Monday, July 24, 2017

Finally Found Someone nina John Lloyd at Sarah Graded B ng CEB

Kumbaga sa pagmamahal at relasyon, ang dami na pinagdaanan ang “love story” nina Miggy at Laida na nagkaroon ng cult following noong una sila nagsama sa pelikula noong 2008 via “A Very Special Love”.

Sarah and John Lloyd together again in "Finally Found Someone
Sinundan  ng dalawa pa ng "You Changed My Life" at " It Takes a Man and a Woman" na lahat ay certified super box-office hit.

Ang mga supporters ng dalawa ay mas lalong na-excite nang mapabalita na may kasunod ang last movie nila noong 2013 na matapos magpapalit-palit ng titulo at urong-sulong na mga shooting schedule,.
 Bukas, Wednesday, July 26 ay muling magpapakilig ang dalawa sa wide screen.
Ang kilig na palagingn handong ng AshLloyd
Pero sa bagong pelikula ng dalawa, hindi na sila sina Miggy at Laida. Mga bagong karakter na sila playing the roles of April and Raffy na cute at bagay sa kuwento ng pelikula.
Sa katunayan, sa launch ng trailer sa telebisyon ng “Finally Found Someone” nang magsimula ang promotion sa social media last week, ang buong sanlibutan ay pinanood ito online na in a span of 7 hours ay umabot ng 1 million views; 8.7K comments; 40K reactions at 17.8K shares on Facebook alone.
Meaning, madami ang nag-aabang. Madami ang excited na patunay lang na ang chemistry ng dalawa ay hindi mo na tatawaran at tatanungin kung may dating ba o’ positibo ang epekto sa pagkagusto ng viewing public.
In short, tried and tested na sina John Lloyd at Sarah na kahit pampelikula lang ang kilig ng dalawa ay tanggap na tanggap ng madlang pipol.
Si Sarah committed kay Matteo Guidicelli at si Lloydie naman kahit noon pa man na sila pa ni Angelica Panganiban, hindi hassle ang personal affair nila sa love team nila on screen. Tanggap sila ng fans.

Cool screen partnership
Kaya nga si Sarah excited sa magiging outcome ng 4th team-up nila ng actor na Graded B ng Cinema Evaluation Board (CEB).
Sabi ng dalaga: “It’s always inspiring to work him kasi he brings out the best sa lahat ng leading ladies na nakakatrabaho niya.
“Kapag siya ang gumaganap sa isang role, he can make you believe na siya talaga ang characters na ginagampanan niya. As his leading lady, madadala ka rin sa galing niya.”
 Bukas, kitakitz sa mga sinehan at mapapanood na ang “Finally Found Someone “ na 4th romcom nina John Lloyd at Sarah..

Jeric Raval, balik pelikula via Double Barrel

Malaki ang pasasalamat ng dating action star na si Jeric Raval. nang mapasali sa teleserye ni Coco Martin na FPJ’s Ang Probinsyano.

Jeric Raval

Si Jeric ay baby face pa rin. Hindi nagbabago ang itsura. Kung ano siya noong 90’s ay ganun pa rin siya sa tindig at dating. 

Dahil sa aksyon-serye, masaya siya dahil nabibigyan siya muli ng break sa pelikulang ”Double Barrel” from Viva Films na launching movie ni AJ Muhlach bilang isang action star. 

Ang maganda pa ay  reunion movie nila ito ng magaling na action film director na si Toto Natividad. 

Sabi nga ni Direk Toto: ”Ganun pa rin siya (Jeric); maliksi. Parang hindi tumanda at walang nagbago,” pagmamalaki ni Direk sa kanyang artista.
 
Jeric and the cast of Double Barrel with Direk Toto Natividad (extreme right)
Sa telebisyon, ang serye ni Coco lang yata ang alam ko na aksyon ang tema na napapanood ko at tinatangkilik ng publiko. 

Sa industrya ng pelikula, karamihan sa mga locally produced films natin, kung hindi romcom or drama wala na sa eksena ang pelikulang aksyon. 

Sabi nga ni Jeric: “I think it’s about time ngayon na mabuhay muli ang action film, kasi naniniwala naman ako na ang mga viewers ng action film nasa paligid lang yan at naghihintay lang sa pagbabalik ng aksyon.” 

Sa Double Barrel, he plays Insp. Bagani na naniniwala sa EJK bilang sagot sa mga drug pusher at user. 

Based ang kuwento sa totoong buhay ang pelikula na showing na sa August 9 nationwide.

Phoebe Walker: Ang madre na pabawas ng pabawas ang paghuhubad

Natawa kami sa kuwento ni Phoebe Walker, ang gumanap na misteryosang madre sa pelikulang “Seklusyon” noong nakaraang MMFF 2016 na ngayon ay kapartner ng inilulunsad na bagong action star ng Viva Films na si AJ Muhlach.
 
Phoebe Walker in "Double Barrel"


Habang nagtatagal siya sa showbiz sa pagawa ng pelikula ay siya namang pa-tame (o pakonti) ang mga love scenes na ginagawa sa mga movies na kinabibilangan niya,

Sa pelikulang Gayuma na indie film na isinali sa QCinema, naka-tatlong kakaibang eksena sila ni Benjamin Alves at kung mabilis ang mata mo, makikita mo ang pinaka-iingatan ni Phoebe na itinatago-tago niya.
 Sa Seklusyon naman, 100% na may nude scene siya at kitang-kita ang kabuunan niya from her nipples to her pubic hair.

"
Phoebe with AJ Muhlach

Pero sa bagong pelikula ng dalaga na “Double Barrel” from Viva Films; alam niya na protektado siya ng kapareha kung kaya’t panigurado niya na hindi nasipat ng kamera ang maselang love scene nila ni AJ

 Topless siya. “No nipple tape. Ayaw ni Direk Toto (Natividad). Pero sa ibaba, tinakpan namin ng sanitary napkin na nang alisin na namin ang plaster ang ang sakit,” kuwento niya sa amin na napapangiti.

Gayon din si AJ, tinapalan ang kanyang private part ng sanitary napkin para paniguro na si “Manoy” ay hindi magrerebelde at proteksyon na rin sa kanyang ka-eksena.
Sa pelikula, Phoebe plays Martha na asawa ni AJ “Jeff” na mga birador. From a sex starved “Diyosa” to a naked madre; this time magre-react ka sa mainit na love scene nila ni AJ.
Ang pelikulang “Double Barrel” ay mapapannod na sa August 9 sa mga sinehan nationwide.

Kasalang Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap sa Augsut 8 na

I remember‘yong last interview namin kay Rochelle Pangilinan ay sa presscon ng isang teleserye ng GMA Kapuso Network almost 2 years ago na nagulat ako sa tinuran niya na isa siyang “tradisyonal” na Filipina.
 
Rochelle Panhgilinsn & Arthur Solinap
 
 I thought liberated siya tuld ng image na itinatawid ng grupo nila na “Sex Bomb Dancers” na very daring ang dating on stage at super kikay sila sa mga audience nila.
 
“Image lang po yun,” naalala ko na kuwento ni Rochelle sa amin.
 
Sa tsikahan, doon ko nalaman na hindi “showbiz na showbiz” ang relasyon nila ng boyfriend na si Arthur Solinap na isang artista din ng GMA.
 
“Tahimik ang lovelife namin.Walang gulo,” kuwento sa amin ni Rochelle.
 
Sa katunayan, matagal na ang relasyon nila na noong nakausap namin ang dalaga, we asked kung bakit until now ay wala pang kasal na pinag-uusapan.
 
“Nakakahiya. I’ll wait po kapag nag-propose na.  Never po namin pinag-usapan yun. Even mag-plan, wala yun.”
 
But the right time ay heto na. Ito na ang “In God’s Time” na sinasabi ng dalaga.
 
Yes, Rochelle and Arthur are getting married this coming August 8, 2017 sa Los Arboles in Tagaytay na at the same time ay 9th year anniversary ng relasyon nilang dalawa.
 
The pretty "future wife"" Rochelle Pangilinan
Kung maalala pa, last February this year nag-propose ang boyfriend kay Rochelle. Sa Tagaytay nangyari ang memorable proposal ng binata sa dalaga.
 
Aside from the cool city, mahalaga din sa dalaga ang location dahil dito niya dinadala ang namayapang ama.
 
Below are some information ng bonggang kasalan nina Rochelle at Arthur habang kinukumpleto pa ang ibang mga detalye.
 
Bongga ang designer ng wedding gown dahil no less than international designer Michael Cinco ang nag-design ng gown ni Rochelle.
 
Black ang motif at mayroong dress code, huh. Ladies must wear black habang ang mga men naman should be in black suite. 
 
19 pairs ang mga principal sponsors na kinabibilangan nina: Ogie Alcasid and Regine Velasquez-Alcasid; Director Bert de Leon, ABS-CBN’s Unit Head Raymund Dizon, Octo-Arts’ Orly Ilacad; GMA-7’s Lilybeth G. Rasonable;  Sexbomb Dancers’ manager Joy Cancio at ang manager ng dalawa na si Perry Lansigan.
 
Invited to be “ninong”sa kasal ng dalawa na sina Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon. Sina Antonio P. Tuviera at Malou Choa-Fagar will also be on the list as principal sponsors.
 
Star studded ang kasal na 4 ang mga Best men na kinabibilangan ng mga pinsan ng groom na sina Dingdong Dantes, Carlo Gonzales, at komedyante na sina Michael V and John Feir.
 
Maid of Honor naman ng bride sina Luanne Dy,  Max Collins at  Andrea Torres.
Mga groomsmen naman sina Gabby Eigenmann, Geoff Eigenmann at Hayden Kho, Jr.
 
Ang aktres  na si Sushine Dizon ang tatayong candle sponsor at si Marian Rivera ang veil sponsor.
 
Mga Bride’s Angel sina Angelika dela Cruz,  Jolina Magdangal, Glaiza De Castro,  Mia Pangyarihan, Winwyn Marquez at Alessandra de Rossi.
 
Isang Christian wedding ang magaganap sa pag-iisang dibdib nina Rochelle at Arthur.

Ang "singsing" ni John Lloyd Cruz para kay Sarah Geronimo

Cute ang guesting nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz last night sa Gandang Gabi Vice.
 
John Lloyd & Sarah in "Finally Found Someone"

Pinakilig ng dalawa ang  milyon-milyong mga fans at supporters nila na nagaabang ng bagong pelikula nila na “Finally Found Someone” na ipapalabas na sa darating na Wednesday, July 26.
 
Yes, may rebelasyon last night ang dalaga sa GGV dahil sinabi nito na binigyan ng binata ang dalaga ng singing.

Direk Ted , Sarah, Lloydie with TV Patrol's Gretchen Fulido at the preem tonight
Sabi ni Lloydie last night sa Sunday show ng unkabogable box-office superstar na: “Meron kasi akong binigay sa kanya dati pero binalik niya. Eh nasa akin pa rin. Eh pwede ko na bang i-dispose?” pagku-kuwento ng bintana.
 
Engagement ring na ba yun? Sabat ng dalaga: “S’yempre hindi siya mukhang engagement ring. ‘Yung parang malaki siya. Gulat nga ako, eh. Sabi ko, ‘ang mahal nito. Sayang ‘yun..” sabi ng singer.
 
Pero isinoli ito ng dalaga kay Lloydie. Kuwento ni Sarah: “Bilang advice sa’kin ng mga kinauukulan. ‘Yun ang advice sa’kin eh. Isauli mo ‘yan, baka may maka-misinterpret so sinauli ko.
 
Nasa aktor pa rin ang naturang singing na binigay niya kay Sarah na ibinalik ng Pop Princess na kung sakaling ibigay ulit ni Lloydie ito sa kanya ay ok lang sa singer. “Ibigay mo na lang sa akin. Hindi (ipapatunaw). Syempre ite-treasure ko ‘yun. Bigay mo ‘yun, eh.”
 
Yun na! Paano kaya kung walang Matteo Guidicelli ang dalaga? Magkakaroon kaya ng “something” ang dalawa?

Monday, July 17, 2017

Nora Aunor, gusto na lang mag-direk ng pelikula

Pakiwari koý napagod  na si Nora Aunor umarte sa harap ng kamera kung bakit nasabi niya na ayaw na niya gumawa ng pelikula.

Nora Aunor at the recent Pride March 2017


Ang gusto nga ng aktres ay ipalabas na lang muli ang mga luma niyang mga movies noon para ma-appreciate at makilala ng mga millennial ang mga obra niya bilang isang artista.

Tulad ng pelikula nila ni Christoper de Leon na” Banaue” noon (sa pelikula sila na-develop romantically at nagpakasal pa nga sa  dalampasingan sa La Union) na ipinalabas muli sa opening night ng To Farm Film Festival; gusto ni Nora na mabigyan din ng exposure muli ang mga magagandang pelikula niya noon with the likes of “Tatlong Taon Walang Diyos, Himala at mga dekalibreng mga pelikula niya kung saan from a probinsyana from Bicol na nagbebenta lang ng tubig sa istasyon ng tren noong kabataan niya ay malayo na ang nilakbay ng isang Nora Aunor during the late 70’s na sinamba ng kanyang mga fans kahit sabihin na ang mg pelikula niya noon ay puro “sing and dance” lang na sa mga pihikan na panlasa ng mga manonood ngayon ay malamang hindi makapasa sa discriminating taste.


 

Dahil sa pagbabago ng ihip ng hangin, bukod sa ayaw na ni Nora gumawa ng pelikula, plano naman niya ngayon ay bumalik sa pagdi-direk. 

Naalala nyo ba ang pelikulang Nino Valiente na first directorial job ni Nora na pinagbidahan ng yumaong bunsong kapatid na si Eddieboy “Buboy” Villamayor during the mid-70’s to 1979. Sinundan yun ng “The Greatest Performance of My Life” na pinangungunahan nina Nora, Tirso Cruz III, Julio Diaz at ang anak na si Ian de Leon na hindi natapos at hindi naipalabas. 

Ang latest, gusto muli ni Nora mag-direk ng pelikula. Ayon sa information na nakuha namin, isang mala-indie film ang gagawin niya na may working title na ‘Panaginip”. 

Habang isinusulat namin ang kolum item na ito, wala pa casting sa project. 

Matutuloy kaya? Let’s wait and see na lang

Photo: UP Babaylan

Boy Abunda ang bagong "Joe Quirino" ng mga millenials

Isa si Kuya Boy Abunda sa mga showbiz personalities natin na napakadali hingan ng interview.

Boy Abunda a Joe Quirino Awardee
Kahit anong isyu ay may nakalaan siyang kasagutan just like what happened last Sunday sa SPEED’s EDDYS Award sa Kia Theater kung saan binigyan siya ng special award ng samahan sa kanilang Joe Quirino Award. 

Sa mga millennial na hindi kilala si Joe Quirino, siya ang kauna-unahang entertainment columnist sa broadsheet na nabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng television show. 

Showbiz na showbiz ang konsepto ng palabas. Parang “The Buzz” noon na show ni Kuya Boy at Kris Aquino na lahat ng mga showbiz celebrities ay gusto mag-guest at ma-feature. 

Kung tama ang memory ko, late Sunday night pa yata ang oras ng show sa IBC 13 noon ang palabas ni Mang Joe.

"Kilala ko siya. I had the chance to know Mang Joe Quirino. Napaka-simple niyang tao,” kuwento ni Kuya Boy sa media on his way out of the theater after receiving his special award that evening. 

So far, wala pa rin ako nakikita na pwedeng mahigitan or mapantayan man lang ang galing ni Kuya Boy. Congratulations!

Coco Martin, hinog na para maging direktor ng "Ang Panday"

Coco Martin

Sa itagal-tagal ni Coco Martin sa showbiz, masasabing ang karanasan niya bilang isang artista (sa mga indie films, teleserye at pelikula) ay hindi na nakakahiya na siyang “bala” at baon niya para sa pagtangka niya na mag-direk ng kanyang kauna-unahang pelikulang “Ang Panday” na mapapanood ng publiko come December para sa MMFF 2017.

Coco with  the creator of Äng Panday", Direk Carlo J. Caparas
Ang karanasan ay isang malaking bagay para sa paghahanda sa isang mas malaking responsibilidad na iginawad sa iyo. Ang karanasan ni Coco ay hindi masasabing kulang. Sapat na ito na napanday na para sa bagong responsibility niya as a film director.

Sa kanyang nightly aksyon-serye na FPJ’s “Ang Probinsyano”, hands-on ang aktor sa bawat eksena at may input pa rin siya kahit may mga directors siya sa serye. “Ang Probinsyano” is his show kaya alangang-alaga niya ito personally tulad sa paggawa niya ng “Ang Panday”. 

With the caliber of actors like Eddie Garcia, Gloria Romero, Jaime Fabregas and Joonee Gamboa; hindi nila isusugal ang kanilang pangalan para lang mapapayag na mai-direk ng isang Coco Martin lang na ang tunay na pangalan na Rodel Nacianceno na siyang magiging professional name ng aktor as a director kung hindi sila naniniwala at nagtitiwala.

Coco with the "Äng Panday Kids"

Kung ang ibang kampo ay nagne-nega na sa pagpasok ng Ang Panday sa first 4 films na kasama na inanunsyo ng MMFF 2017, ang tingin ko ay nagsa-sougraping lang sila at judgmental gayon bukod sa pagiging isang box-office star ni Coco ay hindi mo masasabi na isang ”papatiks-petiks” lang na artista. 

Sa mga nag-resign na apat na mga execom ng MMFF, deadma na lang. You can’t dictate the public kung ano ang ng gusto nila panoorin. Hindi nyo pwede ituto kung ano ang maganda sa pelikulang basura. 

Let’s face reality. Sa hirap ng buhay at mahal ng panonood ng sine, gusto ng publiko maging masaya. Gusto ng bawat Juan at Maria kasama ang kanilang pamilya na magwaldas sa Pasko sa mga pelikula tulad ng kay Coco bilang si Flavio.

John Lloyd Cruz, pihikan sa hinahanap na GF

Sa mga very elusive at very eligible gentleman natin sa showbiz ay si John Lloyd Cruz. Baka nga numero uno pa ito sa listahan.

The elusive John Lloyd Cruz
Kahit noon pa man, madaming mga female celebrities tayo na gusto siya maging “boyfie”. Mapa-artista man, fashion model, society girl o di kaya’ý simple lang ang pinagmulan, madami ang nangangarap na someday ay magkaoon sila ng chance na makilala si Lloydie at magkaroon ng relasyon.

Sayang nga sila ni Angelica Panganiban. Akala ng marami ay tuloy-tuloy na ang kanilang relasyon at walang nag-akala na magkakaroon pala ng ending.
Mula nang maghiwalay sila ni Angelica “very much single” pa rin si Lloydie  na ilang taon na din na naghihintay ng sa ”kanya”.

Sa latest tambalan nila sa big screen ni Sarah Geronimo via the film “Finally Found Someone” ni Direk Theodore Boborol, ay may kakaibang kiliti pa rin sa mga fans ang dalawa. Iisipin mo, what if kung si Sarah ay hindi committed? Pwede kaya maging sila?
Sayang nga lang, si Sarah may boyfriend na sa katauhan ni Matteo Guidicelli while ang aktor, 100% na available pa rin at naghihintay ng para sa kanya.      


John Lloyd and Sarah Geronimo in "Finally Found Someone"
Hindi ko nga alam kung sa estado ni JLC ay naghahanap siya ngayon ng girlfriend o babae na mamahalin niya for good para magbuo sila ng sariling pamilya or baka wait na lang siya at bahala na si Batman.
Sabi ng aktor tungkol sa babaeng tunay niyang makakasama habang buhay: “Hindi mo malalaman na you finally found someone na eh. Mafi-feel mo na lang ‘yun. Balang araw sana dadating din ‘yun sakin,” pahayag ng aktor.
Mas may kilig ang bagong pelikula nina Lloydie at Sarah na mapapanood na sa July 26 sa mga sinehan nationwide.

Monday, July 10, 2017

Xian Lim's personal ticket selling for "Songs in the Key of X" dinumog

It was a working Sunday (yesterday) for Xian Lim dahil imbis magpahinga ay nagbenta siya ng kanyang concert ticket sa Ticktnet Booth sa Trinoma Mall kahapon ng hapon.
 
Xian selling tickets for his concert yesterday at Trinoma

  Malaking tulong ang presence ng actor-singer-performer sa naganap na personal ticket selling niya for his“Songs in the Key of X” concert na magaganap sa darating na Sabado, July 15 sa The Theater at Solaire.
 
Sa kanyang mga social media postings, makikita mo ang  sipag at pagpupursige ni Xi sa kanyang page-ensayo, maging ang kanyang dance rehearsal na sa kanyang pag-groove na ang balita ko ay isa sa mga ”paandar” niya sa kanyang concert bukod pa sa sinasabi niyang “sorpresa” na gagawin niya na masasaksihan ng mga manonood sa Sabado.
Ang daming mga nabentang tickets si Xian
This coming July 12 (Wednesday), he is celebrating his birthday at so far ay wala pa kami balita kung anong gimmick ang magaganap sa kaarawan niya but for sure as a tradition, may sorpresa na naman sigurado si Kim Chiu sa celebrant.
Sa kanyang coincert, special guests nina sina  Jona, Mateo Guedicelli, KZ Tandingan at Martin Nievera.

12 pelikula para sa NYC's Sine Kabataan napili na

Matapos ang puspusang pagre-review ay pinangalanan na ng National Youth Commission (NYC) sa pamumuno ni Chairperson Aiza Seguerra ang 12 finalist para sa kanilang Sine Kabataan Short Films Competition.

NYC's 1st Sine Kapataan
Mapapannod ang doseng short films sa darating na Pista ng Pelikulang Pilipino na all-Filipino film festival ng Film Developmen t Council of the Philippines (FDCP) sa darating na August 16 to 22 sa mga sinehan sa buong bansa.

Out of 185 entries na nirepaso ng screening committee para sa Sine Kabataan; dose sa mga ito ay ang mga sumusunod: 
1.Haraya (Daniel Delgado); 2. Fat You (Ronnel Rivera III); 3. Dorothy (Angelique Evangelista);4. Delayed Si Jhemerlyn Rose (Don Senoc); 5. Alipato (Michael Joshua Manahan); 6. Akalingwan Nang Rosa (Max Canlas); 7. Ya Right (Gab Mesina); 8. Shaded (Vanneza Clear Estanol); 9. Ang Unang Araw ng Pasukan (Ar-Jen Manlapig); 10. Pahimakas (Lance Maravillas); 11. Ang Kapitbahay Ko Sa 2014 (Anya Nepomuceno); at pang 12. Makartur (Brian Spencer Reyes).

 
Sa twelve finalists, dalawang short films ang paparangalan at tatanggap
ng The Jury’s Choice at Best Picture Award. Ang sampu may mananalo ng consolation prizes at plagues of appreciation.
Sa pahayag ni Usec. Aiza: ”We are awed by the overwhelming response that we received from the young film enthusiasts. This competition proves that the youth can truly utilize film as a medium in expressing their sentiments about issues affecting them,” sabi nito sa panayam.

NYC's Aiza Seguerra
Ang special jury ay binubuo nina film directors Carlitos Siguion-Reyna at Raymond Red kasama si NYC Commissioner Perci Cendana.
Sa mapipili bilang Best Picture ay mananalo ng cash prize na Php50, 000 at para sa Jury’s Choice ay magwawagi ng P30, 000.
Para sa mananalong Best Picture ay bibigyan ng roundtrip ticket and accommodation for one para ma-experience ang Busan International Film Festival.
Dagdag ni ni Usec Aiza: “One of the best incentives to our young filmmakers who participated in this competition is to have their works shown to theaters nationwide beginning August 16-22, 2017 alongside with the regular films. This is hoped to raise awareness and consciousness on specific youth issues that are expected to inspire concrete actions from all concerned,” pagwawakas niya.

Sanitary napkin gamit nina Phoebe Walker at AJ Muhlach

Natawa kami sa kuwento ni Phoebe Walker, ang gumanap na misteryosang madre sa pelikulang “Seklusyon” noong nakaraang MMFF 2016 .
 
Phoebe Walker and AJ Muhlach

Ngayon ay kapartner siya ng inilulunsad na bagong action star ng Viva Films na si AJ Muhlach, na habang nagtatagal siya sa showbiz sa pagawa ng pelikula ay siya namang pa-tame (o pakonti) ang mga love scenes na ginagawa sa mga movies na kinabibilangan niya,

Sa pelikulang Gayuma na indie film na isinali sa QCinema, naka-tatlong kakaibang eksena sila ni Benjamin Alves at kung mabilis ang mata mo, makikita mo ang pinaka-iingatan ni Phoebe na itinatago-tago niya. 

Sa Seklusyon naman, 100% na may nude scene siya at kitang-kita ang kabuunan niya from her nipples to her pubic hair. 
Jeric Raval, Phoebe, AJ, Ali Kharribi and Direk Toto Natividad

Pero sa bagong pelikula ng dalaga na “Double Barrel” from Viva Films; alam niya na protektado siya ng kapareha kung kaya’t panigurado niya na hindi nasipat ng kamera ang maselang love scene nila ni AJ. 

Topless siya. “No nipple tape. Ayaw ni Direk Toto (Natividad). Pero sa ibaba, tinakpan namin ng sanitary napkin na nang alisin na namin ang plaster ang ang sakit,” kuwento niya sa amin na napapangiti. 

ayon din si AJ, tinapalan ang kanyang private part ng sanitary napkin para paniguro na si “Manoy” ay hindi magrerebelde at proteksyon na rin sa kanyang ka-eksena. 

Sa pelikula, Phoebe plays Martha na asawa ni AJ “Jeff” na mga birador. From a sex starved “Diyosa” to a naked madre; this time magre-react ka sa mainit na love scene nila ni AJ. 

Ang pelikulang “Double Barrel” ay mapapanood  sa August 2 sa mga sinehan nationwide.

1st EDDYS Award pinarangalan sina Mother Lily at Boy Abunda

Congratulations sa mga entertainment editor friends natin mula sa samahan ng SPEED (Society of Entertainment EDitors Inc.) sa kanilang 1st EDDYS Award na naganap last night sa Kia Theater sa Araneta Center in Quezon City.
 
SPEED the editors behind EDDYS Award
Bongga ang batuhan ng mag-amang Edu Manzano at Luis Manzano as hosts of the event. No doubt na magaling ang anak dahil may pinagmanahan sa pagho-host.
 
Congratulations sa mga nanalo tulad sa mga kategoryang: Best Actor Paolo Ballesteros; Best Actress Vilma Santos; Best Supporting Actor John Lloyd Cruz; Best Supporting Actress Angel Locsin; Best Director Lav Diaz at Best Picture Ang Babaeng Humayo.
 
Best Musical Score Everything About Her; Best Soundtrack Seklusyon;  Best Theme Song Saving Sally; Best Visual Effects Seklusyon; Best Editing Die Beautiful; Best Production Design – Die Beautiful; Best Cinematography Seklusyon Best Screenplay Everything About Her and  Best Documentary Sunday Beauty Queen.
 
Binigyan ng EDDYS Posthumous Award ang manunulat na yumao recently na si Jake Tordesillas.
 
Boy Abunda
Special awards goes to the following: Joe Quirino Award for Boy Abunda; Manny Pichel Award for Lav Diaz at Producer of the Year Mother for Lily Monteverde.
 
Mother Lily Monteverde with her family
Mapapanood ang 1st Eddys Award sa darating na Sunday, July 16 pagkatapos ng Gandang Gabi Vice sa ABS-CBN.
 
Ang SPEED ay binubuno nina : Isah Red of The Manila Standard; Eugene Asis of People’s Journal; Jojo Panaligan of The Manila Bulletin; Ian Farinas of People’s Tonight; Salve Asis of Pilipino Star Ngayon/Pang Masa; Gie Trillana of Malaya Business Insight; Dondon Sermino of Abante; Tessa Mauricio-Arriola of The Manila Times; Dindo Balares of Balita; Dinah Ventura of The Daily Tribune; Rito Asilo of Philippine Daily Inquirer; Ervin Santiago of Bandera; Maricris Nicasio of Hataw; Jerry Olea of Abante Tonite; Rohn Romulo of People’s Balita at adviser Nestor Cuartero.
 

Wednesday, July 5, 2017

The talented Mr. Xian Lim

Sa ngayon, super concentrated si Xian Lim sa concert niya  na mangyayari sa Saturday next week (July 15) sa The Theater at Solaire.
 
The talented Mr. Xian Lim

Aside from the 19 songs sa repertoire niya ay magdadagdag siya ng isang classical  number para ipakita ang galing niya na hindi lang siya pang-pop or ballad music kundi keri din niya mag-perform ng classical music kung saan napagalaman namin that he studied classical music na binuking ng The Manila Standard entertainment-lifestyle editor na si Isah Red.

Sa  mga hindi pa nakakaalam, aside from acting , singing, dancing and painting (isa sa mga talent ng binata) he plays 19 different musical instruments na hopefully ay maipakita niya sa mga manonood sa kanyang concert.
 
Aside  from "Songs in the Key of X";  ay tinatapos niya ang kanyang 2nd album; he is also shooting a “sexy film” with Coleen Garcia under the direction of Gino Santos (Paradise Island ba ang working title?) and preparing his solo painting exhibit very soon.

For his concert, special guests niya sina Jona, Matteo Guidicelli at KZ Tandingan at produced ng KATG na grupo ng mga KimXi Fans Worldwide. 

Xian doing his dance moves
Tanong ko lang, naipinta na kaya niya si Kim sa canvass?

Maymay and Edward excited sa London trip ngayong July



Malaking pagbabago ang nangyari sa buhay ni Maymay Entrata nang manalo siya sa recent reality show na pampagets ng Kapamilya Network.
          
Maymay and Edward

Mula nang manalo, ang dating mga pangarap lang ni Maymay ay nagkakaroon na ng katuparan.
             
The recent travel niya for a show was in Hong Kong. At sa darating na July, lalarga na naman ang tambalan nila ni Edward Barber for London kung saan may show muli ang dalawa.
           


Happy nang dalaga dahil mula ng maging celebrity siya ay natutupad ang kanyang pangarap na makapag-travel. Ang take note, free travel ang mga biyahe niya.
           
“Masaya po ako dahil sa PBB nakakapagbiyahe ako ng libre,”masayang kuwento niya.Sa PBB nakalibre ako ng Hong Kong ngayon London naman. Hindi ko na talaga palalampa,”kuwento ng dalaga.

Madaming blessings na dumarating sa dalaga mula nang makilala siya as the big winner sa bahay ni Kuya. 

MayWard's first movie

Una na ay ang music album niya na “Maymay” naging Gold Record kaagad na wala na wala pa yata 2 weeks mula nang i-release ng Star Records at ang pagkasali niya sa pinaguusapan at trending gabi-gabi na La Luna Sangre nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na napapanood gabi-gabi pagkatapos ng Ang Probinsiyano at ang first movie nila sa Star Cinema na "Loving in Tanden sa direksyon ni Giselle Andres.
  
Malaki ang pasasalamat ng dalaga sa PBB dahil natutupad na ang mga goals. Dahil sa success ng isang Maymay Entrata sa showbiz ay may mensahe siya na gusto iparating. 

“Basta po huwag magsawa na magpasalamat sa lahat hindi lang sa mga bagong nakilala mo, kundi sa mga taong tumulong sa ’yo noon para matupad mo ang mga pangarap mo at lalo na si Lord ang una sa lahat."