Kahit
noon pa man, madaming mga female celebrities tayo na gusto siya maging
“boyfie”. Mapa-artista man, fashion model, society girl o di kaya’ý
simple lang ang pinagmulan, madami ang nangangarap na someday ay
magkaoon sila ng chance na makilala si Lloydie at magkaroon ng relasyon.
Sayang nga sila ni Angelica Panganiban. Akala ng marami ay tuloy-tuloy na ang kanilang relasyon at walang nag-akala na magkakaroon pala ng ending.
Mula nang maghiwalay sila ni Angelica “very much single” pa rin si Lloydie na ilang taon na din na naghihintay ng sa ”kanya”.
Sa latest tambalan nila sa big screen ni Sarah Geronimo via the film “Finally Found Someone” ni Direk Theodore Boborol, ay may kakaibang kiliti pa rin sa mga fans ang dalawa. Iisipin mo, what if kung si Sarah ay hindi committed? Pwede kaya maging sila?
Sayang
nga lang, si Sarah may boyfriend na sa katauhan ni Matteo Guidicelli
while ang aktor, 100% na available pa rin at naghihintay ng para sa
kanya.
Hindi
ko nga alam kung sa estado ni JLC ay naghahanap siya ngayon ng
girlfriend o babae na mamahalin niya for good para magbuo sila ng
sariling pamilya or baka wait na lang siya at bahala na si Batman.
Sabi
ng aktor tungkol sa babaeng tunay niyang makakasama habang buhay:
“Hindi mo malalaman na you finally found someone na eh. Mafi-feel mo na
lang ‘yun. Balang araw sana dadating din ‘yun sakin,” pahayag ng aktor.
Mas may kilig ang bagong pelikula nina Lloydie at Sarah na mapapanood na sa July 26 sa mga sinehan nationwide.
No comments:
Post a Comment