Monday, July 17, 2017

Nora Aunor, gusto na lang mag-direk ng pelikula

Pakiwari koý napagod  na si Nora Aunor umarte sa harap ng kamera kung bakit nasabi niya na ayaw na niya gumawa ng pelikula.

Nora Aunor at the recent Pride March 2017


Ang gusto nga ng aktres ay ipalabas na lang muli ang mga luma niyang mga movies noon para ma-appreciate at makilala ng mga millennial ang mga obra niya bilang isang artista.

Tulad ng pelikula nila ni Christoper de Leon na” Banaue” noon (sa pelikula sila na-develop romantically at nagpakasal pa nga sa  dalampasingan sa La Union) na ipinalabas muli sa opening night ng To Farm Film Festival; gusto ni Nora na mabigyan din ng exposure muli ang mga magagandang pelikula niya noon with the likes of “Tatlong Taon Walang Diyos, Himala at mga dekalibreng mga pelikula niya kung saan from a probinsyana from Bicol na nagbebenta lang ng tubig sa istasyon ng tren noong kabataan niya ay malayo na ang nilakbay ng isang Nora Aunor during the late 70’s na sinamba ng kanyang mga fans kahit sabihin na ang mg pelikula niya noon ay puro “sing and dance” lang na sa mga pihikan na panlasa ng mga manonood ngayon ay malamang hindi makapasa sa discriminating taste.


 

Dahil sa pagbabago ng ihip ng hangin, bukod sa ayaw na ni Nora gumawa ng pelikula, plano naman niya ngayon ay bumalik sa pagdi-direk. 

Naalala nyo ba ang pelikulang Nino Valiente na first directorial job ni Nora na pinagbidahan ng yumaong bunsong kapatid na si Eddieboy “Buboy” Villamayor during the mid-70’s to 1979. Sinundan yun ng “The Greatest Performance of My Life” na pinangungunahan nina Nora, Tirso Cruz III, Julio Diaz at ang anak na si Ian de Leon na hindi natapos at hindi naipalabas. 

Ang latest, gusto muli ni Nora mag-direk ng pelikula. Ayon sa information na nakuha namin, isang mala-indie film ang gagawin niya na may working title na ‘Panaginip”. 

Habang isinusulat namin ang kolum item na ito, wala pa casting sa project. 

Matutuloy kaya? Let’s wait and see na lang

Photo: UP Babaylan

No comments:

Post a Comment