anak ng lola ni Kim ang ikinasal sa isang patay. 

Ang balita nga namin ay ipinahahanap nga daw ito ng Star Cinema para maging part ang information nila as a “Ghost Bride” para makakadagdag sa kaalaman ng sikretong ito ng mga Chinese na first time magiging bunyag sa publiko.
Sa kuwento ni Kim, pinsan ng Lola niya ang Ghost Bride na mayaman at madaming naiwanan na kayamanan at negosyo sa mga kamag-anak niya na pinamanahan ang mga kapatid at apo na nagma-manage ngayon ng kung anu-anong mga negosyo.
  
Paliwanag ng dalaga tungkol sa pagiging isang Ghost Bride na karakter niya sa bago niyang pelikula under the direction of Chito Rono: “Once na pinasok mo ang pagiging ghost bride, parang idini-dedicate mo na ang sarili mo sa pamilya ng patay. So, every Monday and Friday, every weekend dadasalan mo ‘yong patay tapos everyday ay pupuntahan mo ‘yung nitso niya, insensohan mo. Tapos lahat ng family event, kailangang puntahan mo.Parang asawa mo siya talaga,” kuwento ni Kim who plays the role of Mayen sa kuwento na isinulat ni Charlson Ong at Cathy Camarillo.

Kim with Alice Dixson in one of the mall promo tours

Sa katunayan, excited at kabado si Kim sa magiging resulta ng pelikula niya na ipapalabas mismo sa araw ng Undas (November 1). “Natatakot ako dahil malaki ang expectations ng public lalo pa it’s my first solo movie. Magkahalong kaba at excitement. Hindi ko po ma-explain yong feelings ko,” kuwento ng dalaga. 

Partly ay nag-shooting si Kim sa Kathmandu, Nepal kasama si Christian Bables. Kasama sa bagong suspense-horror movie sina Matteo Guidicelli, Christian Bables, Alice Dixson, Beverly Salviejo, Mon Confiado, Kakai Bautista, Isay Alvarez, Nanding Josef at si Jerome Ponce.

MEANT TO BE ANG PAGTATAGPO: Ken Chan at Barbie Forteza ayaw paghiwalayin

Ken Chan and Barbie Forteza
Nagkagulatan ang nangyaring tagpuan last Friday, October 20 nina Ken Chan at Barbie Forteza na was really “meant to be” tulad ng last serye nila sa GMA Kapuso Network. 

Nasorpresa ang dalawa sa pagkikita nila sa departure area sa NAIA before their respective flights kung saan si Barbie was on her way to Bacolod City para sa Masskara 207 Festival para sa promotion ng pelikula nila ni Ken na “This Time I’ll Be Sweeter” sa direksyon ni Joel Lamangan , while ang binata ay papunta naman ng Singapore para sa Kapuso Octoberfeast with other GMA Artists like Dave Bornea, ang komedyanteng si Tetay at Glaiza de Castro na nangyari last Sunday ,(October 22 sa Nexus Auditorium. 
Mother Lily and Direk Joel with the cast of This Time I'll Be Sweeter

Nang magtagpo, all smiles ang dalawa sa isa’t isa at nagyakapan. Sayang nga lang at hindi nasamahan ni Ken si Barbie dahil sa previous commitment ng binata ang Singapore event na ito ng home studio niya. 

Originally ay Nov. 1 ang showing ng This Time I’ll Be Sweeter pero moved for a Nov. 8 showing.

Pero nabanggit ni Ken na babawi siya at nangako na hindi na niya iiwanan si Barbie mag-isa sa promotion ng pelikula nilang dalawa. 

Sa sobrang siksik sa kilig movie ni Direk Joel ay makakasama nina KenBie sina Kim Rodriguez, Akihiro Blanco, Hiro Peralta, Yayo Aguila at Ara Mina.
          

Sunday, October 22, 2017

HAPPY SA TULONG NI JULIA BARRETTO: Dennis Padilla, suportado ng anak sa "The Barker"

Direk Dennis Padilla of "The Barker"

Noong  “Father’s Day” ay magka-date ang mag-ama na sina Dennis Padilla at Julia Barretto. Kuwento ni Dennis na biglaan ang dinner date nila ng anak. Libre ang schule ni Julia at si Dennis naman ay available:"Kaya nag-decide kami na ituloyna 'yong dinner namin. Mahirap kasi yong schedule niya (Julia). Noong araw na yun, nagkausap kami kaya sige,nag-meet na kami. Mahirap kasi at masyadong hectic ang shedule ni Julia para matuloy kami." kuwento ng komedyante na ngyon ay susubukan ang bagong " raket" sa showbiz; ang pagdi-direk ng pelikula via Empoy Marquez'  "The Barker" na palabas na simula sa Wednesday, October 25 na produced ng Viva Films Blank Pages Productions.

Julia Barretto

Sa "Father's Day Dinner" ng mag-ama, ipinakilala ng dalaga ang sinasabing "boyfie" niya na si  Joshua Garcia. "Mabait naman siya. Magalang," kuwento ng komedyanteng direktor sa amin.


Nang makaharap niya ang binata ay pinayuhan niya ito. “Sabi ko nga sa kanya, ‘Mabait kang tao. Bago pa kita nakilala, bini-BI [background investigation] na kita. Wala namang pressure, mabait siya,” pabirong kuwento ni Dennis.

Hindi man inaamin ng dalawa na sila na, paniwala ng ama na boyfriend na ni Julia si Joshua, “Alam ninyo na ang ginagawa ninyo. Nasa tamang edad na rin naman sila at i-balance na lang ninyo yung relationship at yung career.”
Naghihinayang nga lang si Dennis at hindi niya na invite ang anak na mag-guest sa pelikula niya dahil wala siya maisip na tamang role para sa guesting sa "The Barker".


Pero happy si Dennis dahil si Julia, tinutulungan siya mag-promote sa social media ng pelikula niya. "Nakikita ko kasi na pino-post niya. Ang dami niyang fans sa Instagram. Ssbi ko sa kanya ' Nak ikaw na bahala sa Intagram-instagram na yan. Hindi kasi ako marunong sa ganyan," pagmamalaki pa ng ama kay Julia.
Direk Dennis giving instruction to Empoy in "The Barker"

Sa The Barker, ay may bagong leading lady si Empoy sa katauhan ni Shy Carlos. Special guest din sa action-comedy movie si Sylvia Sanchez.

DAHIL HINDI HAMBOG AT MAPAGKUMBABA: Empoy Marquez, pinagpapala

Empoy Marquez
Mainit ang isyu tungkol sa walang modo na nagta-trying hard magpasikat na pangit na nagpa-retoke ng mukha pero nakalimutan isama na baguhin ang kalooban niya at mapagkumbaba, ibang-iba pa rin nang makaharap namin ang komedyanteng si Empoy Marquez sa grand presscon ng pelikula niyang “The Barker” na first directorial job ng komedyante rin na si Dennis Padilla.
Nang tanunging si Empoy kung siya din ba ay may balak magpa-cosmetic surgery para mas maging “pogi”; tahasang sinabi ng box-office comedian ng “Kita Kita”  na: “Hindi. Kung ano ang bigay ni Lord, nagpapasalamat ako,” simpleng sagot niya.
Empoy with Shy Carlos
Yes, love his answer. Mapagkumbaba sa kabila ng inaning tagumpay niya via the hugot film na sinuportahan ng mga millennials na naglukluk sa kanya sa estado kung ano at sino man siya ngayon.
Andun ang humility ni Empoy na sinasahugan niya ng biro ang mga sagot niya.
Pagbibiro nga nya tungkol sa sinasabing siya ang “Bagong Pogi” ng makabagong panahon: “Bagong ligo lang!” at natatawa pa siya sa nabanggit.
Sa totoo lang ay happy kami sa tinatamong tagumpay niya na suwerte naman at sunod-sunod ang mga projects niya.
Sa katunayan, after ng mala-Johnny English movie niya na “The Barker” with Shy Carlos na showing na sa darating na Wednesday, October 25, ang balita namin ay hindi na daw ito pwede tumanggap ng ibang projects outside of Star Cinema at ABS-CBN.
Yes, dahil sa pagiging mapagkumbaba, hindi inaasahan ni Empoy na isa na siya ABS-CBN and Star Cinema talent sa hanay nina Piolo Pascual, Daniel Padilla, Enrique Gil at mga aktor na kasing lakas din ng sex appeal tulad niya.

On the way to work with Piolo Pascual
Sa kanyang Instagram account na @empoy, nagpost ang komedyante ng picture nila ni Papa P with a caption: “Good morning back to work w/ Kuya PJ.”
Masuwerte ka Empoy.  Hindi ka kasi mayabang. Mabuhay ka.

Thursday, October 12, 2017

Miss World PH 2017 winners, new Regal Babies na



Miss World 2017 PH winners
Hindi lang  pang showbiz ngayon ang Regal Film nina Mother Lily Monteverde at ni Roselle Monteverde dahil ngayon, pang-Beauty Queens na rin ang kuwadra ng kanilng film outfit na last Tuesday pumirma ng kanilang mga movie contracts ang Miss World PH 2017 winners sa pangunguna ng talent manager and Philippine franchise owner ng Miss World PH na si Arnold Vegafria.

Yes, happy sina Miss World-Philippines Laura Victoria Lehmann na dating UAPP courtside reporter and graduating student in psychology at Ateneo de Manila University who took a leave of absence from school after winning the crown. “ I will be busy during my reign,” she told us.

Syempre, isa mga bagong legitimate Regal “baby”ay ang dalaga nina Alma Moreno at Tsong Joey Marquez na si Teresita Ssen Marquez na mas kilala ng publiko as Wynwyn Marquez who won the title Miss Hispanoamericana Filipinas na naghahanda sa international competition na gagawin sa Bolivia in South America. Sa pagkakataong gagawa siyang ng pelikula sa Regal, she want her boyfriend Mark Herrras ang kanyang makapareha.
 
Mother Lily with her new "Regal Babies"with talent manager Arnold Vegafria
Isa si Sophia Senroran who is now a Regal Millennial Baby who won the title Miss Multinational Philippines was crowned dating Miss Bohol and Miss San Beda; while Glyssa Leiann Perez who won as First Princess during the Miss World PH completion grew up in Sydney, Australia at nanalo as Miss Philippines Australia but represented her mom’s hometown’ Bohol sa Miss World Philippines.

“If given a chance in showbiz to do a film, I want Jericho Rosales to be part of my first acting job,” kuwento ni Glyssa sa amin with matching kilig sa aktor.

Zhaniethia Jimenez who was crowned as Second Princess also signed her contract with Regal. 

Excited ang mga Miss World PH winners sa pagpasok nila sa showbiz na sisimulan naman ng Regal Films ang paghahanda ng kani-kanilang mga film projects.
           

Alessandra de Rossi, scriptwriter na sa pelikulang "12"

Alessandra de Rossi with Ivan Padilla in "12"
Madaming mga artista natin sa kasalukuyan ang dahan-dahan nagsi-shift into a different career.

 Si Bella Padilla, isa na ngayon scriptwriter da pelikula. Si Xian Lim, nagdi-direct nan ng sailing music video at nag-aaral ng scriptwriting under Ricky Lee gayon din si Milles Ocampo na atnthye moment ay tinatapos ang kanyang nCreative Writing course sa UP Diliman. 

Ang latest addition sa mga showbiz celebrities natin na sinubukan ang magiba ng “raket”aside from acting ay ang ward winning nna si Alessandra Di Rossi na ang iskript ng pelikulang 12 ay siya ang sumulat.


 Kuwentong romance-drama ang 12 na first attempt ni Alex (palayaw ng aktres) na subukan sumulat for the movies sa tulong ng kaibigan niya at direktor na pelikula na si Dondon Santos. 

Kuweto nina Anton at Erika ang 12 na ayon sa leading man ni Alex sa pelikula na si Ivan Padilla, nreason why 12 ang title (5 years naging mag-fiends ang mga bida at 7 years naman na magka-relasyon). 

Natawa nga ako. Parang tamad si Alex na pagisipan ngntitulo ng pelikula niya. Pero dahil iba na ang panahon ng mga millennials, oks na nrin ang numero n 12 para madali matandaan. Madali isulat ang # 12 na ipapalabas na sa November 8 sa mga cinemas nationwide.

Sa pagbabago ng leading man ni Alex after the super successful film niya na Kita Kita with Empoy Marquez, panigurado niya na gagawa pa rin sila ng kapartner niya n tawag ng mga fans ng dalawa ay “AleEmpoy” short for Alex and Empoy. 

Nilinaw ng aktres na hindi niya iiwanan ang n”loveteam”nila ng komedyante. “Sobrang daming naka-line-up for us, sobrang excited din akong gawin yun.
Syempre, may sarili kaming buhay, at saka, hindi rin naman kami love team na kapag gumawa ka ng project without him, wala ng kuwenta ang project mo.


“May fans ba kami na ganun, magagalit?”natatawang statement ni Alessandra na kilala sa showbiz as a straightforward celebrities natin sa kasalukuyan. 

Since mas nakilala sila ni Empoy with their “hugot film” ay ganun pa rin siya. Walang nagbago sa kanya sa dating Alessandra de Rossi. 

Kung may pagbabago man sa buhay niya ay ang mga tao sa paligid niya. 
Kuwento ng aktres: “Ang nagbago yung mga tao sa paligid ko. Sabi nila‘Naku, Alex dapat ganito, dapat ganyan.Hindi kasi ganun yun, so ‘wag niyong ipasok sana sa utak ko yung ganun.” 

Ang pelikula nila ni Empoy ang highest grossing Pinoy indie film at the moment na kung magyayabang lang sila ng kapartner niya (na hindi nila ginagawa) ay keri nila with their “superstar” status.