Magkaiba yong mabait na tao sa isang mabuting tao.
Kumbaga,
within ang kabaitan. Sa loob ang kabutihan na on and off camera ay
makikita mo ang kagustuhan niya na makatulong sa kanyang kapwa.
Ang akala ng mga bashers ng aktor, isang malaking palabas lang ang
mga naglalabasan na magagandang papuri ng mga kapwa niya aktor na
nakakasama niya sa aksyonseryeng FPJ’s Ang Probinsyano.
Sa katunayan, nasa ika-100 linggo na rin ang serye niya na kung bibilangin mo ay almost 500 episodes na rin pala.
Nakakatuwa
isipin na kapwa artista niya ang nagbibigay papuri. Malaki kasi ang
tulong ni Coco sa mga nakasama niya noon na wala nang hanapbuhay ngayon.
Yong dating mg aktibo na ngayon ay namamahinga na at gusto pa rin
magkagawa ng project or umarte sa harap ng kamera, nabibigyan sila ni
Coco ng pagkakataon.
Sa katunayan, siya pa ang nagpapahanap sa kanila kung saang lupalup man sila ngayon para makasama niya.
Ang
tagal na ni King Gutierrez bilang bad boy kontrabida sa showbiz na
binuhay muli ni Coco ang karir sa pag-arte. Maging sina Jeric Raval at
Michael Rivera, nabigyan muli ng pagkakataon na magbalik-showbiz.
Si dating senador Lito Lapid
ay inalok ng personal ni Coco na mapasama sa kanyang serye na tulad ng
pangarap ng maraming mg dating artista ay napapayag ng aktor.
Para sa amin, nice gesture ito na ginagawa ni Coco sa mga dating kasamahan sa showbiz na hindi na aktibo.
Maging
si Aljur Abrenica na hindi na inoperan na i-renew ang contract ng GMA
Kapuso Network ay isinama niya sa FPJ’s Ang Probinsyano.
Sabi
nga ni Aljur sa isang recent pagtitipon ng media :”Malaki ang
pasasalamat ko kay Coco sa pagkakataon na ito. Salamat. Maraming
salamat,” sabi niya na gaganap na Miguel sa programa.
No comments:
Post a Comment