Saturday, August 26, 2017

Ella Cruz, ayaw ikumpirma na sila ni Julian Trono

Kawawa naman si Ella Cruz dahil nagdugo ang labï niya nang kunan ang kissing scene nila ng kapartner niya na si Julian Trono sa first movie team-up nilang dalawa sa pelikulang Fan Girl/ Fan Boy ng Viva Films.
Julian Trono and Ella Cruz

Ibinuking ni Direk Bb. Joyce Bernal (siya ang creative consultant ng pelikula) na tutoong "bloody" ang romcom ng dalawa sa direskyon ni Barry Gonzales.
Sa kuwento ni Direk Joyce: “Naging madugo ang eksena dahil sa excitement nila, tumama ang labi ni Ella sa ngipin ni Julian kaya nagdugo na naging dahilan para ma-delay yong kissing scene na kukunan.”

Ella at Julian may relasyon?
Ayon kay Direk Joyce ay hinintay muna ni Direk Barry Gonzales na huminto ang pagdugo at humupa ang pamamaga ng labi ng dalaga para itinuloy ang pagkuha ng eksena.
Dahil sa closeness nina Julia at Julian, iisipin mo na "sila"ang magkarelasyon. Sa tagal ng friendship nila, malamang nahulog na ang loob nila sa isa’t isa. Pero may sagot si Ella sa hinala ng media tungkol sa kanila ni Julian: “Good friends pa rin po kami. Kung may male bestfriend po ako ngayon, si Julian yun, wala ng iba,” sabi  nito.
Sa araw-araw nila na pagsasama during then promotion of thier movie at sa daily activities nila, hindi malabo na tuluyang sila ma-develop sa isa't isa.
Magkatuluyan kaya sila kahit natapos na nang kanilang promo?
Abangan natin. Sa September 6 na ipapalabas ang Fan Girl/Fan Boy and hopefully ay may positive reply na si Ella sa estado nila ni Julian.

Lovi Poe, happy sa resulta ng "Woke Up Like This"

Happy ang sexy-dramatic actress na si Lovi Poe sa magandang resulta sa takilya at feedback ng mga nakapanood ng pelikula nila ni Vhong Navarro na “Woke Up Like This" na produced ng Regal Films
 
Sexy Lovi Poe

“I did not expected it na magiging funny pala ako sa movie,” kuwento ng dalaga.
“I’m happy sa feedback ng mga nakapanood. Now, if ever na ma-bore ako at magsawa sa mga sexy drama films na ginagawa ko, I can shift to comedy. Vhong told me na pwede daw ako sa mga comedy movies,” kuwento ng dalaga.

Sa mga magagandang pangyayari sa buhayn at career ng dalaga, aminado siya na ang yumaong ama na si Fernandoe Poe Jr. na nagbabantay pa rin sa kanya.
“I don’t believe in signs if I want some answers in my prayers but I know my dad is there to guide me.” kuwento niya.

Happy ang aktres dahil kahit matagal nang  pumanaw ang ama, ang showbiz ; ang industriya na minahal nito noong nabubuhay pa ang “The King” ay patuloy pa rin ang pagbibigay importansya sa mga naiwanan nito. Lalo na ang respeto.

Happy din si  Lovi sa magandang resulta ng kanilang movie ni Vhong na  sa unang araw ng showing ng pelikula ay naka-P5Million in gross.
Sayang, sa theater tour kanina (Saturday) ay hindi nakasama ang dalaga kina Vhong, Cora Waddell at Yana Asistio na bumisita sa SM North at Trinoma para personal na makapagpasalamat sa mga nanood ng pelikula.

Bagong "Lovers" : Joshua Garcia at Julia Barretto selyado na

Swerte ni Joshua Garcia. No sweat ika nga sa panliligaw niya sa kapartner na si Julia Barretto. Hindi siya mahihirapan manuyo sa dalaga dahil gusto din siya ni Julia.
 
Joshua Garcia and Julia Barretto
 Yes, aminado ang binata na gusto niya si Julia reason para officially ay nililigawan niya ito na ibinunyag niya sa entertinment reporters recently.
 
Sa presscon ng pelikula nilang dalawa na “Love You to the Stars and Back” na bagong romcom ni Direk Antoinette Jadaone na kilala sa mga pelikulang emote at hugot na produced ng Star Cinema, kakaiba at mas level up ang romansa sa movie ni Direk reason para ang pelikula ay nakatulong sa off-camera relationship ng dalawa.
 
Joshua and Julia, totohanan na
Isa rin marahil ito sa dahilan ng positibo na reaksyon ni Julia sa binata na nanliligaw sa kanya ngayon.
 
Sabi ni Julia who plays the role of Mika: “Very well-loved naman siya by my family, very accepted at pag may gathering, hinahanap na rin siya kaya nakakatuwa para sa akin kasi siyempre gusto mo accepted,” pagmamalaki ng dalaga.
 
 
Maging ang ina niya na si Marjorie Barretto ay boto rin sa binata. “Kung ano yung gusto ng mga anak ko, doon ako. Basta happy at protective sa mga anak ko, okay na ako. Basta, inspired.”

Dagdag pa ng ina tungkol sa magagandang salita nito sa ka-love team ng anak: “Si Joshua kasi nakikita ko very maka-pamilya siya eh. So important sa amin na he likes being with our family. Parang he looks like a good son.”

Gayon naman pala at aprub ang binata kay Mommy Marjorie, wala dapat ipangamba si Joshua. In short, selyado na ang JosLia in principle.'
 
Kung gayong oks si Joshua sa nanay at mas okey ang binata sa dalaga, maganda ang magiging ending ng sinisimulang love story nina Joshua at Julia.
 
Joshua, Direk Antoinette Jadaone & Julia

Sa katunayan, ang mga JOSHLIA fans ay naghihintay na lang ng matamis na sagot ni Julia sa panunuyo ni Joshua. For sure ay 100% haping-happy ang supporters at fans ng dalawa kapag nagkataon!
 
Sa darating na Wednesday, August 30 na ang showing ng pelikula with the support of Cherry Pie Picache, Carmina Villaroel at Ariel Rivera na ang pangako ng mga JOSHLIA fans ay suportado nila ang pelikula. Congratulations!

Will Devaughn, ayaw pa pakasalan ang girlfriend

 Kahit puwede na mag-asawa ay ayaw pa or wala pa rin sa priority ni Will Devaughn ang lumagay sa tahimik.
 
Will Devaughn plays Viktor in "I Found My Heart in Sta. Fe""
Para sa isang lalaki na nasa saktong edad na (Will is 35 years old), ang focus nila ay ang ang pagpapatibay pa rin ng kanilang kinabukasan at career. Iba na raw kasi ang priorities ng mga lalaking may ganun edad.
 
Kung noon, pagkatapos ng high school or nasa kalagitnaan ng kanilang pag-aaral sa college ang mga lalaki nauuwi sa kasalan na lang ang ending ng kanilang buhay dahil napikot o gustong tumakas sa problemang financial ng pamilya.
 
Mabuti na lang, pareho ang priorities ni Will at ng longtime girlfriend niya na si Roxanne Barcelo (she’s 33 year old) na mag-ipon muna para sa future nila bago nila pagusapan or planuhin ang kasal o lumagay na sa tahimik.
 
Will and girlfriend Roxanne Barcelo
Sabi ni Will tungkol sa girlfriend: “She’s beautiful, she’s honest, she’s everything a man could ever dream of. Yung values niya is very hard to find these days,” pagmamalaki pa niya sa girlfriend at future wife niya.
 
Kahit pareho na nasa showbiz, si Will ang negosyo niya ang priorities ng binata na ang kanyang “active wear” (sportswear business) ang nasa top ng list niya.
 
Bukod sa apparel ay nagmamay-ari din ang binata ng isang café at mobile café.
 
“I need to earn and save for my future, for my wife, my kids. My family,” pahayag niya sa presscon kakaibang romcom (na level up)  na “I Found My Heart in Sta. Fe”, kung saan sa Bantayan Island sa Visayas (near Cebu) kinunan ang pelikula with real-life girlfriend Roxanne Barcelo na kapartner niya sa movie. Ipapalabas sa ilang piling theaters ng SM Lifestyle Cinemas para sa FDCP’s Cine Lokal sa darating na September 15.
 
Panigurado ni Will na committed siya sa girlfriend. Sigurado din siya na “She’s The One” na pakakasalan niya sa tamang panahon.
 
At least ang binata, hindi takot magpatali. May plano pa rin siya magpakasal sa tamang panahon.

Wednesday, August 23, 2017

Regal Films "Woke Up Like This", wagi sa katatawanan

Late man ang posting namin sa mga ganapan na nnnagyari sa nakaraang red carpet premiere ng pelikulang “Woke Up Like This”  noong  Lunes, August 22  ay gustom ko mishare ang saya at tawann ng mga nanood sa SM Megamall.

Vhong Navarro and Lovi Poe at the preem
Star studded ang eventlalo pa’t suportado ng ibang mga artista ng Regal Films (kahit hindi sila kasama sa cast ng movie) ang preem to give support kina Vhong Navarro at Lovi Poe.         
Laugh trip kami sa napanood. Happy ang movie ni Direk Joel Ferrer. Pampa-good vibes na tama lang naman na sa kaguluhan at kaliwa’t kanang patayan sa bansa natin, we need a break for a change.

The cast of  "Woke Up Like This"
I did not expect na may timing si Lovi Poe pagdating sa comedy. Natural na natural na kapag nagsawa na siya sa sexy-drama ang genre ng movie na gagawin niya, she can shift to comedy ang seksing  kikay na si Lovi.
Si Vhong naman hataw. Kamado na ang pagpapatawa. Ang audience kanina ay hagalpakan ng tawa.
Janella Salvador
Every scene magaling  si Vhong pagdating sa comedy at napatunayan niya na hindi pa rin napupurol ang pagpapatawa niya simula sa pagiging Mr. Suave niya noon.
Suportado ang “Woke Up Like This” preem nina Cora Waddell, Dionne Monsato, Yana Asistio, Raikko Matteo , Bayani Agbayani at Tsong Joey Marquez.

Mother Lily & Roselle Monteverde with Coleen Garcia and Billy Crawford
Spotted din sa premiere night sina Direk Chito Roño, Elmo Magalona and Janella Salvador; #Hashtags, Christian Bables, Coleen Garcia & Billy Crawford, McCoy de Leon at marami pa.

Showing ang WULT sa mga sinehan nationwide.

Seryosohan na, Joshua Garcia tuloy ang panliligaw kay Julia Barretto

As a real gentleman, straight to the point si Joshua Garcia sa isagot niya kung ano ang estado ng “lovelife”niya kay Julia Barretto.

Joshua and Julia

Sa grand media conference ng pelikula ng dalawa na “Love You to the Stars and Back”  ay inamin ng binata na seryoso siya sa dalaga kaya nanliligaw siya. 

Kung ang ibang lalaki nga lang siguro si Joshua, baka paiikutin pa niya ang press na syempre ay ikinatuwa naman ng dalaga ang pag-amin ng binata sa media. 

Last movie nilang dalawa ay ang box-offie hit noong Metro Manila Film Festival 2016 na “Vince, Kath and James” kung saan kasama nila si Ronnie Alonte.



Sa simula, binu-build up ang love team nina Julia at Ronnie pero mas may chemistry sila ni Joshua kaya naman ang Star Cinema, hindi na nagdalawang isip na i-push ang love team nila on screen na nade-develop na rin off screen. 

Sa presscon, sa likod ng inuupuan ng dalawa (nakapagitna kasi si Direk Antoinette sa dalawa) ay panay ang hawak-kamay nila.






Sa isang sitwasyon na tila napipikon si Joshua sa ilang mga tanong sa kanya during the media conference (parang tinatamad siya sumagot na parang nalilito o baka naman masama ang pakiramdam ng binata) na para sa akin ay walang dahilan para mairita ito (very promo nga ang mga tanong); si Julia naman ay panay ang himas sa braso ni Joshua para kumalma.

Cute ang pelikula ni Direk Antoinette Jadaone, na ang pelikula niya na “Love You to the Stars and Back” ay ibang-iba sa foreign film na “The Fault in Our Stars” kung iniisip ng iba. 

Sa pelikula, kasama nina JOSHLIA sina Cherry Pie Picache, Carmina Villaroel (playing Julia’s mom) at Ariel Rivera. 

Sa Wednesday next week, August 30 na ang showing ng pelikula ng dalawa.

Saturday, August 12, 2017

Gerald Anderson alay ang AWOL sa mga lumaban sa Marawi

Ang sequencing for a triathlon at Swim. Run. Bike.  Ito ang order of event ayon sa kuwento ng aktor na si Gerald Anderson sa mga piling press people na naimbitahan para sa media conference ng pelikulang AWOL.
 
Gerald Anderson's 2nd action nflick AWOL after OJT

Kulang daw siya sa practice kahit sabihin pa na halos araw-araw ay nage-ensayo siya.
“Bitin ako sa time. I just came from Toronto (Canada) for ASAP. Kulang sa practice kahit nage-ensayo ka na for so many years, ang one day na hindi ka nag-practice, two days practice ang nawala (backtrack),” kuwento niya.
Mabuti na lang, ang pagiging athletic ni Gerald ay malaki ang naitulong sa kanya sa pisikal na requirements ng latest action film na pinagbibidahan niya.

“This time kasi, ang laki ng scope ng mga action scenes. It’s very physical,” kuwento ni Gerald who plays a member of a special action force, kung saan nag-undergo siya ng training sa mga totoong military men na ang role ng aktor ay nag-AWOL (Absence With Out Leave) at na gusto mag-resbak sa isang pangyayari na nadiskubre niya.
“Kasama ko po talaga ang mga totoong scout rangers at mga sundalo. Every day, nandoon sila sa shoot, yung ginamit namin doon ay hindi props lang. Mga totoong baril ‘yong gamit namin,” kuwento niya over lunch.
  
“I’m thankful sa kanila (mga real military) na nag-train sa amin,” pagpapatuloy niya.
Siksik sa aksyon scenes ang AWOL reason kung bakit na-classify na R-16 ang pelikula niya na may mahalagang role ang aktor na si Bembol Roco Jr. sa takbo ng istorya sa direksyon ni Enzo Williams. 

Naikuwento din nya na dalawa sa mga military trainers niya ay namatay na sa giyera sa Marawi, rason kung bakit inaalay ni Gerald ang pelikula sa lahat ng mga military na nagpo-proteka sa ating mga Pilipino.

Gerald in one of the scene in AWOL
 Kung maaalala pa, first action movie ni Gerald ay ang On the Job (OJT) na dinirek ni Erik Matti. This time, kuwento ng nakapanood na ng AWOL ay sinasabing mala-Jason Bourne ang isang Gerald Anderson sa pelikula. 

Last night, Saturday, August 12 ay nagkaroon ng special screening ang AWOL sa Dolphy's Theater sa ABS-CBN para sa mga piling imbitadom na mga military men.


 Ang pelikula ay  produced ng Skylight and Cine Bro na ire-release ng Star Cinema at mapapanood sa darating na Wednesday, August 16 na bahagi sa all-Filipino filmg festival ng FDCP para  sa kanilang Pista ng Pelikulang Pilipino.

Coco Martin, isang mabuting tao kaya pinagpapala

Hindi isang promotional campaign ang pagiging mabait ni Coco Martin as a person. Kumbaga, hindi lang siya isang mabait na tao kundi isa din siyang mabuting tao.
 
Coco Martin with Ms. Susan Roces, Yassi Pressman and the cast of FPJ's Ang Probinsiyano


Magkaiba yong mabait na tao sa isang mabuting tao.
 
Kumbaga, within ang kabaitan. Sa loob ang kabutihan na on and off camera ay makikita mo ang kagustuhan niya na makatulong sa kanyang kapwa.
 
Ang akala ng mga bashers ng aktor, isang malaking palabas lang ang mga naglalabasan na magagandang papuri ng mga kapwa niya aktor na nakakasama niya sa aksyonseryeng FPJ’s Ang Probinsyano.
 
Sa katunayan, nasa ika-100 linggo na rin ang serye niya na kung bibilangin mo ay almost 500 episodes na rin pala.
 
Nakakatuwa isipin na kapwa artista niya ang nagbibigay papuri. Malaki kasi ang tulong ni Coco sa mga nakasama niya noon na wala nang hanapbuhay ngayon. Yong dating mg aktibo na ngayon ay namamahinga na at gusto pa rin magkagawa ng project or umarte sa harap ng kamera, nabibigyan sila ni Coco ng pagkakataon.
 
Sa katunayan, siya pa ang nagpapahanap sa kanila kung saang lupalup man sila ngayon para makasama niya.
 
Ang tagal na ni King Gutierrez bilang bad boy kontrabida sa showbiz na binuhay muli ni Coco ang karir sa pag-arte. Maging sina Jeric Raval at Michael Rivera, nabigyan muli ng pagkakataon na magbalik-showbiz.

Si dating senador Lito Lapid ay inalok ng personal ni Coco na mapasama sa kanyang serye na tulad ng pangarap ng maraming mg dating artista ay napapayag ng aktor.
 
Para sa amin, nice gesture ito na ginagawa ni Coco sa mga dating kasamahan sa showbiz na hindi na aktibo.
 
Coco as director of MMFF 2017 entry Äng Panday
Maging si Aljur Abrenica na hindi na inoperan na i-renew ang contract ng GMA Kapuso Network ay isinama niya sa FPJ’s Ang Probinsyano.
 
Sabi nga ni Aljur sa isang recent pagtitipon ng media :”Malaki ang pasasalamat ko kay Coco sa pagkakataon na ito. Salamat. Maraming salamat,” sabi niya na gaganap na Miguel sa programa.

Thursday, August 10, 2017

Lovi Poe, ayaw pagusapan kung live-in sila ng BF na si Chris Johnson.

Hinahangaan ni Lovi Poe si Nadine Lustre nang maipit ito sa isyu tungkol sa “live-in” na para sa iba na nagpapaka-ipokrita, uncalled daw ang statement ng dalaga kung sakaling ganun man ang set-up nila ng boyfriend na si James Reid.

Lovi Poe is very happy sa kanyang lovelife

Sa panahon na iba na ang takbo ng isip ng mga millennials, bahala ka kung hindi ka pa sumasabay sa agos sa panahon na ang “sex” ay kaswal lang na para ka lang nagkakape sa umaga na idadaan mo sa paligo na mawawala ang laway na idinila sa katawan mo ng kapareha as long alam mo ang pag-iingat at consequences ng ginagawa mo. 

Kaya ang madaming kabataan ang nabubuntis sa panahon ngayon dahil ginagawang bobo ng pamahalaan at ng simbahan ang mga kabataan. Ewan ko kung bakit ayaw i-push ang sex education at paggamit ng condom at mga contraceptives. 

Pero para kay Lovi ay matapang si Nadine: “I really admire her the fact that she’s very honest.”
Pero huwag ma-misinterpret ng iba na ang paghanga ng aktres kay Nadine at inunahan na niya na ayaw niya pag-usapan ang ibang detalye ng relasyon nila ng French boyfriend niya na si Chris Johnson. 

“Wala, I really don’t want to say anything because I want to keep things private,” pahayag ng sexy actress sa media launch ng kanyang first comedy film na “Woke Up Like This” kung saan si Vhong Navarro ang kanyang kapareha.
Lovi with Vhong Navarro in Woke Up Like This
Pero kung follower ka ni Lovi ng kanyang social media accounts, looking at the photos na naka-post ay nakapambahay lang ang boyfie niya habang nagluluto, meaning isang “overnight” guest si Chris? 

During the presscon, ayaw napagusapan ng sexy actress ang tungkol sa kanila ng karelasyon.
Pagkukuwento niya: “Just because we’re public figures doesn’t mean that we have to be an open book to everybody, ‘no! Whatever it is, I always said I want to be a private person. He’s a private person, ganun na lang. Chill lang naman siyang tao,” sabi ni Lovi.




 Sa pelikula, ang sexy actress ay kabaligtaran ng image niya. “Sa movie naging lalaki ako. Yong character ni Vhong ay naging ako. Nagpalit kami,” natatawang kuwento ni Lovi sa kanyang karanasan. 

Isang happy at laugh trip movie ang “Woke Up Like This” na dinirek ni Joel Ferrer. Kasama sa pelikula nina Lovi at Vhong sina Yana Asistio, Dionne Monsanto, Raikko Matteo at ang charming na si Cora Waddell. 

Sa August 23 na ipapalabas ang pelikula na produced ng Regal Films.

Andrea Torres, ayaw patulan ang isyu sa kanila ni Marian Rivera

Kung "beki" ka (read: bakla) ay madi-distract ka sa laki ng boobay (bumper, boobs, dyoga) ng sexy actress na si Andrea Torres.

Andrea Torres as Venus
Mapapatingin ka kasi sa medyo may kalakihan niyang boobs na ang suot pa naman din niya last night sa media launch ng bagong serye ng GMA Kapuso Network na Ang Pagbabalik ni Alyas Robinhood (or Alyas Robinhood 2) na bida si Dingdong Dantes ay body hugging sexy gown na ang accent ng kanyang suot ay naka-focus kung saan exposed ang cleavage ng kanyang malaking boobs. 

Ang mga kalalakihang press photographers, nagpista sa kanilang pag-picture sa dalaga. Maging sila, nakipag-pikturan sa dalaga. 

Si Andrea naman, she plays Venus na lady love ni Pepe de Jesus na isang “Lawyer of the Poor” na tagapagtanggol ng mga mahihirap at inaapi.
Andrea with co-star Paolo Contis in a scene for "Ang Pagbabalik ni Robinhood"
 Pero bukod sa pagiging isang sexy hot bod si Andrea, sa media launch, hindi nakalusot ang sexy star sa media tungkol sa mga isyus na pinupukol sa kanya.

Is it true na kaya siya umalis sa Triple A Management na parehong nagha-handle sa career nila ni Marian Rivera ay dahil diumano sa ayaw ng misis ni ‘Robinhood’ sa kanya personally?
 
Simple lang ang sagot ni Andrea sa press tungkol sa isyu. “Maayos po kasi akong nakaalis sa Triple A. Masaya ako doon. Ayaw ko na pong idetalye kung bakit, “ obyus na ayaw na sagutin ng direkta ng dalaga kung may kinalaman si Marian sa kanyang pamamaalam sa Triple A. 

Dagdag pa ni Andrea: “Happy ako kasi walang nasirang relasyon sa amin ng Triple A. Kumbaga, hindi naman ibig sabihin na kapag naghihiwalay kayo, negative na. Ang maganda sa amin, naghiwalay kami nang maayos,” paliwanag niya. 

Si Marian ba ng dahilan ng pag-alis niya sa dating management company? Hindi na sinagot ni Andrea ang isyu.  

Marahil, tama ang hinala ng nakararami sa tunay na dahilan.

By the way, bukas na, Lunes August 14 na mapapanood Ang Pagbabalik ni Alyas Robinhood kung saan makakasama ng sexy na si Andrea sina Solenn Heusaff, Ruru Madrid, Edu Manzano at Jaclyn Jose sa direksyon ni  Dominic Zapata on primetime  pagkatapos ng balita sa 24 Oras sa GMA Kapuso Network.