John Lloyd & Sarah in "Finally Found Someone"
Pinakilig ng dalawa ang
milyon-milyong mga fans at supporters nila na nagaabang ng bagong
pelikula nila na “Finally Found Someone” na ipapalabas na sa darating na
Wednesday, July 26.
Yes, may rebelasyon last night ang dalaga sa GGV dahil sinabi nito na binigyan ng binata ang dalaga ng singing.
Sabi
ni Lloydie last night sa Sunday show ng unkabogable box-office
superstar na: “Meron kasi akong binigay sa kanya dati pero binalik niya.
Eh nasa akin pa rin. Eh pwede ko na bang i-dispose?” pagku-kuwento ng
bintana.
Engagement
ring na ba yun? Sabat ng dalaga: “S’yempre hindi siya mukhang
engagement ring. ‘Yung parang malaki siya. Gulat nga ako, eh. Sabi ko,
‘ang mahal nito. Sayang ‘yun..” sabi ng singer.
Pero
isinoli ito ng dalaga kay Lloydie. Kuwento ni Sarah: “Bilang advice
sa’kin ng mga kinauukulan. ‘Yun ang advice sa’kin eh. Isauli mo ‘yan,
baka may maka-misinterpret so sinauli ko.
Nasa
aktor pa rin ang naturang singing na binigay niya kay Sarah na ibinalik
ng Pop Princess na kung sakaling ibigay ulit ni Lloydie ito sa kanya ay
ok lang sa singer. “Ibigay mo na lang sa akin. Hindi (ipapatunaw).
Syempre ite-treasure ko ‘yun. Bigay mo ‘yun, eh.”
Yun na! Paano kaya kung walang Matteo Guidicelli ang dalaga? Magkakaroon kaya ng “something” ang dalawa?
No comments:
Post a Comment