I thought liberated siya tuld ng image na itinatawid ng grupo nila na “Sex Bomb Dancers” na very daring ang dating on stage at super kikay sila sa mga audience nila.
“Image lang po yun,” naalala ko na kuwento ni Rochelle sa amin.
Sa
tsikahan, doon ko nalaman na hindi “showbiz na showbiz” ang relasyon
nila ng boyfriend na si Arthur Solinap na isang artista din ng GMA.
“Tahimik ang lovelife namin.Walang gulo,” kuwento sa amin ni Rochelle.
Sa katunayan, matagal na ang relasyon nila na noong nakausap namin
ang dalaga, we asked kung bakit until now ay wala pang kasal na
pinag-uusapan.
“Nakakahiya. I’ll wait po kapag nag-propose na. Never po namin pinag-usapan yun. Even mag-plan, wala yun.”
But the right time ay heto na. Ito na ang “In God’s Time” na sinasabi ng dalaga.
Yes, Rochelle and Arthur are getting married this coming August 8, 2017 sa Los Arboles in Tagaytay na at the same time ay 9th year anniversary ng relasyon nilang dalawa.
The pretty "future wife"" Rochelle Pangilinan |
Kung
maalala pa, last February this year nag-propose ang boyfriend kay
Rochelle. Sa Tagaytay nangyari ang memorable proposal ng binata sa
dalaga.
Below are some information ng bonggang kasalan nina Rochelle at Arthur habang kinukumpleto pa ang ibang mga detalye.
Bongga ang designer ng wedding gown dahil no less than international designer Michael Cinco ang nag-design ng gown ni Rochelle.
Black ang motif at mayroong dress code, huh. Ladies must wear black habang ang mga men naman should be in black suite.
19
pairs ang mga principal sponsors na kinabibilangan nina: Ogie Alcasid
and Regine Velasquez-Alcasid; Director Bert de Leon, ABS-CBN’s Unit Head
Raymund Dizon, Octo-Arts’ Orly Ilacad; GMA-7’s Lilybeth G. Rasonable;
Sexbomb Dancers’ manager Joy Cancio at ang manager ng dalawa na si
Perry Lansigan.
Invited
to be “ninong”sa kasal ng dalawa na sina Tito Sotto, Vic Sotto, and
Joey de Leon. Sina Antonio P. Tuviera at Malou Choa-Fagar will also be
on the list as principal sponsors.
Star
studded ang kasal na 4 ang mga Best men na kinabibilangan ng mga pinsan
ng groom na sina Dingdong Dantes, Carlo Gonzales, at komedyante na sina
Michael V and John Feir.
Maid of Honor naman ng bride sina Luanne Dy, Max Collins at Andrea Torres.
Mga groomsmen naman sina Gabby Eigenmann, Geoff Eigenmann at Hayden Kho, Jr.
Ang aktres na si Sushine Dizon ang tatayong candle sponsor at si Marian Rivera ang veil sponsor.
Mga Bride’s Angel sina Angelika dela Cruz, Jolina Magdangal, Glaiza De Castro, Mia Pangyarihan, Winwyn Marquez at Alessandra de Rossi.
Isang Christian wedding ang magaganap sa pag-iisang dibdib nina Rochelle at Arthur.
No comments:
Post a Comment